Chapter 13

297 2 0
                                    

Umaga pa lang ay pinuntahan ko na sila Manang Imelda na nag aalis ng mga ligaw na damo sa paligid.

"Magandang umaga po" nginitian ko lang sila at pinatong na sa lamesa ang ginawa kong ginataan na bilo bilo.

"Sana po magustuhan ninyo"

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa inaral kong bulaklak. Gusto ko sanang dagdagan pa ang mga pananim ko kaya pinag aaralan ko kung ano ang pupwede sa klima ng Pilipinas. Dahil sa di ako nakatulog ay naisipan ko na lang magluto.

"Sakto mam sa almusal yan" ngumiti lang ako at hinayaan na silang kumuha ng pagkain.

Babalik na sana ako sa bahay ng maamoy ang pamilyar na pabango. Agad akong lumapit sakanila para amuyin kung sino sakanila ang may pabangong yon.

"Joseph saan mo nakuha yung pabango?"

"Po manang? E kay Manang Baby po" nabitawan ko na lang ang braso niya. Nakita ko naman ang mga tingin nila sa akin. Nagtataka siguro kung bakit parang mananapak ako ng tao.

"Sorry" ngumiti na lang ako at naglakad na pabalik ng bahay. Si Manang baby? Diba Avon tinitinda non? Galing ba sa avon ang pabangong yon. Alam ko Giorgio Armani ang tatak non hindi Avon.

Hinilot ko ang sentido ko. Wala pa akong tulog tapos ganito ang bubungad sa akin. Ramdam ko nanaman ang panginginig ng kamay ko at mga kalamnan ko.

Ayaw ko namang araw arawin ang pagtake ng gamot dahil napapadalas na ang panic attack ko. Kaya naisipan kong matulog na lang sa duyan na nasa harap ng bahay ko. Tanaw nito ang malawak na lupain.

Humiga na ako at hinayaang iduyan ang sarili ko. Safe naman dito dahil malaki ang tiwala kong di ako sasaktan ng mga taong taga rito ang duyan din ay matibay dahil ginawa iyon ni papa.

Pilit kong kinakalma ang sarili. Kagabi ay naamoy ko din ang pabangong iyon at kinailangan ko pang matulog sa banyo para lang kumalma. Ngayon naman ay hindi ako pupwedeng magkulong na lang o di kaya magpakaoverdose sa gamot.

Naalimpungatan ako ng may maramdamang bagay sa labi ko at pisngi ko. Umungol lang ako sa inis para umalis ang mga lamok na pumapapak sa akin.

"I love you Priscilla"

Napabalikwas ako sa pagkakatulog. Napasigaw naman ako sa sakit ng mahulog sa duyan. Luminga linga ako para tignan kung may tao sa paligid.

Hinilamos ko ang kamay sa mukha dahil mukhang nananaginip nanaman ako. Kumapit ako lang ako sa duyan habang hinahabol ang hininga.

Siya nanaman

Nang masiguro kong wala ngang tao ay pumasok na ako sa bahay. Pagtingin ko sa relo ay magtatanghali na.

Nagluto lang ako ng madami para na rin sa mga tauhan ko at kina Nanay Esperanza. Naawa naman ako kasi sila pa pala ang inuutangan dito.

Matapos kong magluto ay binigyan ko na agad sila Manang. Hinayaan ko silang kumain dahil kina Nanay na lang ako sasabay.

Naglalakad na ako papunta kina nanay ng maamoy nanaman iyon. Habang palapit ako ng palapit kina nanay ay lalong naamoy ko ang pamilyar na pabango.

Winaksi ko na lang ang ideyang yon at kinatok sila nanay. Pinagbuksan nila agad ako. Nakikipag biruan pa nga si tatay sa akin dahil palagi na lang daw madami ang niluluto ko.

Sinigang na baboy ang niluto ko kaya sakto sa tanghalian. Pinaupo na lang ako ni nanay at tatay dahil bisita daw nila ako. Wala naman akong nagawa kundi sumunod.

Maayos pa din ang bahay nila kahit medyo may kalumaan. Puno rin ito ng pictures nila tatay. Nakakatuwa nga dahil may mga kanya kanyang asawa na ang mga anak nila at mas pinili nilang dito na lang hanggang sa huli nilang hininga.

My Priscilla (Grandeza Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant