1

14.5K 322 33
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

1

"Pakibasa ng kuwento sa site na ito Alken, tinatamad akong magbasa, pagkatapos ikuwento mo sa akin." Utos ni Keion Herrera kanyang PA con driver na si Alken Viko.

"Next project ba, Boss?" Sanay na si Alken sa pinapagawa ng kanyang amo. Sanay na rin siya sa mga mood swings nito na daig pa ang isang babaeng may dalaw. ISang sikat na artista ang kanyang Boss. Kahit naman lagi itong masungit, mabait naman at mapagbigay.

"Oo, sikat yata na story sa Wattpad, online reading site, pakihanap at nang may background man lang ako sa press conference, mga bagay-bagay na kakailanganin ko."

"Ora mismo, Bossing!"

Nakita niyang pumikit na ito. Ganoon ang madalas na ginagawa nila, kapag nakatapos ito sa kanyang takes, pupunta sa van at matutulog, mas kumportable raw ito dito kesa sa dressing room na nakalaan sa kanya.

Agad naman niyang kinonsulta si Mr. Google para sa mga impormasyong kakailanganin niya. Mabuti na lamang at malakas ang wifi, mas maganda na may maibibigay siyang kaunting kaalaman pagkagising ni Keion. Minsan nga, feeling niya, siya na si Kuya Kim.

Napakamot siya ng ulo, kailangan na naman niyang magregister. Sa kakagawa ng kung anu-anong research, lahat na yata ng social networking sites meron siya. Pati na ang sa Boss niya na mga accounts, madalas siya ang nagmamanage.

"Hay! Bago na naman to, mukhang masisira ang mga mata ko sa kakabasa." Ilang sandali pa ay naging abala na siya sa pag click ng kung anu-ano. Nagulat pa siya nung biglang tumunog ang alarm clock ng boss niya. Ganyan ito ka professional sa pinasok na larangan. Kahit ubod ito ng suplado at mailap sa personal na mga katanungan ng press, wala kang masasabi pagdating sa trabaho.

"Kindly call Tessa, it's 25th tomorrow, I want fresh flowers for her." Sabi pa nito pagkatapos mag-ayos ng sarili. Agad naman siyang tumalima sa pinag-uutos nito. Si Tessa ay may-ari ng suki nilang flower shop. Dali-daling kumuha siya ng ilang kagamitan at pagkatapos sumunod sa kanyang Boss, bitbit ang cellphone niya. Maiinip siya sa set kaya kailangan niyang magbasa habang naghihintay.

Ilang sandali pa ay nanonood na siya ng taping ni Keion, ang galing talagang umarte ng binata. Bida kasi ito sa isang prime time soap sa isang sikat na T.V. network. Ang ganda pa ng kapareha nito. Nakakaaliw na nakakabaliw kapag PA at driver ka ng isang sikat na artista. Nakakaaliw kasi makikita mo ang ilang sikat rin na celebrities, nakakabaliw kasi madalas inaabot sila ng madaling araw sa kaka-taping. Nakakabaliw lalo na kapag mainit ang ulo ni Keion.

Minabuti na lamang niya ang manood kahit pa malapit na siyang antukin. Nakahinga siya ng maluwag nung biglang sumigaw ng 'cut' ang director. Salamat naman at makakauwi at makapagpahinga na silang dalawa.

Ang hirap maging personal alalay, parang artista ka na rin. Ang hirap tumabi sa guwapo, feeling mo, gwapo ka na rin. Pagkatapos kasi ng taping, may ilang nag-abang na nagpa picture at autograph pa kay Keion. Iba talaga ang karisma ng amo niya.

"Any schedule for tomorrow, Alken?" Tanong nito pagkapasok sa van.

"Wala Boss, hindi ba nanghingi ka kay Direk ng dalawang araw na break? Bukas na yun."

"Ganun ba? Yah, let's go to her tomorrow, then sa bahay. Dun ako magpapalipas ng dalawang araw."

"Copy Boss."

"Change my phone, ayoko ng istorbo lalung-lalo na ang press."

"Yes Boss!"

"Ayoko ng tawag sa kahit sinong babae."

Isa pa yan, kapag gwapo ka at sikat, malamang maraming magkakandarapa sa iyo. "Masusunod Bossing."

"Okay, yung pinapagawa ko sa iyo, iwanan mo ako ng kopya, pagkatapos, kailangan ko bukas habang nagta-travel ang mga impormasyon tungkol sa story at sa writer."

"Yes Boss, sinimulan ko ng mag research."

"Sa condo tayo."

Mukhang magigising na naman siya ng maaga nito para sa hinihingi ni Keion.

************************************

Nasa kotse na naman si Alken, kapag napupunta sila sa ganitong lugar, sa labas lamang siya at hahayaan niya si Keion sa loob. Minsan mag-aantay siya ng ilang minuto lang, minsan aabutin ng oras kaya minabuti niyang magbasa na muna.

Nalaman niyang sikat pala ang Wattpad na online reading site ngayon, dito kasi hango ang pelikulang pagbibidahan ng kanyang amo. Sikat na sikat ang story na sinasabi nito, milyon ang reads at ang daming magagandang komento tungkol sa sumulat at sa kuwento mismo. Sinimulan na niyang basahin at nagsimula na rin siyang mangalap ng impormasyon tungkol sa nagsulat.

"Action-Drama pala itong bagong pelikula ni Boss. Mukhang box office hit na naman ito. Sino kaya ang makakapareha niya. Sana hindi na si Miss Luna, nakakabaliw ang babaeng yun."

Ito kasi ang huling nakasama ng Boss niya sa isang pelikula at malaki ang gusto nito sa binata, talagang nakita niya kung paano umiwas si Keion at kung paano naman nito ipagtulakan ang sarili. Maraming babae ang naghahabol sa Bossing niya, nakita na niya kung paano maging desperada ang isang babae lalo kapag sikat, mapera at guwapo ang lalaki.

"Kaya nga kuntento na ako na pogi lang." Sabi niya sa sarili.

Tumingin siya sa suot na relo. Mukhang natagalan ang kanyang Bossing at nagsawa na rin siya sa kanyang binabasa kaya minabuti niyang maghanap ng ibang mababasa.

"Ang dami palang categories nitong wattpad. Humor kaya?"

Mas gusto niya kasi ang mga nakakatawang kuwento at palabas, nakakawala ng problema at stress sa buhay. Mas gusto niya ang ngumingiti kesa umiiyak. Mahilig kasi siyang magbasa, kaya hindi mahirap sa kanya kapag hinihiling ni Keion na basahin ang script nito. Malaya rin siyang nakakapagbigay ng kanyang mga kuro-kuro tungkol sa isang kuwento at nakikinig naman ito.

Nagulat siya nung makita ang isang kuwento na ang pabalat ng libro ay ang amo niya.

"Ang astig ah! Kahit sa Wattpad sikat ang isang Keion Herrera?" Tinignan niya ang mga iba pang kuwento sa iba pang kategorya at nakita niyang hindi lamang iisang kuwento na ginamit si Keion bilang book cover, marami pa.

Pero may isang kuwento na nakakuha ng kanyang atensiyon.

"When a Beki Falls In-Love? Hindi ba ang salitang 'beki' ay bading? Ibig sabihin, bading si Keion rito

*******************************************************************************

Iniba ko ang pangalan ng writer, ginawa kong CatarinaNaveen (search nyo sa Wattpad)...baka kasi pag pangalan ko, kikilabutan ako lagi. wahahahahahahahah

Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon