20

3.3K 143 15
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

20

Catarina Naveen: Anong utot ko? Hindi ko naman talaga tipo ang katulad ng mga portrayer ni Elvin.

Elvin: BAKIT?

Catarina Naveen: naka CAPSLOCK talaga? Hindi ko kasi gusto ang hair style niya ngayon.

Biglang napatingin si Keion sa salamin. Anong meron sa hair style niya? Itong hair style niya nga ang ginagaya ngayon ng mga kabataan.

Elvin: Ha? Hairstyle? 'Di ba't ginagaya nga ng mga kabataan ngayon ang ayos ng buhok niya?

Catarina Naveen: Ang pangit kaya! Basta, hindi bagay sa kanya.

Elvin: Problema ba yun, eh 'di magpapa trim ako ng buhok bukas.

Catarina Naveen: Geh, i-push mo yan. Hindi lang din naman hairstyle ang pangit sa kanya.

Elvin: Ano pa?

Biglang nag-iinit na ang ulo niya. Hindi na ba bagay sa kanya ang ayos niya? Bakit walang nagsabi?

Catarina Naveen: Minsan hindi ko gusto ang taste niya sa pananamit. Parang ang baduy.

Elvin: Baduy? Paanong naging baduy eh yun ang mga ini-endorse niya na products, ibig sabihin, in demand sa market? Wala ka sigurong taste!

Wala na sa mood si Keion. Pangit ba ang ayos ng buhok niya? Hindi bagay sa kanya ang mga suot niya? Bakit hindi man lang nagbigay ng komento si Alken? O di kaya si Miss D?

Catarina Naveen: PA ka ba ng artistang yun at wagas ka kung ipagtanggol siya?

Elvin: Hindi, ako mismo siya.

Catarina Naveen: Utot mo. Kumain ka na nga muna. Alis muna ako may gagawin pa. Basta, pangit ang hair style niya, baduy ang choice of clothes.... PARA SA AKIN.

Elvin: Sandali.

Naghintay si Keion ng reply pero hindi na sumagot ang kausap. Mukhang nag-offline na nga. Agad na tinawag si Alken.

"Bakit Bossing?"

"You never told me that my hair style sucks!"

"Ha?"

"You didn't even tell me that my clothes are out of style."

"Ha? Anyare Bossing? Sinong nagsabi niyan? Kung sino man siya, siya ang out of style!"

"Si Catarina Naveen."

"Ha? Nagkita kayo? Kailan? Anong itsura niya?"

"Hindi kami nagkita, tinanong ko sa kanya kung crush niya si Keion Herrera."

"Anong sagot?"

"Hindi raw. Pangit raw ang hair style nito, baduy ang pananamit."

"Grabe naman si Miss! Alam mo, feeling ko niloloko ka lang nun, hindi rin naman kasi niya alam na ikaw mismo si Keion Herrera, hindi ba?"

"Sabagay, medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakakapagpalit ng hair style. I think I should change it. Ano kayang babagay sa akin?"

Napakamot ng ulo si Alken. "Bossing, consult mo muna kay Miss D, baka kailangan ang ganyang hair cut."

Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon