16

3.6K 149 23
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Ang kwento ng mga uri ng tinga ay hindi galing sa akin, nai-google ko lang, nanjan sa convo ang link. Binabalaan ko kayong dugyot ang update, pwedeng huwag basahin at hintayin ang next na update.

16

Elvin: Gusto mo talaga ang tinga ko????

Catarina Naveen: Tang-tinga mo!

Elvin: Sige na, pinilit mo ako, I'll share my brilliant ideas about tinga. May iba't-ibang uri ng tinga. Kaya kung akala mo iisa lang sila, jan ka nagkakamali.

Catarina Naveen: Geh, i-push mo lang yan. Tinga boy!

Elvin: Bebe, wag naman Tinga Boy. I'm a man, not a boy.

Catarina Naveen: Wahahahahaha! Ayaw ng Boy gusto Man pero okay lang sa kanya ang Tinga. Okay, Tinga Man.

Elvin: Tang – tinga yan! Let's talk about us, Bebe. Hayaan na nating kumapit sa ngipin ang tinga.

Catarina Naveen: Alam mo, Tinga, nagpapalusot ka lang. Isang klase lang talaga ang uri ng tinga. Yung nakatira sa ngipin mo. Huwag mong baguhin ang usapan.

Elvin: I'll prove you wrong. Unang klase ng tinga, Bebe ay tinatawag na 'untouchable', katulad mo, hindi kita nahahawakan ng literal. Ito yung klase ng tinga na nasa pagitan ng bagang mo, o yung sumasabit sa dulo ng panga o pisngi mo. Hindi mo matanggal kasi ang pangit tignan dahil ipapasok mo yung kamay mo sa bibig mo para lang matanggal ang 'untouchable'. Tama ba?

Catarina Naveen: Wahahahahaha! Tang-tinga yan! Paano mo kukunin ang 'untouchable tinga'?

Elvin: Kailangan mo pang magmumog para lang matanggal ang untouchable o kaya gamitan mo ng dila.

Catarina Naveen: Medyo baboy!

Elvin: YEah! But wait, there's more, Bebe. Pangalawang uri ng tinga ay tinatawag na 'after taste'. Katulad mo, kahit nakakausap kita ngayon, I'm sure mamaya babalikan ko ang conversation natin. Ikaw ba ganun?

Catarina Naveen: Nope

Elvin: After this conversation of ours, Bebe. I'm sure you will.

Catarina Naveen: Asa pa more! Sige na, bakit 'after taste'?

Elvin: Oo naman! The after taste siya na tinga kasi ito yung klase ng tinga na sumabit sa ngipin mo na madaling tanggalin, tipong isang higop mo lang, sumasabay na sa laway mo.

Catarina Naveen: Yuck! Kadiri ka talaga, Tinga!

Natatawa si Keion sa mga pinagta-type niya. Hindi siya makapaniwalang nag-uusap sila ngayon ni Catarina Naveen tungkol sa tinga. But he's enjoying. Hindi tuloy niya namalayan na tumatawag na sa cellphone niya si Alken.

"Hello. Bakit?"

"Tinga Man, ang dugyot mo."

"Tang-tinga mo! Huwag kang makialam." Agad na pinatay niya ang cellphone. Alam niyang nakikibasa ngayon si Alken sa usapan nila ni Catarina Naveen.

Elvin: Alam mo ba ang rason bakit siya tinatawag na 'after taste'? Dahil ang tinga na ito ay may kalakihan at dahil medyo malaki siya at sigurado akong kakagatin mo ulit sabay lulunukin mo ito para malasahan mo ulit ang masarap mong kinain. Tama ba ako, Bebe? Yan bang uri ng tingang yan ang meron ka ngayon?

Catarina Naveen: Wahahahahahaha! Ang dugyot mo.

Elvin: Ipagpapatuloy pa ba natin, Bebe? Baka na bo-bored ka na?

Catarina Naveen: Actually, I'm not. Medyo nag e-enjoy ako.

Napangiti si Keion sa nabasa. Nag-eenjoy si Catarina Naveen, nag-eenjoy din siya. Ganito lang pala ang gusto ng writer na ito, baliwan na usapan.

Elvin: Ang pangatlong tinga ay tinatawag na 'strong hold'. Parang ikaw, malakas ang hatak mo sa akin. Dapat nagpapahinga na ako pero hinahatak ako ng puso ko na kausapin ka.

Catarina Naveen: Banat pa more, Tinga!

Elvin: Kinikilig ka naman. O eto na, itong tinga na ito naman yung mahigpit ang kapit sa pagitan ng ngipin mo na kahit anong higop mo at sungkit ng dila mo eh hindi siya basta – basta matatanggal.

Catarina Naveen: So kakailanganin ng toothpick o kaya dental floss o di kaya maiging pag tooth brush, tama ba?

Elvin: OMG! I kennot! Ganyan ba ang tinga mo ngayon?

Humalakhak na mag-isa si Keion. Yan ang mga natutunan niyang expression ni Nikita. Napatingin siya sa relo niya. Dapat ay natutulog na siya dahil maaga ang call time nila bukas, pero hindi pa siya inaantok.

Catarina Naveen: Hindi pero relate ako. Wahahahahahahaha. Ang aliw. Ang dami palang klase ng tinga?

Elvin: Wait, there's more again. Nakabraces ka ba?

Catarina Naveen: Meron, nabili kong 3 for 100 sa bangketa. Anong kinalaman ng braces sa 'strong hold' tinga?

Elvin: Huwag yan, Bebe. Nakakamatay ang impeksyon. Papadalhan kita ng gift certificate sa ini-endorse ko na dental clinic. Address please.

Catarina Naveen: Tapusin mo na Tinga!

Elvin: May tatlong uri kasi ng 'strong hold' --- una ay tinatawag na 'hidden treasure' na madaling tanggalin pero mahira makita dahil nakasingit mismo sa gitna ng iyong super white teeth. Pangalawa ay ang 'dark rift', madali siyang makita pero mahirap tanggalin. Halimbawa, Bebe, ay yung paminta na pumasok sa gitna ng ngipin mo. Medyo dyahe kasi tignan dahil parang may sira ang ngipin mo kaya pipilitin mo talagang matanggal si dark rift. At ang huli ay strong hold ---'surprise' . Katulad mo, nasurpresa akong baliw ka rin pala. Ito yung tinga pagkatapos mong magmumog at magsepilyo ng masinsinan ay bigla-bigla na lamang lalabas at mararamdaman mo na lang na may tinga ka pala. Surprise! Medyo pangit na ang lasa nito dahil sa katas na ng toothpaste. Kadalasan ay ito ang mga nararanasan ng may braces.

Catarina Naveen: Wahahahahahahahahha! Epic na tinga!

Elvin: At ang panghuling tinga, Bebe ay tinatawag na 'the moves'. Mga damoves ni Elvin. Ito yung tinga na tipong sasadyain mong ilagay sa ngipin mo para lang mapansin ka ng gusto mong matawa sa iyo o kaya para lang may mapag-usapan kayo. Tinatawag din itong 'the recoil' kasi kapag hindi siya sumakay sa trip mo, maba-bad shot ka na agad dahil iisipin nilang ang baboy kang klase ng tao dahil may malaki kang tinga na napaka obvious.

Catarina Naveen: Tang-tinga talaga! Wahahahahahahaha!

Elvin: Yan ang kwento ng mga tinga ko at tinga mo. Bow!

Catarina Naveen: Ang galing mo sa mga tinga, Elvin! Dapat gawan mo ng one shot story yan, gawan ng kwento ang mga kawawang tinga.

Elvin: Salamat! Salamat! Salamat kay google. Hinanap ko talaga yan para mapansin mo ako. Eto ang link o: https://akosidhie.wordpress.com/tag/ano-sa-english-ang-tinga/

Catarina Naveen: Nag-enjoy ako. Yung badtrip ko ngayong araw nawala dahil sa mga tinga mo. Seryoso.

Ang lapad ng ngiti ni Keion. Tang-tinga! Bakit masaya siya sa reply ni Catarina Naveen?

Elvin: Ganun din ako, Catarina Naveen. Nice chatting with you. Salamat sa pagpatol sa kwentong tinga ko.

Catarina Naveen: Sige, goodnight, Elvin.

Elvin: Goodnight.

Catarina Naveen: seen


Ngayong alam na ninyo ang uri ng mga tinga, ang tanong, ano ang English ng tinga? Use it in a sentence.

Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon