32

2.8K 126 6
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Paki-like din po ng page namin: Xianrandal Wattpad Stories

32

"Bossing, pinapatanong ni Miss D kung bakit raw interesado kang pumunta ng Midsayap, Borth Cotabato?"

"Hindi ba naipaliwanag ko na sa 'yo yan?"

"Oo nga, Bossing, nandun na ako sa gusto mong ma-meet si Miss. Pero hindi naman pwedeng yan ang sasabihin ko kay Miss D."

"Ikaw na maghanap ng ira-rason mo."

"Nakahanap na ako. Bossing. Tumahimik nga si Miss D."

"What did you tell her?"

"Sabi ko, dapat ine-expose ka din sa mga provinces para mas lalong sumikat, kayo ni Luna, yung love team nyo."

"Kailangan talagang isama si Luna?"

"Bossing naman, wala akong choice, si Luna ang ka love team mo at hindi si Miss!"

Sinamaan ito ng tingin ni Keion.

"Joke lang, Bossing. Kasi naman may nag-DM sa Twitter mo, nabasa mo ba? Matagal na pala yun, Bossing. Organizer yata ng Street Dancing nila, kung pwede ka raw mag judge, isama na rin daw ang Binibining Midsayap."

Agad na napatingin si Keion kay Alken, kanina lang ay busy ito sa kakabasa ng story ni Catarina Naveen.

"Judge? Sa Midsayap, North Cotabato mismo yan?"

"Yes, Bossing."

"Okay, pag napapayag mo si CN na ma-meet ko, papayag ako."

"Paano si Miss D?"

"Madali na lang yun."

"Okay, Bossing."

"Dapat malalaman ko ang sagot ngayong araw din."

"Agad-agad talaga, Boss?

"Yes, agad-agad! May bonus ka pa sa akin kahit, January pa lag ngayon."

"Wow! Okay, Bossing! Akong bahala! Para ito sa kinabukasan ng puso mo."

*************************

Keion: Hi?

Catarina Naveen: O?

Keion: Na miss mo ako?

Catarina Naveen: Hindi.

Keion: Sana naman kahit plastikan lang sinabi mong na miss mo ako.

Catarina Naveen: Hindi ako plastic eh.

Keion: K.

Catarina Naveen: Anong drama yan?

Keion: Na miss kita.

Catarina Naveen: K.

Keion: Anong balita?

Catarina Naveen: Sa?

Keion: Sa tanong ni Alken kanina. Ayaw mo raw sumagot.

Catarina Naveen: Seryoso pala 'yun?

Keion: Yes. Kapag ba natuloy ako sa pag judge jan sa lugar mo, magpapakita ka ba sa akin?

Catarina Naveen: Hindi.

Keion: Bakit?

Catarina Naveen: Wala namang rason para magkita tayo.

Keion: Meron

Catarina Naveen: Ano?

Keion: Magkaibigan tayo?

Catarina Naveen: Weh?

Keion: Kulit naman! Sige na, kahit minutes lang. Alam mo, parang hindi ako ito. I never did this to someone.

Catarina Naveen: I'll try, but I can't promise. Kasi naman, next next week na yan, hindi ba?

Keion: Yes.

Catarina Naveen: Pabebe ako eh. Pero sige, alang –alang sa lahat ng mapapasaya mo sa lugar namin at sa bonus ni Alken na hati raw kami...Sige.

Keion: YES!

Catarina Naveen: Pero ayokong mapapansin ako, gusto kong katulad lang din ng ibang fans mo.

Keion: Sige, pero paano kita makikilala?

Catarina Naveen: Ako ng bahala 'dun.

Keion: Salamat, CN. Can I ask you something? Something personal.

Catarina Naveen: O?

Keion: Kumusta na ang panliligaw ni Raul?

Catarina Naveen: Okay naman.

Keion: Ah.

Catarina Naveen: Bakit?

Keion: Wala naman. Baka magalit kasi kinakausap kita.

Catarina Naveen: Echosero! Kumusta kayo ni Miss Luna.

Keion: Okay naman.

Catarina Naveen: Ah. Bagay kayo. Real life couple?

Keion: Tayo?

Catarina Naveen: Anong tayo? Kayo ni Luna.

Keion: Ayusin mo kasi, Kulit. Depende, kung sasagutin ko siya.

Catarina Naveen: Ha-ha-ha. Ang labo mo kausap. Matutulog na nga ako, madaling araw na.

Keion: Sweet dreams. Good morning.

Catarina Naveen: Matulog ka na din, oi!

Keion: May takes pa akong hinihintay.

Catarina Naveen: Okay. Mauna na akong matulog. Good morning na.

Keion: Okay. Catarina Naveen, see you soon.

**************************

Ito yung story na gusto ko ng matapos. Hahahaha! Malabo kasi utak ko dito. Laging sabaw, bulalo pa! Basta mahirap i-explain



Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon