24

3K 147 33
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Official Page: Xianrandal Wattpad Stories

24

"Bossing, may problema tayo."

Napakunot noo si Keion. Inaantok pa siya pero kanina pa may nagtetext at tawag sa dalawang cellphones niya,

"Boss, ilang tawag at text na ang galing kay Miss D."

"Bakit daw? Mamaya pa namang hapon ang call time, hindi ba? Ilang oras lang yata ang tulog natin."

Napakamot ng ulo si Alken. "Oo nga, Bossing. Inaantok pa ako, pero nawala dahil sa kumakalat sa Twitter at Facebook."

"Kumakalat? About?" Nagtimpla ng sarili niyang kape si Keion. Mukhang magkaka hang over pa siya. Naparami yata ang inom nila kagabi.

"About you? Yung tweet mo kay Miss Catarina Naveen kagabi."

"What?"

"Gusto mong makita, Boss? Grabeh kah!"

Ang natatandaan niya, ginamit niya ang kanyang sariling accounts sa Facebook at Twitter na mina-manage ni Alken. Alam naman niya ang password kaya kahit kailan niya gusto ay mabubuksan niya ang mga ito.

"Ano bang nai-post ko?" Nawala ang antok niya. Ang sarap ng agawin ng cellphone ni Alken.

"I love you Catarina Naveen, Bossing."

"Ano! Where?" Agad nitong nakuha ang cellphone ni Alken.

"Joke lang, Bossing. Ingat-ingat din sa cellphone ko, Boss."

"Saan dito? Hindi ko kabisado ang Twitter."

"Sana kasi boss, DM lang, kaso hindi ka pala niya follower. Heto, ilang libong retweets at like din."

@CatarinaNaveen I'm sorry. I miss you. I miss talking to you. Bati na tayo, Catarina please.

"Ako bang nag tweet niyan?"

"Bossing, dalawa lang tayong may alam ng password. Hindi ako, so malamang ikaw. May isa pa, Bossing. Mas maraming retweets nito."

@CatarinaNaveen Bebe, please. One more chance.

"Grabe ka, Bossing, malamang nawiwindang na si Miss ngayon. At si Miss D, kanina pa tawag ng tawag at text ng text. Naiimagine ko ng pagmumukha niya."

"What are we going to tell her?"

"Kanino Boss? Kay Miss CN o kay Miss D.?"

"Both." Bigla yatang sumakit ang ulo niya, kasalanan niya 'to.

"Kay Miss D., madali lang, sasabihin nating lasing ako kagabi, at ako ang may kagagawan niyan. Alam naman ng lahat na hindi ikaw ang personal na gumagamit ng mga accounts mo. Eh 'di lusot na."

"Kay CN?"

"Ikaw ng dumiskarte, Bossing. Ikaw naman may kagagawan niyan." Asar ni Alken.

"Ah ganun? Maghahanap na ako ng bagong PA na pwedeng makatulong."

"Ganitong gawin mo, Bossing. Napakadali niyan eh, una..."

********************************

"Seen! Sa wakas binasa rin niya!" Tuwang-tuwa si Keion sa nakita. Pinabayaan na siya ni Alken. Nakapag tweet na rin sila ng official statement tungkol sa nangyari.

Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon