9

4.1K 165 24
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

"Hindi pa rin ba sumasagot?" ilang ulit na bang tinanong ni Keion si Alken. At ilang ulit na ring sinagot ni Alken ang amo na 'wala', hindi pa rin sila nirereply ni Catarina Naveen.

"Bossing naman, may password ka naman ng account, di ba? Bakit hindi mo na lang i-check?"

"Busy ako, ayokong magsayang ng oras para sa Catarina na yan."

"Okay! Sinabi mo eh. Ngapala, Boss, si Nikita na pala ang official make -up artist mo."

Walang reaksyon mula kay Keion. Wala namang kaso sa kanya kahit sino pa ang kanyang magiging make-up artist.

"Boss, 25 na nga pala bukas. Walang roses kaya sa iba ako umorder. Humihingi ng pasensiya ang may - ari ng flower shop."

"Sige. Pero siguraduhin mong meron."

"Oo naman! Ako pa ba. Pero may bad news."

"Ano yun?"

"Alam na ng nga reporters na pumupunta ka sa lugar na 'yun. Pati na ang park. Nagtext sa akin ang mga security guards. Mas makakabuting hindi muna tayo pumunta, I'm sure maiintindihan niya."

Biglang natahimik si Keion. "Sige. Gumawa ka ng paraan para mailipat siya ng lugar. Yung walang makakaalam."

"Ako na ang bahala, Boss. Wala tayong trabaho bukas, wala ba tayong ibang lakad?"

"Wala."

"Good. Makikipag date sana ako, Boss."

"Kanino? Dun ba sa Kathryn?"

"Hindi ah!"

**************
"Boss, baka gabihin ako o kaya bukas na lang tayo magkikita. Okay lang ba?"

"Yah. Walang problema."

"Sige, Boss. Siyangapala, gusto mong mag OP, Boss? Baka ma bored ka at gusto mong mag online."

"Sayang sa oras, Alken."

"Okay. Pero kung sakali, mag backread ka muna, Boss ha. Sinabi ko na rin naman kay Miss Catarina Naveen na mabubusy ako ngayon."

"Hindi ako interesado." Hindi man lang siya nito tinignan.

Pero ayaw dalawin ng antok si Keion kahit pa nga ang plano niya ay matulog buong araw. Kaya tinatamad na hinanap ang papel kung saan nakasulat ang password ng Elvin na account.

Ang sabi naman ni Alken na hindi siya makakapag FB kaya walang problema na magkakasabayan sila.

"Mahigit isang libong messages sa group chat? Nag-uusap na naman pala ang mga baliw " Noong binasa niya kasi ang group chat, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya at magiging reaksiyon. Pero bilib siya sa mga ito, napakahusay, parang mga artista.

Tinignan niya ang notifications, ang dami at may pitong private messages. Binasa niya isa-isa. Puro comments sa grupo nitong CN Readers. Ang baduy talaga ni Alken, lahat na yata pinatulan.

Tulad ng bilin nito, nag backread na muna siya. Dahil alam niyang partner nito si Kathryn, inuna niya ito.

"Puro talaga pambobola."

Elvin: Hi

Kathryn: Sinta! Kanina ka pa seen ng seen.

Elvin: Ninanamnam ko kasi ang messages mo, Sintas.

Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon