3

6.2K 206 36
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

3

HImala ng mga himala na hindi siya nainip sa kakahintay kay Keion Herrera. Dati- rati ay ang pagtingin sa naggagandahang babae ang pampaalis inip niya, pero ngayon, aliw na aliw siya sa binabasa niyang kuwento sa Wattpad.

"Ang husay mag-isip ng taong 'to!" Nakakailang chapters na rin siya at panay ang tawa niya. Minsan nga napapalakas kaya napapatingin ang nasa paligid niya, minsan nga pati si Keion.

Ilang sandali pa ay narinig na niya ang palakpakan ng mga tao. Ibinulsa na niya ang kanyang cellphone sa sobrang na addict siya sa Wattpad, hindi lang sa ipad niya meron nito, lahat na yata ng gadgets niya. Agad na kinuha niya ang ibang gamit at inihanda ang susi ng kotse, ito ang mga bagay na iniiwasan ni Keion Herrera, maraming press people. Ayaw na ayaw nitong ma-interview ng mga reporters, madalas kasi, hindi tungkol sa projects nito ang tinatanong, kundi mga personal na bagay.

"Saan tayo, Bossing?" Agad na tanong niya pagkapasok sa sasakyan.

"Sa condo, gusto kong matulog. Bumili ka na lamang ng makakain natin."

"Sige. Mukhang okay ang project mo ngayon, Bossing, big time na mga artista ang makakasama mo. Sikat na sikat pala ang kuwento at ang writer ano?"

"Oo."

"Pero, kasama si Luna, Bossing."

Isa lamang ito sa napakaraming babaeng habol ng habol sa binata pero halata namang walang interes si Keion rito.

"Parte ng trabaho. Para kang sira kanina, tawa ng tawa habang nakatingin sa cellphone mo."

"Oo nga Bossing eh, nawiwili na ako sa Wattpad, may binabasa akong kuwentong nakakatawa."

"Kadalasan, mga taong walang magawa lamang ang tumatambay sa mga online sites na yan, mauubos ang oras mo sa mga walang kwentang bagay na yan, Alken."

"Hindi naman, Bossing. Isa pa, ang dami na kayang likes ng page mo na ginawa ko sa Facebook, milyon na, milyon na rin ang followers mo sa twitter."

"Wala akong panahon sa mga bagay na yan. Mas mabuti pang matulog."

"I beg to disagree, Bossing! Nakakatanggal pagod at stress ang pag fe-facebook at twitter, ngayon nga, natanggal rin ang stress ko sa Wattpad. Subukan mo kanyang sumagot sa mga pm one time. Maaaliw ka."

"Wala akong panahon sa ganyang bagay, Alken. Salamat nga pala sa ibinigay mong impormasyon para sa press conference kanina."

"Walang anuman, kasama yun sa trabaho ko."

******************************************

Napangiwi na lamang si Alken dahil galit na galit na naman ang manager ni Keion,.

"Sana nag-isip ka,Keion bago mo binastos si Mr. Hilario! Siguradong bad publicity na naman ang mababasa ko maya-maya lang! Ang bilis kumalat ng balita, sa online pa lang, siguradong kalat na! Imagine, may video pa raw ng pagtabig mo sa kamay niya?"

"Miss D., hindi ko kasalanan ang nangyari, alam mo yan, walang matinong tao ang magtatanong ng ganun. Isa pa, hindi ba't alam na alam ng mga reporters kung hanggang saan lamang ang pwede nilang tanungin?"

"Ghad, Keion! Natural sa kanila na maging curious sa 'yo, sikat ka, nauugnay ka sa kung sinu-sinong babae pero walang steady relationship, sa palagay mo, hindi sila magtatanong? Sana pinagpasensiyahan mo na."

"Ah, Miss D., mawalang galang na po ha, mali rin naman po ang ginawa ni Mr. Hilario, sukat ba namang akusahan si Bossing na karelasyon niya raw si Gov. Vic Tee, pagkatapos sabay bulong at pisil sa hita, aba, kung sa akin yun, sinuntok ko na! Mabait pa si Bossing sa lagay na yun, dapat magpasalamat ka, Miss D."

Sinamaan si Alken ng tingin ng manager ni Keion, sumenyas naman si Keion sa manahimik siya. Nagkibit balikat na lamang si Alken sabay kuha ng kanyang cellphone, mabuti pang mag basa na lamang siya sa Wattpad.

HInayaan na niyang magtatatalak si Miss D., mamaya, kapag na highblood ang Bossing niya, tiyak, ito na naman ang matatahimik.

"Pero maling-mali talaga si Mr. Hilario" Bubulong-bulong na sabi niya, napangiti siya ng may makitang notification message, may update na pala ang kuwentong Beki na inaabangan niya. "Mabuti na lang at hindi katulad ni Mr. Hilario si Elvin na bida."

Nagpipigil lamang siyang matawa, mainit na usapan kasi ang naririnig niya mula sa dalawa, magmumukha na naman kasi siyang epal kung may diskusyon pagkatapos tatawa siya. Kaya para mas mapigil niya pang tumawa at kinagat na lamang niya ang kanyang pag-ibabang labi.

Pero nung mabasa ang author's note sa huli ay biglang na excite siya...

"PWede ako!"

Sabay na napalingon sina Keion at Miss D. sa kanya. "PWede ka?"

Napailing na lamang si Keion, bukod sa pinipigil niyang mapangiti sa reaksiyon ni Alken, halata kasing hindi nito alam ang pinag-aawayan nila.

"Pu-pwedeng ano, Miss D.?"

"Pumunta kay Mr. Hilario at dalhan siya ng cake, sabihin mong peace offering ni Keion, alam kasi nitong nagtatrabaho ka para kay Keion."

"No way!" Tanggi niya. Kay Keion at kay Keion pa rin siya kakampi.

"I really can't believe the two of you!" Galit at inis na umalis na lamang si Miss D.

Ilang beses na kasing epal ang reporter na 'yun, kanina lang hindi nakapagpigil si Keion. Nung wala na si Miss D. ay ngumisi na lamang silang dalawa.

"Paano kaya pag sinapak mo si Mr. Herrera kanina? Malamang hinimatay na si Miss D."

"Kapag umulit siya, malamang gagawin ko na sa kanya 'yun. Inom tayo?"

"Sure! Kaninong Bar?"

"Dito na lang, baka may nakaabang na namang camera."

"Sabagay."

"Bakit ka nga pala parang sira kanina?"

"Wala, may nabasa lang ako sa author's note."

"Huhulaan ko, yung kuwentong Bading na naman?'

"Oo, basahin mo, Bossing, mawawala ang inis mo."

Umiling na lamang si Keion. Biglang tumunog ang notification ni Alken.

"Yes! Sumagot siya sa message ko Bossing!"

"Sino?"

"Yung writer, si Catarina Naveen, gandang pangalan, ano?"

"Bading yan." Bored na sagot nito. Ini-on ang telebisyon at naghanap ng magandang palabas.

"Hayaan mo na, Bossing. Didiskartehan ko, gusto kong sumali sa grupo niya."

"Wala ka talagang pinapalampas, pati Bading? Sana pumayag ka sa gusto ni Miss D."

"Hindi ko type si Mr. Hilario, baka ma jombag ko lang."

"Yan ang napala mo sa kakabasa, pati lenguwahe nakuha mo. Baka mamaya niyan, kasama mo na si Nikita sa pagme-make-up." Natatawang sabi nito. Medyo relaxed na siya.

"Kapag ako naging Bading, Bossing, isa akong Dyosang Beki, si Nikita na isang bekilush, main-love sa akin! Malamang ikaw din! Ayyyy taray!"

"Ulol!"

*****************************************************************************

Pasensiya, pupurihin ko ang sarili ko ng bongga sa story na 'to, mabuti na lang at ibang pangalan na ang ginamit ko :) Hahanapan ko pa ba ng OP yung Alken o yung Keion, o si Elvin Op na rin? Wahahahahahahhahahha. Geh!

Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon