13

3.7K 148 9
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

13

"Bossing, ayaw talagang magreply. Tumigil na ako sa kakakulit, baka lalong magalit." Si Alken na ang nakipag-usap kay Catarina Naveen pero sadyang wala silang makuhang sagot mula rito.

"Hayaan mo na. I don't want to waste my time with that lady. Napakapikon!"

Napakamot ng ulo si Alken, kanina lang okay pa ang mood ni Keion, ngayon wala na. Pareho lang sila ni Miss.

"Napasobra ka yata ng bola, Bossing. Hindi kinaya ng puso niya. Hinay-hinay kasi, dapat swabe lang. Ganyan ang mga writer, alam kapag binobola sila."

"Hindi naman ako nambobola. Check our conversation."

"Teka, hindi nga pala direktang bola yun, Bossing. Ano bang tawag dun sa ginawa mo? Nang-asar? Nag-asar na may halong pabebe?"

"Pabebe?"

"Pagpapa cute."

"Pabebe." Ulit nito, parang may naiisip. "Okay. Matulog na tayo at maaga pa ang call time bukas."

"Yes Boss!"

PEro bago natulog ay binuksan niya ang account ni Elvin. Wala pa ring laman ang inbox nito pero nakikita niya sa GC si Catarina na kausap ang ibang operators.

Celerio: Bakit hindi kumpleto ang mga gwapo ngayon?

Ruel: Dalawa lang raw tayo, Pare. Wala si Elvin, may date yata.

Thalia: Date din tayo, my labs!

Celerio: Sure my labs!

Kathryn: Sinong kadate ng Sinta ko?

Kim: Hindi natin pwedeng malaman ano? Sayang, curious ako.

Ruel: Don't worry girls, loyal pa rin kami sa mga partners namin. Hindi ka ipagpapalit ni Elvin, Kathryn. Ganyan kaming mga gwapo.

Celerio: Tama, ganyan kaming mga Trio Gwapo.

Alexie: Lumakas na naman ang hangin.

Napangiti si Keion, nakakatuwa sila kahit papaano, at yung araw niya ngayon, kahit konti ay nag-iba. Tinignan niya ang Wattpad account ni Catarina Naveen. Hindi siya makatulog kaya susubukan niyang basahin ang kuwento.

Ngayon alam niya na kung bakit tawa ng tawa si Alken kahit nag-iisa. Nakilala niya rin kung sino si Elvin, ang character na pinoportray ni Alken. Kaya pala madalas na kausap nito si Nikita, marahil ay humihingi ng tips kung paano kumilos at magsalita ang isang bakla.

Inumaga tuloy siya sa kakabasa kaya puyat nung nagising kinabukasan para sa kanilang taping.

"Bossing? MUkhang hagardo versosa lang ang peg mo ngayon." Komento ni Alken gamit ang gay language.

"Maaga pa para sa kalokohan, Alken." Nagmamadaling inayos nila ang gamit niya sa loob ng van. Malayu-layo kasi ang pupuntahan nila.

"Praktis lang Bossing. May segment si Elvin ngayon sa group."

"Hindi ako interesado." Sumakay na sila. Tinignan muna ni Alken ang mga gamit nila kung ayos na ba bago sumakay sa driver's seat.

"Alam mo Bossing, basahin mo yung kwento, maaaliw ka, mapapangiti ka, main-love ka, tataas ang sweldo ko."

Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon