45

4.2K 151 75
                                    


45

"Are you alright?" Unang tanong ni Keion sa kanya pagkapasok sa sasakyan.

"Okay lang ako. Ba-bakit ...paanong nandito kayo?" Takang-taka na tanong niya.

"Sinaktan ka ba nila?" Nag- aalalang tanong ulit nito sa kanya.

"Hindi naman. Siguro if hindi kayo dumating, hindi ko siguro alam anong gagawin sa kanila."

"Ang galing tumiming ni Superman ano, Miss? Halos gustong paliparin ang sasakyan kanina. Pagkatapos nung makita ang mga kalaban, aba'y lundag agad sa sasakyan eh, mai-save ka lang!"

Sinamaan ng tingin ni Keion si Alken.

"Joke lang. Sige, Bossing, seize the moment. Hindi kami nag-eexist ni Manong driver. So, kumusta naman kayo, Nong, ilang tao na po kayong nagmamaneho? May anak na kayo? Asawa? Tell me more about your family tree. " Biglang tingin at tanong ni Alken sa nakontratang magmamaneho sa kanila.

"Paano yung mga reporters?"

"Nagugulo na nga ang buhay mo, yung mga taong yun pa ang iniisip mo? 'Cmon Catarina Naveen, paano kung hindi kami dumating? Paano..."

"Kalma." Ngumiti ang dalaga. Bigla tuloy natameme si Keion. Isang ngiti lang pala ang makakapagpatahimik rito.

"Kumain ka na ba? Hindi ka ba gutom?" Biglang naging malumanay ang boses nito.

"Ako Bossing at si Manong gutom na. Hindi tayo naglunch, Bossing. Galit ng mga uod ko sa tyan."

"Pakisabi sa mga uod mo sa tyan na mag diet muna sila." Ganti ni Keion.

"Bossing naman, magte-take out muna kami ni Manong, just stay inside, don't worry, heavily tinted ang sasakyan, walang makakakilala sa iyo rito."

"Oo na, sige na, kainin mong gusto mo." Nakukulitang sabi ni Keion.

"Boss, huwag na huwag mong itatanan si Miss, kalma lang. Miss, ngitian mo ng ngitian para kumalma." Pahabol sabi pa nito bago lumabas ng sasakyan.

"I'm sorry Catarina, hindi ko alam na aabot sa ganito."

"Naiintindihan ko. Pero nakita ka nila kanina, 'di ba? Alam naman natin kung paano kumalat ang balita lalo na through social media , ano na lang ang sasabihin ng mga fans mo? Nang media? Nang..."

"Mahal kita." Putol nito sa sasabihin niya.

"Ha?" Tila nabingi siya sa narinig.

"Mahal na mahal kita, Catarina Naveen. And I really wanted to do this every time I think of you."

"Ang?"

Tinawid ni Keion ang distansiya sa pagitan nila. Nanlaki ang mga mata ng dalaga ng biglang lumapat ang mga labi ng binata sa mga labi niya. He is kissing her! Gumalaw ang mga labi ng Keion kaya awtomatikong napapikit ang dalaga.

Ilang segundo ring nagtagal ang halik na 'yun, pagkatapos ay niyakap ni Keion ng mahigpit si Catarina. Yakap habang tila pinapakinggan nila ng tibok ng kanilang mga puso. Iyon ang naabutang tagpo ni Alken.

"Bossing...ah, okay, tara Manong, kainin natin sa loob ang mga nai-take out natin, balik tayo, sige Boss, Miss, take your time."

"Tara na, hindi ka kasi marunong tyumempo, pasalamat ka't good mood ako."

Napakamot ng ulo si Alken na sumakay sa front seat. "Tara na, Manong, sa pinakamalapit na simbahan tayo." Utos nito sa driver.

"Bakit 'dun?" Sabay pang tanong ng dalawa.

Nilingon sila ni Alken. "Wala, maghahanap ako ng pari, ipapakasal ko na kayong dalawa para tuloy ang ligaya! Petmalu!"

*******

"Dito ka muna pansamantala ha, CN, walang nakakaalam ng lugar na ito maliban sa amin ni Alken. Sinabihan ko na rin ang guwardiya na huwag magpapapasok ng kahit na sino kung wala akong permiso."

"Salamat."

"Pasensiya ka na ha, kailangan kitang iwan, pero babalik ako agad kapag natapos ko ng kausapin ang mga taong kailangan kong kausapin."

Ngumiti siya sabay tango. "Sige."

"Iiwan ko si Alken para may makasama ka rito, promise me that you will not go online habang hindi pa okay ang lahat. I don't want you to be upset."

"Opo."

"Good girl."

**********

"I'm so sorry Miss D, but my decision is still the same."

"Kaya nga, I told you to think about it, if you like I can talk to that writer para sa offer."

"She's Catarina Naveen. I don't think I'll allow you to do that."

"It's her who will decide, not you. I mean, don't get me wrong here, Keion, kahit ito lang yung huling project mo before going out of showbiz. Besides, it's a writer's dream to see her story on a big screen."

Natahimik ang binata.

"Think about it. Now, let's go to your press conference."

*****

"I know that there are a lot of questions on your mind right now, but I just wanted to clear one name here."

Maririnig ang bulungan ng mga reporters at iba pang tao na nasa Press Conference ng binata.

"It's Catarina Naveen, I want you clarify that it was me who first messaged her. Sa nag hacked ng mga accounts niya sa Facebook, totoo lahat ng conversations na nandun, I was the one messaging her, not my PA, not her operators, not anybody else... but it was me."

Mas lalong nag-ingay ang mga tao sa paligid. Nganga naman si Alken na nanonood kasama si Catarina Naveen sa bahay ng binata.

"Lodi ka Bossing! You na talaga! Werpa!"

"Ayokong maging magulo ang buhay ng taong nagbigay ulit ng rason sa akin upang maging masaya. Hindi ko gustong magpatuloy ang kung ano mang pambu-bully na nararanasan niya ngayon, lalo na sa social media, kaya nagsasalita ako to clear everything. Im sorry if natagalan, I just have to fix everything."

Marami pang mga tanong ang sinagot ng binata. Nagpasalamat na rin ito sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya simula umpisa pa ng kanyang karera.

"Any message to Miss CN bago ang pahayag ni Miss D, Keion?"

"Alam kong alam mo na ito, but on a national television, I just want them to know, Catarina Naveen, that I love you. Mahal kita, my Love...and I'm willing to give up everything for you." Sabay kindat.

"Ay grabe naaaaa dis!" Kinikilig na sabi ni Alken na nanonood pa rin kasama ang dalaga. "Haba ng hair mo, Miss, tara, pasalon na, paputol na natin yan!"

******

Salamat po sa nagbabasa at nag-aabang ng updates, masyado akong busy sa pag-aartista kaya di na nakakapag-update, tapings and photoshoots. Hahahahahaha! I dunno kung naka connect pa ako sa story, but yeah, salamat sa nagti-tyagang magbasa. –Xian Lim...Randal pala...korny

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon