42

3.5K 121 35
                                    

42

Catarina Naveen: Hi.

Keion: Seen

Catarina Naveen: Hindi ko alam na ikaw yun. Hindi alam ni Tatay na magkakilala tayo.

Keion: Seen

Catarina Naveen: I know na masakit sa iyo ang mga nangyari, ganun din naman para kay Tatay. Para sa akin.

Keion: Seen

Iyon ang huling message na nabasa ni Keion mula kay Catarina Naveen, agad na dineactivate nito ang account niya.

"Bossing, magpahinga ka na muna. Ako ng bahala rito." Nalulungkot si Alken sa mga pangyayari. Kagabi lang ang saya-saya ng kaibigan niya.

"Tell Miss D na hindi muna ako makakaattend ng photoshoot. Kahit yung bukas lamang na schedule. Bahala ka ng magdahilan."

"Okay, Boss."

Hindi niya alam kung anong gagawin, kung anong iisipin, kung anong uunahin. Biglang nagbago ang lahat, biglang naiba ang ihip ng hangin.

"Damn!" Ibinato ni Keion ang hawak na cellphone. Bigla kasing naalala niya si Catarina Naveen at ang paraan ng pakikipag-usap niya rito.

Napakamot naman ng ulo si Alken ng marinig ang kung anong nawasak mula sa kuwarto ng binata. Hindi niya alam kung oorder na ba siya ng pinakamatapang na maiinom o sleeping pills na lang o pababayaan ito sa trip nitong gawin ngayon.

"Langya naman kasing tadhana 'to. Sa dinami-rami ng tao sa mundo, bakit ang tatay pa ni Miss! Okay na eh, nandun na sana sa move-on stage si Bossing, going steady na sana ang lovelife."

Biglang tumunog ang cellphone niya, si Catarina Naveen.

"Heto na! Tumatawag na, hindi ko alam ang isasagot sa iyo, Miss. Naku! Pasensiya na talaga." Sabay reject ng call nito.

Pero tumatawag ulit ang dalaga.

Rejected ulit.

"Pasensiya na talaga, Miss pero mas loyal ako kay Bossing!" Kausap niya sa sarili.

Maya-maya pa ay nagtext ito.

"I cannot open my Facebook account. Somebody changed the password. HELP!"

"Hala ka! Patay tayo jan!" Dali-dali niyang idinial ang numero ng dalaga.

"Sorry ha, I don't know what to do. Hindi ko na mai-open ang account ko. Kanina lang okay pa eh. Nakapag pm pa ako kay Keion."

"Miss, relaks, alam mo ba ang email mo? Buksan mo at gawin mo yung mga sasabihin ko."

"I already did that. Pati email address ko napalitan. Hindi naman na-deactivate ang account ko dahil nase-search ko pa siya. Somebody changed my passwords."

"Miss, friend mo ba ang CN mo na account sa real account mo?"

"Hindi eh."

"Okay, sandali, magtatanong ako sa kakilala ko ha kung anong pwedeng gawin."

Bigla tuloy naging dalawa ang problema ni Alken. Alam niyang kapag na hacked ang account ni Miss, mababasa ng taong yun ang pag-uusap ni CN at Keion, at siguradong issue yun.

Hindi pa siya nakakaisang oras sa pag-iisip ng biglang tumunog ang isang cellphone ni Keion, si Miss D ang tumatawag. Siya na ang sumagot.

"Ah, Miss D, masama ang pakiramdam ni Bossing. Gandang gabi pala, ay umaga na." Langya, natataranta siya!

"Anong ibig sabihin ng kumakalat sa social media ngayon ha, Alken? Tell Keion to talk to me!" Naghihisterikal na sabi nito.

"Ay, ano pong kumakalat sa social media, Miss D?" Bigla siyang kinabahan, mukhang alam na niya ito.

"Check it! Tell me that it's not true! Better be sure na it's not true!"

"Okay Miss D."

"Tell Keion to check it! Now!" Sigaw nito sa kanya.

"Tulog na si Bossing, Miss D, pinainom ko ng sleeping pills, bukas pa makakagising." Natatarantang sagot niya.

Pero wala na siyang kausap. Natatarantang nag check siya ng facebook niya gamit ang Elvin na account at noon niya lang naintindihan kung bakit galit na galit si Miss D.

Nakapost ang conversation nila Keion at Catarina Naveen, naka screenshoot! Hindi na niya binasa, agad na pinuntahan ang nage-emote na amo.

"Bossing?"

Walang sagot.

"Boss Keion?" Kumatok na siya.

Napakamot na lang siya ng ulo.

"Keion, my friend, we have a problem. Mukhang seryoso 'to."

Wala pa ring sagot mula sa loob.

"Boss, na hacked kasi ang account ni Miss CN, kumakalat ngayon ang convo ninyo sa social media."

Wala pa ring nagbukas ng pinto sa kanya. Minabuti niyang tawagan si Catarina Naveen.

"Miss, aware ka na ba?"

"Yes. Please help me, Keion. Hindi alam ng kakilala ko ano pang pwedeng gawin."

"Hindi ko rin alam, Miss kung anong gagawin. Sinabihan ko na si Bossing kaso..."

"It's okay. Pakisabi na lang na mag deny siya, hindi siya yun, iba ang nag-ooperate ng account. Hindi naman lahat ng convo ay nai-post, nakapag delete kasi ako noon. Pero ganun pa rin, may naipo-post pa rin sila."

"Paano ka?"

"Don't worry about me, I will be fine."

"Pero, Miss, hindi mo alam paano mag-react ang mga tao."

"I will be okay, Alken. Salamat ha."

Biglang napalingon siya ng bumukas ang pinto. Lumabas si Keion sa kuweba niya.

"Boss, yung sinabi ko kanina, in case hindi..."

"Ganyan na ba siya ka desperada? Tell her to leave me alone! Damn her!"


Tiwala lang, ikekembot din kita pa-ending

Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon