44

3.5K 162 73
                                    

44

DMO

Note: Wala...may meeting ako at ayokong makinig kaya eto...tsenen! Maikli lang. Hindi sana ito happy ending kaso nakita ko si kras. 😍

******

"I'm home, Papi Keion! Where na you? Dito na me!" Sigaw ni Alken. Inutusan siya ng Bossing niyang bumili ng maiinom nila at pulutan. Balak yata nitong maglasing silang dalawa. Sabagay, broken hearted nga naman.

Lumabas ito ng kwartong magulo ang buhok at tila malalim ang iniisip at iritable ang itsura.

"Bossing, nandito na ang pinapabili mong napkin with wings at chocolates." Sabay lagay ng pinamili sa lamesa.

"Anong napkin at chocolates?" Nagsusuplado na naman ito.

"Mukha ka kasing may dalaw, Bossing. May menstruation, may period, may regla, may..."

"Gago!"

"Joke Lang, Bes! Ditey na ang titirahin nating alak at pulutan." Masaya siyang kahit paano ay nakipag-usap na ang Bossing niya. Ilang araw itong nagkulong. Kahit manager niya ay Hindi sinasagot.

"Boss, tumawag nga pala si Attorney kanina. Tulog ka kasi. Pina-follow up na raw niya, may mag kailangan pang papeles."

"Okay." Nagsimula na itong magbukas ng beer. Nung una ay tahimik lamang sila na umiinom.

"Bakit unfair ang buhay, Alken?"

"Siguro dahil may mga bagay na hindi natin kayang pigilan, Bossing. Pero naniniwala ako na tayo naman ang gumagawa ng kapalaran natin. Nasa atin ang pagpapasya kung pipiliin nating maging masaya o hindi. Kung pipiliin nating magpatawad o hindi. Kung pipiliin mong magmahal o hindi. Naks, Bossing! Dumugo utak ko sa sinabi ko."

Tahimik lamang si Keion.

"Kung ako ikaw, anong gagawin mo?" Tanong nito kay Alken.

"Referring ba kay Miss, Bossing?"

"Oo."

"Susundin ko kung anong makakapagpasaya sa akin. Yung nakaraan gagawin kong gabay para sa kinabukasan."

Nakikinig lang si Keion. Nakatingin sa kanya pero alam mong lumulusot ang tingin.

"Lasing  na ako, Bossing. Iba na akong mag-isip, pang bright child na."

"Salamat, Alken. Sa lahat, sa pagkakaibigan. Sa pasensiya, sa pagmamahal."

"I love you too, Bossing. Ikaw lang sapat na."

"Tado!"

"Seriously, salamat rin sa lahat, ikaw ang rason kung bakit lalo akong gumuwapo. Alam mo, Bossing, swerte lang at Ikaw ang unang na-discover ni Miss D."

"Nakapag desisyon na ako, Alken."

"Ano yun, Boss?"

******

Pagod na iniligpit ni Catarina Naveen ang mga gamit niya. Ilang araw na siyang puyat. Ilang araw na rin siyang hindi nag o-online. Sunud-sunod rin ang overtime na ginawa niya. Pero ngayon ay gustung-gustona talaga niyang matulog kaya nagpaalam siyang umuwi muna.

Pero malayo pa lang siya ay nakita na niyang may mga tao sa harap ng bahay niya.

"Si Catarina Naveen!" Narinig niyang sigaw ng isa.

Biglang napunta sa kanya ang atensiyon. Nataranta siya at hindi alam ang gagawin.

May isang sinalubong siya.

"Miss, ikaw si Catarina Naveen, tama ba ako?" Tanong ng isang may kasamang nag bi-video.

Nagsilapitan na rin ang iba. Mas lalong hindi niya alam ang gagawin. Pero bago pa siya nakapagsalita ay may isang katawang biglang humarang sa harap niya.

*****

Hindi mapakali si Keion habang naka upo sa loob ng sasakyan. Malapit na sila sa bahay ni Catarina Naveen.

"Relaks, Bossing."

Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya.

"Anong sasabihin ko kapag nagkita kami?"

"Bossing naman, nagpractice na tayo ng isang daang beses. Dapat kung anong nasa puso mo. Kung hindi na talaga kaya, idirecho mo ng..."

"I love you. Mahal kita." Dugtong ni Keion.

"Yown! Swak na swak! Jusok sa banga!"

Pero bago pa sila nakarating sa bahay nito ay nakita na nila ang isang babaeng tila pinagkakaguluhan ng mga reporters.

"Si Miss!" Gulat na sabi ni Alken.

Bago pa nakapag-react ulit si Alken ay nabuksan na ni Keion any pinto ng kotse.

"Bossing, sandali!"

Mabilis at malalaki ang mga hakbang na lumapit ito sa kumpol ng mga tao.

"Leave her alone!"

Napatingin ang lahat sa kanya.

Tulala.

Hindi makapaniwala.

Agad na iniharang ni Keion ang katawan sa taong nag interview sa dalaga. Iniwas ang camerang nakatutok rito. Bago hinila ang kamay nito para makaalis sa lugar na 'yun.

****

Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon