27

2.8K 146 19
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

27

Babala: Wala itong kwenta. Ganito kami mag-usap ni ano..hahahahaha. hindi talaga ganyan na ganyan, pero ganyan ka baliw, mas malala pa! Miss na kita kakulitan. Alam ko, magbabasa ka na naman. Utot mo!

*****************************************************************************

Keion: Pssst! Kulit!

Catarina Naveen: O? Anong ka dramahan ito at bagong account? May unofficial account ka pag nalalaman.

Keion: Ginawa ni Alken. Para mas personalize raw, ako lang makaka access.

Catarina Naveen: Okay.

Keion: Busy?

Catarina Naveen: Hindi naman.

Keion: Good.

Seen

KEion: Psssst! Kulit?

Seen

Keion: Bakit nagsusuplada ka na ngayon?

Catarina Naveen: Iba ang pakiramdam ko eh.

Keion: Masama ang pakiramdam mo?

Keion: You're ill?

Keion: Kailan pa yan?

KEion: Did you take your meds?

Keion: Nagpa check – up ka na ba?

KEion: CATARINA NAVEEN?

Catarina Naveen: Grabe ka, nag timpla lang ako ng tsaa, pagbalik ko ganyan na? Nata-tae lang talaga ako. Bwahahahahahahahha

Keion: SERYOSO? MAY SAKIT KA BA O WALA?

Catarina Naveen: Wala nga. Sinabi ko bang may sakit ako? Nata-tae lang talaga, ang dami ko kasing kinain. Naghalo-halo na sa sikmura ko.

Keion: Pinapaandaran mo na naman ako ng kakulitan mo ha.

Catarina Naveen: Awts. Kumakain ka ba ngayon? Sorry talaga. Hindi sinasadya.

Keion: Gusto mong mag share ako tungkol sa mga uri ng tae?

Catarina Naveen: Yucccccccccccckkkkkkkkkkkkkkkkkkkk!

Keion: Sino bang nag-umpisa?

Catarina Naveen: stop na. Okay na ako.

Keion: Hindi, ayoko pa! Let's talk about it.

Catarina Naveen: Ayoko na nga, ibang topic na lang. Naalala ko na naman kasi ang tinga mo at utot. Kadiri ka talaga! Kung alam lang nila.

Keion: Takot ka lang yata.

Catarina Naveen: Oo na! Next topic!

Keion: Favorite color?

Catarina Naveen: Ha?

Keion: Paborito mong kulay, Kulit?

Catarina Naveen: Yellow. Canary yellow.

Keion: Me?

Catarina Naveen: Hindi ko tinatanong. Hahahahaha

KEion: Sa gusto kong sabihin. I like royal blue.

Catarina Naveen: K.

Keion: Alam mo bang madalas na kino-combine ang canary yellow at royal blue?

Catarina Naveen: So?

Keion: Sa kulay pa lang, bagay na tayo.

Catarina Naveen: He-he-he.

Keion: Favorite food?

Catarina Naveen: Yung pan de coco nina AJ, dito malapit sa amin. Grabe, ang sarap!

Keion: Yan na yun? Wala man lang bang katulad ng mechado? Adobo? Sinigang?

Catarina Naveen: Aw. Dapat peyborit ulam, gusto ko ng atay ng baboy na ginisa sa sayote.

Keion: Anong tawag dun?

Catarina Naveen: Yun na yun. Atay ng baboy na may sayote. Peyborit ko rin ang atay ng manok na may itlog. Sarap!

Keion: Aswang ka yata? Puro ka atay.

Catarina Naveen: Minsan, pag bilog ang buwan, lumilipad nga ako eh. Nakakarating ako sa inyo.

Keion: Lakas ng trip mo.

Catarina Naveen: Walang kang raket ngayon?

Keion: Wala.

Catarina Naveen: Talagang si Keion ka?

Keion: Akala ko ba naniniwala ka na?

Catarina Naveen: Nakakaduda kaya.

Keion: Number mo?

Catarina Naveen: Ha?

Keion: Digits?

Catarina Naveen: Para saan?

Keion: Give me your number.

Catarina Naveen: Wait.

Five minutes had passed.

"Bossing, matulog ka na, maaga pa tayo bukas." Paalala ni Alken kay Keion na hindi na yata kumukurap sa harap ng cellphone nito.

"Saglit."

Ten minutes.

Keion: Psssttt! Kulit? Number?

Catarina Naveen: Heto na.

Typing

Nakahanda na ang cellphone ni Keion para tumawag.

"Bossing? Okay ka lang?"

Hindi ito sumagot. Nakiusyoso na rin si Alken.

Catarina Naveen: Heto na

Typing

Catarina Naveen: last three 713, 725, 123, tapos para sa last two 13, 25, 23. I-rambol mo na lang, sorry natagalan, nag analyze pa kasi ako ng toklay ni Mang Tiban.

Ang lakas ng tawa ni Alken.

"Lakas talaga ng trip ni Miss, Bossing! Pak na pak!"

Keion: Anong network yan?

********************************************

Hindi ako nagpo-promote ng sugal, malakas lang tama ko ngayon. Hindi ako masyadong makapag update ng stories kasi, mahal ang bayad sa doctor kapag bumabalik ang sakit. Wahahahahahaha! Takas-takas lang ito na update.




Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon