40

3.1K 115 15
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Official Page: Xianrandal Wattpad Stories

40

"Bossing! Bossing!" Excited na sigaw ni Alken kay Keion na kasalukuyang nagta-take para sa susunod na eksena.

"Cuuuuuutttt! Punyeta! Cuuuut!" Galit nag alit na sigaw ng director.

"Sorry, direk. Emergency lng. Tumatawag ang Mama ni Keion." Nag peace sign pa si Alken.

"Ilabas nyo siya! Lumabas ka at wag kang magpapakita sa akin! Anong Mama ni Keion?! Alam ng buong mundo na wala siyang Mama! Punyeta! Layas!"

"Boss, sorry, si Miss kasi. Tumatawag." Pinalaki ni Alken ang mga mata na sana nakuha ng amo niya ang ibig niyang sabihin.

"Direk, ako ng bahala dito. Just give me a minute." Hindi na niya hinintay makasagot pa ang director, agad na kinuha mula kay Alken ang cell phone at tinawagan si Catarina Naveen.

"Hello, para saan ang mga rosas? Nagmukhang flower shop ang bahay ko!"

"Do you like it?"

"Yay! Nahiya ako nung idineliver kanina. But thank you. I like them."

"Good. Now it's official."

"Official?"

"Officially, I'm courting you."

"Sira ulo! Anyways, thanks. Sige, have a nice day. Salamat ulit."

"Sandali!"

"yes?"

"May naisama bang bigas at de lata sa ipinadala sa 'yo?" Kinakabahan niyang tanong.

"Para saan? Wala naman."

"Ah wala. Puro kasi kalokohan si Alken. I'll call you later, magtatrabaho lang para sa kinabukasan ng magiging anak natin."

"Abnormal!" Pero napangiti ang binata ng marinig ang tawa ni Catarina Naveen.

Ang laki pa rin ng mga ngiti niya ng ibinalik ang telepono kay Alken.

"Good job ano, Bossing? Ang galing-galing ko ano? Sabi ko naman sa iyo, sa akin ka magpapaturo ng diskarte pagdating sa mga magagandang babae. Sanay na sanay ako jan!"

"Puro ka kalokohan. Huwag ka munang magpapakita kay Direk."

"Yes, Bossing! Magne-next move na ba ako kay Miss?"

"Ako ang magne-next move!"

"Oo na. Nagtatanong lang naman eh. Ang seloso nito, hindi pa nga sinasagot."

"Maghintay ka lang."

"Aba!"

*************************

"What the hell is this Keion? May hindi ka ba sinasabi sa akin ha?"

"Hindi ka pa ba nasanay sa ganyang mga balita, Miss D?" Walang pakialam na sagot ni Keion Herrera. Ipinatawag siya ng manager dahil sa kumakalat na balita na may nililigawan raw siyang ibang babae kahit na sila na ni Luna.

"May ebidensya, Keion! At galing sa reliable source!"

He just smirked.

"Tell me Keion, may nililigawan ka ba?"

"Miss D! Merienda po for you! Isang malamig na malamig na watermelon juice and delicious buko pie." Biglang pasok ni Alken. Nagpipigil namang ngumiti si Keion dahil alam niyang badtrip na naman ang manager sa biglang sulpot ng PA.

"What the hell! Who gave you the right to get inside my office! Out!"

"Sorry Miss, tumawag na po kasi si Doc, schedule po ng check- up ni Bossing ngayon."

"Check-up? Anong check-up?"

"Ah, check – up."

"Eye check-up. Medyo lumalabo ang paningin ko at laging sumasakit ang ulo ko lately. Don't worry Miss D. Everything is under control. We need to go, nakakahiya kay Doc."

"Keion, binabalaan kita, Luna is your partner."

"Yeah, my on screen partner. See you later."

"Mukhang mapupurnada ang love life mo, Bossing?" Sabi ni Alken nung nasa loob na sila ng sasakyan. Wala ng nagawa ang manager ng binata nung umalis sila.

"Says who?"

"Ang daming kontra."

"Next time kasi itikom mo ang bibig mo lalo at hindi natin alam kung sinu-sino ang nasa paligid."

"Yes, Bossing. Boss, MIBF na nga pala sa susunod na linggo."

"MIBF?"

"Metro Manila International Book Fair, may plano kasi ang group. Baka lang interesado kang malaman."

"Group ng alin? Sumali ka sa isang grupo ng hindi ko nalalaman? Alken, pag yan kalokohan na naman, wala kang makukuhang suporta sa akin."

"Grabeh siyaaa! Ikaw nga ang sumali sa grupo namin ng walang paalam!

Nagsalubong ang mga kilay ni Keion.

"Boss, yung group ni Miss. May plano silang magkita-kita sa MIBF, nag-iisip ako kung pupunta ako at ieexpose ang aking kagwapuhan." Bulong ni Alken.

"Okay, so, pupunta siya?"

"Ewan ko, Bossing. Wala akong balita. Sana nga pumunta. Pero ang alam ko kasi, ikaw pa lang at ako ang nakakakita sa kanya. Hindi pa niya name-meet yung mga readers." Bulong ulit nito.

"Sana pumunta."

"I-convince mo kaya, Bossing. Tutal FC ka naman. Saka para tipid tayo sa sf, sayang pa yun, pang SB ko pa." Pabulong pa ring sagot nito.

"Ako ba niloloko mo na naman? Anong FC? Anong SF at SB?"

"FC, feeling close kay Miss. Sf, shipping fee sa mga roses. SB, pang starbucks ko na lang, Bossing ang matitipid ko."

"Umayos ka nga. Bakit ka ba parang sira na bumubulong?"

"Baka kasi may spy na naman, Bossing. Mapupurnada pang love life mo. Nasa next level ka na eh. Nandun ka na sa nagmahal, nasaktan, nag-move on, nagmamahal na ng writer."

"Tigilan mo nga ako sa kakabulong mo. Nasa loob na tayo ng kotse. Anong nagmahal ng writer."

"Ay nag-deny? Nagmahal, nasaktan, nag move on, nagmamahal ng hindi pwedeng mahalata kaya nagde-deny."

"Baba!"

"Ha?"

"Bumaba ka ng sasakyan."

"Joke lang. Tinototoo mo naman eh. Sige na, alis na tayo. Traffic ngayon."

"Bumaba ka." Galit na siya. Napakamot na lang ng ulo si Alken. Kilala na niya ang ganoong tono ng kaibigan.

"Sorry na. Nagjo-joke lang naman ako. Sorry."

"Mag-isip ka ng paraan paano makukumbinsi si Catarina Naveen na pumunta ng MIBF."

"Ako ba dapat mag-convince, Bossing? Hindi ba dapat ikaw? Baka sa huli niyan ako na ang sasagutin. Sa akin ma-in love."

Sinamaan niya ito ng tingin.

**************

Hi there! Hahahahahha! Busy ako. -Xian


Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon