29

3K 129 14
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Paki-like din po ng page namin: Xianrandal Wattpad Stories

29

"Bossing? BM ka pa rin ba?" Dahan-dahang tanong ni Alken kay Keion na tahimik na nagbabasa ng script nito.

"Anong BM?"

"Bad mood. Tumawag kasi si Miss D. May urgent meeting ka raw with her at 2 p.m."

"Okay. Kaya pa ba ng schedule?"

"Kaya naman, Bossing, kaso hindi ba ang sabi mo, ang mga idle time ay para kay Miss?"

"Tell Miss D that I will come." Seryosong sagot nito.

"LQ pa rin ba, Bossing?"

"Anong LQ?" Pasuplado nitong tanong kay Alken.

"Wala. Baka kasi nag check ka na ng Facebook account mo."

"I'm busy."

"Okay, Bossing. Sayang, hindi mo makikita ang bagong profile picture ni Miss."

"Not interested."

"Kahit pa picture niya na, Bossing."

"Yeah."

"Kahit pa nakaharap na? Ang alam ko isang oras niya lang ipo-post eh, sandali." Tumingin ito sa relo. "Fifty minutes na pala ang nakalipas, Bossing,"

"Shut up!" Ibinaba nito ang binabasa at kinuha ang kanyang cellphone. He immediately checked his account.

"Bakit ganito? May sticker? Mata lang ang kita?"

"Aba, malay ko sa trip ni Miss. Alam mo, Bossing, ngayon lang nagpakita ng mga mata yan."

Keion: Nice eyes.

Catarina Naveen: Thanks

Keion: Pwede bang makita ng walang sticker?

Catarina Naveen: Hindi.

Keion: Okay

Catarina Naveen: Good.

Keion: I won't force you. Ayaw mo ng pinipilit, hindi ba?

Catarina Naveen: Exactly! Wala kang trabaho?

Keion: Done reading my script. I will have a meeting later.

Catarina Naveen: Ah. Busy talaga ano?

Keion: Yes, but I will always find time for you.

Catarina Naveen: Ha-ha-ha. Ang sweet mo, Koya!

Keion: Thanks, Ati!

Catarina Naveen: Saan ka natuto ng Ati, Koya?

Keion: Sa iyo and Alken.

Catarina Naveen: Oi, wala akong tinurong ganyan!

Keion: Oo na, wala na, Kulit. Kumusta si BF?

Catarina Naveen: BF? Sino?

Keion: Grabe, Kulit! Kagabi lang may BF ka na at mag we-weeksary na kayo, ngayon biglang kinalimutan mo?

Catarina Naveen: Ahhh. Kainis, bakit ba nakalimutan ko? Pang-asar lang yun, nanliligaw pa lang, mag-iisang linggo na.

Keion: GOOD! Huwag mong sagutin!

Catarina Naveen: Bakit?

Keion: Basta! I need to go, mag-uusap tayo mamaya. HUWAG MONG SAGUTIN. Naintindihan mo?

Catarina Naveen: Mas marunong ka pa sa akin, sa iyo ba nanliligaw ha?

"Bossing! Take mo na!"

"Wait! Huling type na."

Keion: Cellphone number mo? Badly needed!

Catarina Naveen: Ganern?

"Bossing!" Medyo inis na si Alken, may sayad na talaga ang Bossing niya.

"Pakireply, be sure na makukuha mo ang number niya." Sabay bigay ng cellphone niya sa PA.

"Kaninong number?" Sabay tingin sa cellphone ng binata.

"Kay Miss lang pala? Hina mo talaga, Bossing! Number lang hindi mo pa makuha-kuha!"

**********************************

"Bossing, inumin mo muna ito. Halos hindi ka na kasi natutulog, hindi ka na madalas na umiidlip sa likod ng van."

"Okay lang ako."

"Nagsimula ka ng mamalat, Bossing. Hindi naman pwedeng ganyan ang boses mo. Mabuti na lang pala at biglang nagka – emergency si Miss D."

Napapikit si Keion. "MUkhang lalagnatin yata ako."

"Sandali Bossing. Pahiram ng cellphone mo ha, wala kasi na akong load, mabuti sa iyo, post paid!"

"Bakit?"

"May ite-text lang Bossing."

"Number ko ang gagamitin mo? No way! Alam mong personal number ko yan."

"Hindi rin kasi pwedeng number ko Bossing, baka sakalin mo ako. Sandali lang to, isang text lang. Tapos ikaw na magrereply."

"Ano ba kasi yan?"

"Si ano, Bossing." Busy ito sa kaka text. "Ayan! Achieved! Antayin mo ang reply, Boss ha. Bibili muna ako ng gamot mo, hiningi ko lang kasi yan." Sabay bigay ng cellphone kay Keion.

Dahil medyo masama ang pakiramdam, inilapag niya lang sa tabi ang cellphone. Kaya nagulat siya ng tumunog ito, binago ng abnormal niyang PA ang ring tone volume.

"Sino ba 'to?"

KEion Herrera? As in ikaw talaga, 'to?

Napakunot noo si Keion. Binasa niya ang itinext ni Alken.

Hi Kulit! Hi Catarina Naveen! Keion Herrera at your service.

Natatarantang nag type siya ng irereply.


Feel kong gawing maikli lang ito na story....ayan na naman ako eh. Tapos pahirapan sa update.



Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon