17

3.7K 146 16
                                    

Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

17

"Bossing, akala ko talaga hindi matutuloy ang taping mo kaya hindi na kita ginising. Sorry talaga." Papunta na sila sa studio. Kung hindi pa tumawag si Miss D. kay Keion, hindi pa ito magigising. Ngayon pala ang shoot nila para sa gagawing bagong commercial ng softdrinks.

"Okay lang yun. Hanapin mo na lang ang pinakamabilis na daan papuntang studio." Binasa ni Keion ng mabilisan ang susunod niyang dialogue mamaya sa taping niya. Ngayon lamang sila mahuhuli ni Alken sa dahilang tinanghali siya ng gising.

"Bossing, kumusta ang online date nyo ni Miss?"

"Okay naman. Nag-enjoy ako." Napangiti si Keion pagkatapos maalala ang walang kwentang usapan nila kagabi na umabot ng madaling araw na siyang dahilan kung bakit siya tinanghali ng gising.

"Naks naman, Bossing! Kekelegen nebe eke?"

Natawa si Keion, himalang hindi siya napikon sa sinabi ni Alken. Kahit pa mahuhuli sila ngayon, hindi sira ang araw niya, in fact, maganda ang gising niya.

"You sound like Nikita."

"Pumapag-ibig ka kasi, Bossing."

Napailing na lamang si Keion, pero hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi niya. Nakipag-usap lang, pumapag-ibig na?

"I am just curious about her, and curious on how to deal with people online."

"Talaga lang, Bossing huh."

"Oo naman. Kaya tigilan mo ako. Kung anu-ano lang naman ang napag-usapan namin. Binasa mo naman, 'di ba?" Sabay tingin kay Alken.

"Naku, hindi ko binasa, Bossing! Hindi ako nacurious! Hindi ko nga alam na may mga klase pala ng tinga. Na dugyot pala talaga na usapan ang trip mo at ni Miss. Hindi ko nabasa Bossing." Iiling-iling pa si Alken.

Napahalakhak si Keion, talagang maloko itong si Alken.

"Ganda naman talaga ng gising mo, Bossing, hindi mo nga ramdam ang traffic ngayon. Hindi mo ramdam na magagalit si Miss D. mamaya. Ako Bossing, ramdam na ramdam ko na kasi pati ako tinext at tinawagan kanina."

"Just don't mind her. Sa akin naman magtatalak ang babaeng yun, hindi sa iyo." Tinignan ni Keion ang facebook account ni Elvin, hindi pa nga pala siya nakaka message kay Catarina Naveen ng 'good morning'.

"Bossing, akala mo lang yun. Alam mo namang kambal tayo, hindi ba? Lalo na at nakatabi ka sa akin. Hindi ba sinabi ko, pag gwapo ka, gwapo rin ako, pag macho ka, macho rin ako, ngayon, pag tinalakan ka ni Miss D., malamang ako ang kasunod."

"Ganun talaga sila, para namang may bago pa. Sanay ka na, hindi ba?"

Nagkibit-balikat si Alken. "Sanay na sanay na Bossing, alang-alang sa 'yo at sa pagkakaibigan natin."

"Salamat, Alken. Sabi ko naman sa 'yo, pwede kang magsimula kahit na maliit na negosyo. Hindi mo kailangang samahan ako ng samahan. Pwede ka ring mag-aral ulit, ako ang bahala sa gagastusin."

Sumeryoso si Alken. "Nag-usap na tayo tungkol jan, Keion. Ginusto ko ito. Ito lang yung alam kong paraan para makaganti sa lahat – lahat ng ginawa mo."

"Sinabi ko naman din sa 'yo na huwag kang magpatali sa 'utang na loob'. Hayaan mo, sapat na ang mga naipon ko kaya mag-iisip tayo ng ipapatayo nating negosyo. Hindi panghabang-buhay ang pag-aartista."

"Oo, Bossing. Ang seryoso na naman nating dalawa, alam mo namang may allergy tayo jan, bumalik tayo kay Miss. Tingin ko medyo nakuha mo na ang loob niya."

Ibinaba ni Keion ang script na hawak. Napatingin kay Alken.

"Talaga?"

Napangiti na naman si Alken, kung dati ay hirap na hirap siyang alisin sa seryosong paksa si Keion, ngayon isang pangalan lang, nagbabago na ang mood nito.

"Oo, assessment lang, Bossing ha, tingin ko kay Miss may saltik ring katulad mo. Tipong baliwan lang ang gusto. Ayaw ng seryosong topic. Kaya medyo nag click kayo kagabi."

Napatango si Keion. "Kailangan palang baliwan ulit ang magiging topic namin kapag nag-usap ulit kami?"

"Tingin ko, Bossing, oo. Yung kusang lumalabas lang. Yung tinga, nakakatuwang basahin. Nakikita ko yung Keion na ordinaryong tao, yung hindi artista, yung kilala kong kaibigan ko. Teka nga pala, Bossing, matanong ko, bakit biglang-bigla nagkainteres ka sa ganyang bagay?"

Malapit na sila sa studio, nakahinga ng maluwag si Alken.

"I got curious of what you do."

"Ganun din ako nung una, Bossing. Tapos?"

"She caught my attention."

"Wow! Bakit hindi ko yan naramadaman noong nag-uusap kami, Bossing?"

"Wala ka raw kasing sense kausap."

"At ikaw ang may sense kausap Bossing, ikaw at ang tinga mo at ang pabebe moves mo."

"Nang dahil sa tinga, kinausap niya ako."

"Kung alam niya lang, Bossing na ang kausap niya ay si Keion Herrera, ang may ari ng mukha ni Elvin. Pero Bossing  dapat interesting rin ang susunod nyo na topic, tipong ganyan muna hanggang sa makapalagayan ka niya ng loob. Tapos kukunin mo ang real name niya, number, address, main-love siya sa iyo, ikaw sa kanya. Peg-ebeg ne Besseng!"

"Sira ulo! Ano kayang pag-uusapan namin sa susunod?"

"Suggestion lang, Boss."

"Ano?"

"Mga uri ng utot, very educational."

"Puro ka kalokohan!"

"Seryoso ako Bossing, ganyan lang muna, hinay-hinay, swabe lang, kunin mo lang muna ang kiliti, naumpisahan mo na eh, huwag biglang shift. Alam mo naman Boss, pag dating sa babae, expert ako jan."

"Sa kalokohan ka praktisado. Sige na, ano ba ang mga uri ng utot?"

Naghanap muna ng parking space si Alken bago may inilabas sa kanyang bag. "Para sa tuluy-tuloy na pagbabalik ni Keion sa normal na mundo, ayan ang kopya ng mga uri ng utot."

"Nagresearch ka?" Natatawang tanong ni Keion.

"Oo naman, pero magtrabaho muna tayo. Naiimagine ko na ang malalaking mga mata ni Miss D."

Sabay na silang pumasok sa loob. "Salamat Alken."

Ngumiti si Alken sabay seryosong sumagot.

"Kung si Miss ang magiging daan para bumalik ang kilala kong Keion, kahit lahat pa ng kadugyutan hahanapin ko. Keion para sa tuwid na daan!" Sabay angat sana sa kamay ni Keion, mabuti at napigilan niya dahil papasok na sila sa studio.

"You are late!"

"Miss D! Ang ganda-ganda mo talaga, ikaw ang dahilan kaya makukumpleto ang araw ko ngayon."


"Shut up, Alken! Nikita, pakiayusan si Keion, bilisan mo. Ngayon nga lang ako nadalaw rito sa set, ito pa ang mangyayari?"

Lumapit ang director sa kanila. "It's okay, Miss D. Keion must have a reason why he's late. He's never been late. Sige lang, Keion, take your time."

"Pasensya na Miss D, Direk, medyo masama ang pakiramdam ko, kagabi pa, pinilit ko lamang na bumangon para rito." Arte niya, para saan pa at tinawag siyang artista?

Nag-aalalang tumingin ang director sa kanya. "PWede nating i-cancel. " Natahimik naman si Miss D.

"It's okay. I had taken my medicine." Ni hindi ito ngumiti man lang.

"Gosh, you're sick? Is that contagious, Keion? Ayokong magkapantal. " Si Luna.

Tumingin lamang si Keion sa kanya. "PWede naman sigurong kumuha ng bago kong partner si Direk kung ayaw mo, Luna?"

Napailing na lamang si Alken sa mga narinig. Nagsusuplado na naman ang Bossing niya. Ito yung Keion na kilala ng lahat, ibang-iba sa Keion na kilala niya.

Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon