34

3.2K 178 50
                                    


Add my official facebook account (char!) Xian Randal

Official Twitter Account (Char ulit!) @XianRandal

Official Group Page (where you can interact with my characters, their operators, and other readers) search: X.i.a.n.a.t.i.c.s. (may tuldok po)

Paki-like din po ng page namin: Xianrandal Wattpad Stories

34

"Are you out of your mind, Keion?" Naiinis na tanong ni Miss D.

"I'm sorry."

"Alam mo, kasalanan ito ng PA mo eh! I don't know what happened and I don't know what came to your mind why you went out of that building! Hindi mo kabisado ang lugar, Keion!"

"Sorry naman, Miss D. Naaawa kasi ako sa mga fans niya na nung isang Linggo pa raw nasa labas, nag hunger strike na nga raw eh."

"Alam mo, Alken, you're so OA!" Maarteng sagot ni Luna.

"Joke lang. Ako na lang sermunan nyo, wag na yung Bossing ko."

Sasagot pa sana si Miss D nung may marinig silang mga katok. Ready na raw ang early dinner nila para makapunta na sil sa venue ng pageant.

Halos mag-uumaga na ng makapagpahinga sina Keion at Alken. Kahit pagod ay nakuha pa rin niyang tignan ang account niya.

"Nagreply na ba, Bossing?"

"Wala eh. Tingin mo, siya yun?"

"Tingin ko, Bossing. Sayang. Magpahinga ka na, Bossing. Alam kong pagod ka, ako ng magpi-pm kay Miss para bukas. Sana makapunta siya."

"Salamat. Pakisabi na masakit ang ulo ko."

"Okay Bossing!"

***************************

"Okay! Thirty na tao lang ang pupuwede! Hindi kasi magtatagal sina Keion at Luna, yung pipila kay Keion, dito sa parteng ito, yung kay Luna naman dito. Huwag magtulakan dahil yung may tickets lamang ang pupuwede!" Sigaw ng babaeng in-charge sa meet and greet nila.

"Hindi pa rin ba nagreply?" Bulong ni Keion kay Alken.

"Wala talaga, Bossing. Kahit seen nga wala eh."

"Hindi rin nag pm sa akin." Disappointed na sabi nito.

"Tingin mo, Bossing, aattend siya ngayon, tig thirty na tao lang eh."

"Mukhang wala na eh. Yung ticket na pinapatago ko?"

"Nandito, Bossing, twenty-nine lang ang nakapila sa iyo."

"Sige, salamat."

Nakaabang si Alken in case na sasagot sa pm o magtetext si Miss. Hindi rin kasi ma contact ang cellphone nito.

"Bossing, ihing-ihi na talaga ako, feeling ko hindi na talaga siya sisipot."

Napabuntung-hininga si Keion. "Sige, ibigay mo na lang yan sa iba."

"Sige Bossing."

Nagmamadaling umalis si Alken, narinig niya kasi ang sabi ni Miss D na last ten minutes na lang. Pabalik na siya ng may makabangga siyang babae.

"Sorry, Miss!"

"Okay lang po." Malumanay na sagot nito. Nakita ni Keion na parang ininda nito ang pagkakabangga niya sa braso nito. Ang payat pa naman.

"Nasaktan yata kita."

"No, it's okay. Nagmamadali rin kasi ako." Tipid na ngumiti ang kaharap. Nakatunganga lang si Alken.

"Ah, Oo, ako din eh. Iisang direksyon pa yata tayo."

"Sinubukan ko kasing pumila para magpa autograph kay Keion Herrera, kaso wala na raw. Nagbabakasakali lang sana na makahabol pa, pero sobrang na late ako." Malungkot na tinignan nito ang hawak na magazine.

"May ticket pa akong isa. Sa iyo na lang 'to, pero kailangan mong magmadali kasi paalis na siya."

"Talaga? Naku salamat talaga, Mister!"

"Alken, Alken is my name. Mamaya kukunin kong number mo ha. I mean, halika na, sumama ka sa akin para papasukin ka ng guard."

"Thank you." Nagmamadali silang pumunta sa direksyon ng pila. Inalalayan pa ito ni Alken para makasingit at maipakita ang ticket.

"Sagot ko siya, Boss Chief, baka kasi siya na ang future ko." Pabirong sabi ni Alken sa nagbabantay.

Mahinang tawa lang ang sukli ng babae.

Hihirit pa sana si Alken pero narinig niyang nagsalita na naman ang in-charge.

"Sorry ho sa lahat ng hindi maabutan, kailangan na talagang umalis nina Miss Luna at Sir Keion."

Tumingin si Keion kay Alken na agad namang lumapit ang huli.

"Wala talaga si Miss Bossing, pero pwede bang tapusin mo na lang, lima na lang sila, Boss. Hihingin ko lang ang number nung pang huli. Ang ganda kasi."

"Tatapusin ko naman talaga, hayaan mo silang mag-antay." Nakita kasi nilang dalawa na tumayo na si Luna.

Mabilisang pumirma siya para lahat ay maaccomodate bago pa siya nilapitan ng isang bodyguard.

"Sir, nag-aantay na po sila sa labas sa sasakyan."

"Pang huli na 'to, Kuya."

Nakangiti si Alken sa huling magpapapirma.

"Wow! First magazine kung saan ako nag cover. I don't even have a copy of this." Keion said without looking at the person in front of him. Nakuha ng pansin niya ang papapirmahan nito.

"If you like, you can have that copy. I have an extra here. Ito na lang yung papapirmahan ko."

Umangat ng tingin ang binata at napatulala saglit sa ngiti ng babaeng nasa harap.

"Sa-salamat. I can pay you."

"No, it's okay. Papirma na lang po ako, mukhang kailangan mo na kasi talagang umalis." Nakangiti pa rin ito. Nakatingin lamang si Alken habang umiinom ng tubig. Naghahanap pa kasi siya ng tiyempo. Handang-handa na ang cellphone niya para sa number nito.

"Yah. What name will I place here?" Tipid na ring ngumiti si Keion. He ignores everyone who tells him that they need to go.

"Catarina Naveen."

**********************************

Hindi ko naman mapilit ang utak ko kung anong story ang kailangan kong i-update, katulad ng hindi ko naman kayo pinipilit na magbasa. Just saying. 



Dear Mr. OperatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon