Chapter 29 - Jane's Mad

217 20 62
                                    

"DELIVERY FOR MS. JANE DE LEON?"












"FOR ME? GALING KANINO?" Tanong ko sa nagsalita na hula ko ay delivery man. "From..." "Me!" Zoe said, cutting the Delivery Man's words off. "Sa'yo? Bakit hindi mo nalang binigay sa'kin harapan?" Narinig kong sinarado muna ni Zoe 'yung pintuan bago nya ako sagutin. I'm guessing na naka-alis na 'yung delivery man. Sana binigyan nya ng tip.

"Kasi nga diba, unexpected rin na dumalaw ako sa'yo ngayon dito. Dapat nung nakaraan pa 'yan dumating eh. Kung alam ko lang rin na ngayon darating 'yan, sana ako nalang nagdala." Sabagay, may point rin sya, pero that's really sweet of her na umabot pa na nagpa-deliver pa sya nang kung anong bagay habang wala syang presence dito sa hospital.

"Ano ba 'to?" Tanong ko. "Red roses and... Kwek kwek." I don't remember telling her na paborito ko ang red roses at kwek kwek.

Si Janella lang may alam nun kasi nga parehas kami ng paborito. Red roses at pati na rin kwek kwek.

Sobrang arte nya pa nung una nyang natikman 'yung kwek kwek.






"Babi where should we eat? Jea said, asking me. Break time na namin ngayon kaya nagtatanong na sya. Palagi kasi kaming kumakain ng sabay. "Hindi ko alam eh--" "ah! I know a place!"

"Hmm, where?"

"Basta, it's a surprise. Pero i'm not sure kung magugustuhan mo." I made a sad face. "No babi, i'm sure that i'll like it because i'm with you." A smile formed into my lips.

"Oh sabi mo 'yan ah? Tara!" Hinila ko sya tapos paglabas namin, nakita na namin 'yung vendor nung mga tuhog-tuhog.

"There!" I pointed at those vendors.

I heard her gulp.

"T-there?" I nodded.

Gusto ko syang tawanan ngayon pero baka kasi umatras, kaya huwag nalang.

Baka rin nandidiri sya, pero syempre, babaguhin ko pagtingin nya sa mga foods na ganto.

Ganito rin ako nung first try ko.

Actually, last week lang.

Hehe.

"There talaga?" She said, asking me again. Siguro hindi sya makapaniwala na dito lang kami kakain ngayon.

"Babi are you saving up ba? I can treat us both for lunch naman." Jusko po HAHAHAHAH.

Kumuha ako ng stick for the both of us.

"Tuhog what you want. I'll pay." I winked at her and ayun na rin 'yung way ko of saying na hindi ako nagtitipid.

Tinititigan nya lang 'yung food kaya tinuhugan ko sya and nilagay ko sa plastic cup then binigay ko sakanya.

"Ay wait, try this pala!" Sinubuan ko sya nung kwek-kwek.

"No babi no--- oh..." She stopped for a moment to chew at para siguro lasahan at namnamin 'yung food.

'yung facial expression nya nagbago at natatawa rin ako sakanya.

"Wow! That's so freaking good!"






That time, naka 15 kwek-kwek sya. I even had to stop her to stop eating the kwek-kwek. Ang reklamo nya? Hindi pa raw sya busog.

We ended up eating rice and egg sa may cafeteria namin sa loob.

Tapos ayun, dun sya nabusog.

Jusko, i ended up paying the kuya seller ng 100 ata 'yun. Basta umabot ng 100 pesos, kasi nag try pa sya ng other food like fishball, squid ball.

Two GhostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon