Chapter 42 - It's a Yes

169 17 5
                                    

WILL EVERYTHING BE DIFFERENT?












"ANO, AYOS KA LANG DYAN?" Tanong ni Amie sa'kin habang nasa byahe pa rin kami pauwi. Tumango nalang ako sakanya kahit sa buong byahe namin eh naka-tulala lang ako sa window. "Gusto mo mag drive thru muna tayo? Or convenience store?" Ang caring talaga ni Amie just like her step brother. Kung hindi ko nga lang alam storya ng buhay nila ni Alex eh matagal ko nang inakalang tunay talaga silang mag-kapatid.

What i mean is, matagal ko na silang inakalang mag-kapatid by blood.

Anyways, after naming mag drive thru, dumiretso na kami sa bahay ko and i found Zoe there, sleeping sa couch.

Hindi ko na sya binother na gisingin since gabi na rin naman and wala rin naman akong pasalubong sakanilang dalawa ni Amie at baka mag vent lang ako sakanya.

Kinabukasan, i woke up with an empty feeling in my heart.

Parang bumalik lang ako sa phase 1 nung pagiging heart broken ko five years ago.

Every morning, sinusubukan ko rin tumayo, to practice kung nakaka-lakad na ba ako if ever na gigising ako.

Pero ngayon, feeling ko hindi ko kaya since wala akong gana sa lahat.

I feel like i lost the other half of me.

Pero syempre, ginawa ko pa rin.

But...

"AMIE!" Sigaw kong tawag sakanila sa labas, kahit na hindi ko naman alam kung nasa labas talaga sila ng kwarto ko, nasa sala or kung nasaan man.

Pumasok naman agad si Zoe at sumunod si Amie.

"What?! What happened?!" And there they are, witnessing this.

"You're... Standing." Saad ni Amie.

I smiled while crying dahil sa tears of joy.

I didn't know na ngayon pa pala posibleng mangyari 'yung ganitong pangyayari.

"I can finally stand!" Bumibilis 'yung heartbeat ko kaya pina-kalma ko muna ang sarili ko tapos nanghingi ako ng water kay Zoe.

Pero nag offer si Amie na sya na ang kukuha since nagluluto rin daw sya ng breakfast namin at baka masunog 'yung niluluto nya.

Naglakad naman si Zoe dahan-dahan papa-lapit sa'kin since kanina nasa harapan lang sya ng pintuan ko.

Tapos hinawakan nya 'yung kamay ko parehas.

"Grabe, i didn't expect na mabilis kang makaka-recover after ng coma."

Mas maganda sana if si Jea nagsasabi nito sa harap ko.

I wonder kung nasa'n na sya ngayon?

Did she eat?

Is she doing a great job?

Since medyo nangalay kaagad ako dahil sa matagal na nga akong hindi nakaka-tayo ng ganon ka-diretso at katagal, inaya ko si Zoe na umupo sa kama ko.

"Oo nga pala, antagal ko nang hindi nakikita si Joshua. Have you seen him?" Umiling lang si Zoe sa'kin at sinabing, "Hindi pa nga eh. Baka may other projects sya sa other directors or may mga brand endorsements sya? Or baka nakila Janella? Ewan ko? Bakit?"

"Wala naman, i'm just wondering kasi matagal ko na syang hindi nakikita." Sagot ko naman sakanya.

"Oo nga pala, diba dapat bukas ka pa uuwi? Ba't napa-aga ka?"

"Tinapos ko na 'yung sa'min ni Jea." Sagot ko ulit kay Zoe.

"Bakit?!" Why is she acting so shocked? Hindi ba nya gusto 'yun? Wala na syang kaagaw?

Two GhostsWhere stories live. Discover now