Chapter 34 - Mama's Wish

220 23 17
                                    

"JANE, YOUR MOM..."















LAHAT KAMI NAPA-PUNTA agad sa bahay nina Mama at Papa. 'Dun nalang pina-punta 'yung doctor. Turns out, biglang nag collapse si mama kanina during the meeting nila sa company nila. "Well, your mom is fine. Pwede na rin syang magising anytime so be ready. But she has anemia. Does any one of you knows about this?" Umiling kaming lahat, isa-isa.

"Ngayon alam nyo na." Dagdag nung doctor.

"But please monitor nyo si Mrs. De Leon. Pag na-over work kasi sya ulit, pwede ulit 'to mangyari. Lalo na sa sobrang puyat because over work nga, pwedeng maging leukemia." Babala samin nung doctor at payo na rin.

Inabot nya rin 'yung reseta ng gamot kay papa.

"Make her take her medications, kasi as far as i can examine, hindi nya tine-take ang meds nya." May ganitong sakit na pala si mama, hindi man lang nya sinasabi sa'min para sana man lang alam namin, diba?

"Thank you doc." My papa said to the doctor.

Hindi rin nagtagal, umalis na sina Jea at ang iba pa.

Naiwan nalang kaming dalawa dito ni papa para magbantay kay mama.

Nasa bahay lang naman kami ngayon, nasa kwarto ng guest room.

"Jane? Arthur?" Rinig naming sambit ni mama.

"Ma, you're awake." I said calmly.

Mama seems to be confused.

"Bakit nandito ako? Nasa meeting tayo kanina Arthur, right?" Papa nodded.

"Yes, pero nahimatay ka, Evelyn." Mukhang confused pa si mama at nir-recall pa ang nangyari sakanya kanina, bago sya mapunta dito sa guest room.

"Huwag mo na muna ipilit kung hindi mo maalala, mahal." Papa said, then kissed mama's forehead.

Jusko, gusto kong sabihin na gusto ko rin ng ganitong love.

Unconditional and pure.

Pero may Jea na ako who loves me unconditonally and purely, kahit sobrang hirap kong intindihin at mahalin.

Kahit hindi sila mag-paligsahan ni Zoe, alam ko na sa sarili ko kung sinong mananalo at palaging mananalo sa puso ko.

At si Jea 'yun.

Takot lang akong masaktan si Zoe since isa rin sya sa nag-alaga sa'kin nung nasa ospital ako at kaibigan ko na rin.

Isa pa, close na rin sila ni mama. Ayaw ko namang sirain 'yung closeness nilang dalawa ni mama, not now. Lalo na't medyo may sama pa rin ng loob si mama kay Jea.

Edi if ever na malaman ni mama na pinili ko si Jea over Zoe, mas lalong sasama ang loob nun kay Jea.

Gusto ko munang lumabas ang truth sa private investigator na kinuha ni mama, o sa sarili kong pag i-imbestiga, bago ko piliin si Jea.

Para wala nang sabit.

Sinabi rin namin sakanya kung anong sabi nung doctor kanina, habang wala pa syang malay.

"Jane." Mama said, calling me. "Ma?" I answered.

"Tumatanda na ako." Ay tangina, nakita ko na ata 'to sa mga drama ah.

Parang alam ko na ata kasunod nito.

"Ma alam ko." Pilosopo kong sagot sakanya.

Tumawa sya.

"Tumatanda na ako, kami ng papa mo. Kailangan mo na ng makakasama sa buhay."

"Ma, kahit wala akong makasama sa buhay forever, kaya kong alagaan sarili ko--"

Two GhostsWhere stories live. Discover now