Chapter 3

241 13 4
                                    

Chapter 3

"Bakla, panay tingin sa'yo si Silas," pagkulbit ni Raf habang abala ako sa pagsusulat ng notes.

I just acted that I didn't hear anything dahil napupuno na talaga ako. Kahapon pa kasi siya may ibinibigay sa akin ni paperbag. He just bought three hoodies which are identical to mine. Pambawi daw dahil sa nangyari noong nakaraang araw. Hindi ko 'yon kinuha dahil ayaw kong tumanggap ng kahit ano mula sa kanya.

Pinagchichismisan na tuloy kami ng mga babae sa ibang block. Hindi ko alam paano nakaabot ang chismis na 'yon sa kanila.

I just made myself busy. Hindi na rin ako sumali sa kahit anong orgs gaya ng sabi ni Raf. I just felt like I couldn't handle too much. Sa nine subjects ko pa nga lang ay naiistress na ako, what more kung magdadagdag pa ako ng iba pang responsibilities. Ayoko ng pahirapan pa ang sarili ko.

Late po ako makakauwi.

Paalam ko sa landlord namin para hindi masaraduhan ng gate. May curfew kasi kami na hanggang nine pero nasasanay na siguro siya na hindi ako umuuwi nang maaga. Mabuti na lang at may tiwala siya sa akin para bigyan ako ng isa pang susi.

Nandito ako ngayon sa library at kakatapos lang maggawa ng powerpoint presentation. Halos mainip na nga sa akin ang librarian dahil ako ang pinakamatagal umalis. Sa tuwing pumupunta ako rito, hindi ako nasusundan ni Raf. She was banned by the lady librarian dahil sa sobrang lakas ng boses niya. Mabuti na rin iyon dahil hindi talaga ako makapag concentrate kapag kasama ko siya.

Pero gan'on pa man, she didn't say anything. Hindi siya mareklamo kahit na hindi ko siya iniimikan at minsan wala akong interes sa mga kwento niya.

Ubos na ang mga estudyante bukod sa mga athletes na lumabas ng gym at nakasabay kong maglakad pag uwi. They were too loud pero hindi sila nasisita ng security guards.

It was already 8:30 in the evening. Napagdesisyonan kong sa convenience store na lang ako magdinner dahil wala na akong energy para magluto. Habang naglalakad palabas, napansin ko ang isang lalaking halos nakahandusay na malapit sa may waiting shed.

I tried to ignore him once since I don't want to meddle with anyone's business pero hindi rin iyon kinaya ng konsensya ko. Nakaramdam din ako ng kaunting pag aalala nang makita ko kung sino iyon.

It was Lake. He was absent earlier. Naalala ko lang dahil siya ang madalas inuutusan ng mga professors na mag distribute ng exam papers since siya ang nakaupo sa unahan.

"Ayos ka lang?"

Tumango siya sa akin habang nakangiti. Kinuha ko rin 'yong nabasag niyang eye glasses at tinulungan siyang makatayo. I've noticed that he couldn't walk properly dahil mukhang injured ang kaliwang paa niya.

"Si idol pala 'to. Hindi kaagad kita nakilala," mahinang halakhak niya.

I was wearing my hoodie jacket dahil masyadong malamig sa library kanina. Tinanggal ko 'yong hood sa ulo ko bago muling nagtanong sa kanya.

"Anong nangyari?"

He wiped his bleeding lips at nagulat na lang ako nang iakbay niya ang kamay niya sa balikat ko. Bigla ring tumunog ang tyan niya kaya't siguradong kanina pa siya nalilipasan ng gutom.

"Favor ulit."

He pointed to the store where I was about to go.

"Okay."

At dahil naaawa na rin ako sa kanya, wala akong choice kung hindi alalayan siya papunta r'on. Besides, nagugutom na rin naman ako.

"No wonder why you're included in the top section. Madalas ka bang ginagabi pauwi?" tanong niya pa nang maalalayan ko siya papunta sa mga upuan.

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Where stories live. Discover now