Chapter 20

159 10 0
                                    


Chapter 20


My curiosity doubled right after I asked my mom regarding Ajax. Just like Zosia's answer, she couldn't remember him and just told me that maybe he was just an acquaintance during high school. I suddenly felt like she was hiding something just by watching her expression.

Pero kahit na ilang ulit niya pang sabihin sa akin na huwag masyadong mag isip, hindi pa rin ako mapanatag. Tadhana na rin siguro ang gumagawa ng paraan para masagot lahat ng tanong ko nang makasabay ko si Rasha sa grocery store. Kakauwi ko lang sa Puerto Real at mabuti na lang holiday ngayon kaya makakapamili ako ng mga pagkain at ilang gamit na kailangan ko sa dorm.

"Oh, hi Felice. Hindi mo kasama si Silas?" bungad na tanong niya na siyang inilingan ko.

Natawa rin siya nang bigla siyang may ma-realize. "I'm sorry. I was so occupied right now that I forgot that he will be gone in one week."

Bigla ulit na sumagi sa isip ko ang pagiging busy ni Silas. Matapos nilang manalo ni Cornelia sa Quiz bee, basketball naman iyong nilabanan niya. He will be excused for one week together with Lake who's one of his teammates. Kaya tatlong araw ko na rin siyang hindi nakikita. Tanging si Eryhx lang ang umuuwi sa dorm nila dahil hindi naman siya player.

Hindi ko maitatangging naninibago ako dahil wala ang presensya niya. He sometimes walks with me in the morning. Sa gabi naman ay madalas din niya akong sinasabayan maglakad at nagkukunwaring busy din sa library. Nasasanay na ako sa bagay na iyon.

"Anyway, may susundo ba sa'yo? Masyadong maraming laman ang cart mo," puna niya kaya't natuwa ako dahil napaka-perfect timing ng lahat ng mga nangyayari.

I did everything to compose my words. And even if asking someone's help who's not really close to me is out of my league, I tried swallowing my own pride.

"Medyo mabigat nga e. Punuan din sa jeep. Pwede ba akong sumabay?" nahihiya kong sambit.

Ngumiti naman siya kahit masyadong makapal ang mukha ko.

"Sure, sure. Susunduin ako ng kakilala ko mamaya so sumabay ka na. Magkapitbahay lang naman tayo."

I reciprocated her smile. And just like what I'm expecting, si Ajax iyong kakilala niya na susundo sa kanya. I suddenly wonder what's going on between them.

"Have you saved my number?" bungad na tanong sa akin ni Ajax habang binubuhat niya ang mga pinamili ko sa likod ng kotse niya.

Nagbabayad pa lang kami ni Rasha sa may counter kanina pero nandoon na kaagad siya sa labas at naghihintay. Tumango naman ako sa kanya bilang sagot. Umupo ako sa likod habang silang dalawa naman ay parehong nasa unahan.

"Have you two eaten?"

"Hindi pa nga e. I think you should have the initiative to treat us, Ajax. Tutal, marami ka namang utang na loob sa akin." Si Rasha ang sumagot bago niya ako nilingon.

"Pero teka lang, how did you know each other?"

I don't know how to respond to her kaya hinintay ko na lang na si Ajax ang sumagot. I don't know what to say either since I'm still trying to figure out some things.

"From a common friend," sagot niya na mabuti na lang ay pinaniwalaan ni Rasha.

"Oh, that's good to know."

Kahit na busog na ako, hindi ko sila tinanggihan na sumama sa kanilang maglunch. Mukha rin akong third wheel sa kanila. Just by watching how Ajax looks at Rasha, it was too obvious that those were his special stares.

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Where stories live. Discover now