Chapter 13

182 10 3
                                    

Chapter 13

"Ang nakakataas na talaga ang gumawa ng paraan para sampalin ko ang sarili ko sa realidad. Mas mabuti na rin iyon bakla no! If that's the way para maka-move on ako sa crush era ko kay Lake, then gora lang."

Today, it was confirmed by the CE Department that next school year will not be a block sectioning. At dahil sa anunsyong iyon, marami ang naghapit na bumawi sa finals excluding Raf. Tanggap niya na raw kasi ang magiging kapalaran niya.

Matagal na rin kaming hindi nakakapag usap ni Lake. Dahil kahit na nasa iisang classroom lang kami, ramdam kong may sarili siyang mundo. Hindi ko na rin siya naabutang nakatambay sa rooftop. It seems like he was suffering from something he doesn't want to talk about. I know Eryhx and Silas were there for him. Siguro ay sila sila lang din ang nakakaalam kung ano ba ang nangyayari sa kanya.

"Oh ano? Updated na ba ang lahat sa chismis?"

Habang abala ako sa pagre-recheck ng mga sagot ko sa problem sets sa integral calculus, biglang sumulpot ang tatlong kaibigan ni Raf mula sa ibang block.

Nandito kami ngayon sa isang round table, sa ilalim ng acacia tree dito sa field sa pagbabakasaling ito ang pinakamaganda at pinakatahimik na pwesto bukod sa library.

"Gusto ko 'yan, bakla! Spill the tea na agad," interesadong sagot ni Raf sa kanila.

"So ito na nga..." Si Kamila ang nagtuloy.

"Are you familiar with Rasha from Westwood University?"

"Hindi naman to the highest level ang pagka chismosa ko bakla. Hindi na sakop ng radar ko ang ibang babaeng wala rito."

Nagtawanan sila sa sagot ni Raf.

"She's a famous volleyball player there. She's planning to transfer here next school year. Ka-batch lang natin, chemical engineering." Si Unice naman ang sumagot.

"Oh tapos? Nugagawen? May mapapala ba ako sa mga chismis ko sa babaeng hindi ko naman kilala?"

"Of course!" Nakasisiguradong sagot ni Becca.

"Ex kaya siya ni Silas. You know he's always been attracted to academically smart girls. At ang bali balita pa, hindi imposibleng magkabalikan ulit sila knowing that they will be on the same university again."

Bigla akong napatigil sa pagsusulat nang sabihin niya iyon. I don't understand why I'm suddenly affected by those gossips. Nang mag angat ako ng tingin, nasa akin na ang mga mata nilang lahat ngayon na para bang naghihintay sa sasabihin ko.

"I don't care about them." I sounded bitter.

But the truth is, hanggang sa matapos ang klase at mag uwian, iyon pa rin ang naiisip ko.

"Are you up for a ride? Kuya Argon would like to give you something."

Nagulat ako sa pagsulpot ni Silas sa tabi ko na ngayon ay sinasabayan na akong maglakad pabalik ng dormitory. Si kuya Argon iyong may ari ng tapsihan na pinuntahan namin nung nakaraan. We're not really close and we didn't have much interaction last time. Siguro ay nagsisinungaling lang si Silas para mapapayag niya ako na magpunta ulit doon.

"And why are you ignoring me earlier? Are you mad, Felice?" he softly asked that's why I suddenly wonder if he ever talks this way to anyone.

Hindi ko siya pinansin at pumauna akong maglakad. Bukod sa tinatamad akong kausapin siya, masyado ring occupied ang utak ko sa maraming bagay. Mabuti na lang at hindi na niya ako hinabol at hinayaan na lang. That's what he's always doing whenever he senses that I'm not in the mood to speak.

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Where stories live. Discover now