Chapter 22

172 8 1
                                    

Chapter 22

I have never thought of liking someone and directly confessing my feelings to him. It may sound too funny to say, but I never had a crush on anyone. Walang sino mang lalaki ang nakakuha ng atensyon ko. Siguro nga ay tama ang sinasabi ni Zosia sa akin noon pa man na mataas ang standards ko sa lalaki. Iyon naman talaga ang tama para hindi ako matulad kay ate Dely na niloko ng ex-boyfriend niya noon.

And why would I settle for less if I deserve better? I had built high walls to protect my inner peace without noticing that Silas could easily climb it. And I have never ever expected that I would find myself slowly enjoying his company.

"Kailan ka ba magse seryoso? Akala ko ba ay magre-review tayo?" naiinis kong tanong dahil kanina pa siyang nakangiti. 

He was watching me read the book and I'm uncomfortable with it. Hanggang ngayon ay masyado pa rin siyang kinikilig doon sa sinabi ko kanina na crush ko siya. It was really wrong that I agreed to study with him dahil masyadong siyang distracted sa presensya ko.

"When did you start having a crush on me, Felice?" 

Napaisip din ako sa bagay na 'yon dahil hindi ko 'yon kayang sagutin. I don't know when it started since I keep reminding myself that I shouldn't fall into his trap. But still, I ate my own words. 

"Bakit mo pa ba tinatanong? Magre-review ka rin ba talaga o iinisin mo lang ako ngayong araw?" kunwaring naiinis kong sagot.

I couldn't take the smile he's giving me anymore. Nagkunwari akong nauuhaw at pagkatapos ay kumuha ng tubig para uminom. Nawiwili na siyang tumambay dito sa dorm ko sa halip na doon sa kanila. Marami rin siyang nirarason sa akin at sinabing malakas humarok si Lake kaya hindi siya makapag-focus doon. Pagbalik ko sa salas kung saan kami nagre-review, naabutan ko siyang itinutuloy iyong midterm plate namin sa autocad. 

"Wala ka bang sariling ideya? Bakit mo kinokopya yung sa'kin?" 

I immediately open my laptop and check if mine was actually similar to him at hindi nga ako nagkamali dahil pareho iyon.

"Gusto mo bang ma-zero sa midterms? Hindi ito ang oras para magjoke, Silas."

Nagsisimula na akong mainis. Baka ang ending niyan, sa halip na makapasa kami sa exams, baka pareho kaming ma-zero dahil sa pangongopya niya sa akin. Besides, wala namang special sa floorplan ko. Mas magaling nga siya kumpara sa akin. I just decided to make a bungalow house para hindi na rin ako mahirapan sa elevation at 3d na gagawin.

"I made some changes so our prof wouldn't notice that they are almost identical," sagot niya na hindi inaalis ang tingin sa laptop.

Kumunot naman ang noo ko. "Are you running out of ideas? Kung wala kang maisip na designs for your dreamhouse, may alam akong site. Pwede kang kumuha ng inspiration doon."

Nang dahil sa sinabi ko, nag angat siya ng tingin sa akin. 

"Your dream house is also my dream since we'll be living under the same roof in the coming years. The designs of my floor plan should be aligned to yours. I'll just provide an explanation for it."

Ramdam kong muling nag init ang pisngi ko. Hindi na ako nakatiis pa at binato ko siya ng unan. He chuckled because of what I did. At dahil sumosobra na ang mga sinasabi niya, nagdesisyon akong pumasok na lang sa kwarto.

"I thought you wanted me to help you with statics?" habol na tanong niya.

"I changed my mind. Kaya ko na," sagot ko at pagkatapos ay pumasok na sa kwarto.

Nagtext pa siya sa akin at nag so-sorry pero hindi ko na siya pinansin. We wouldn't be productive if puro kalandian ang nasa isip niya. I also don't want him to see my reactions. Baka atakihin pa ako sa puso dahil sa mga salita niya. With just his simple words and gestures, my systems are starting to go crazy. Habang tumatagal, mas lalong lumalala ang epekto niya sa akin. I tried to avoid it so many times but it was really hard to resist him.


Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ