Chapter 35

226 9 0
                                    



Chapter 35

"Ate, pakisampal nga kung nananaginip ako." Pinanood kong lumapit si ate Dely Dely kay Zosia na hindi man lang nagdalawang isip na totohanin iyong sinabi ng kapatid niya.

"Ouch, ate! Bakit mo naman tinotoo?" Pare-pareho kaming natawa sa reaksyon niya.

"Pero O to the M to the G! Ikaw na nga talaga 'yan, cous!" Mahigpit niya akong niyakap kaya't pakiramdam kong mauubusan ako ng hininga.

Hindi ko inakala na kahit buntis siya, ganito pa rin kataas ang energy niya. Balita ko rin na nag-leave sa trabaho iyong asawa niyang si Tyrell, pati na rin si ate Dely para lang makapag handa ng mini-surprise para sa akin. Sobrang natutuwa ako nang makita ko ang apat na letra at tuldok sa unahan ng buong pangalan ko na nakalagay sa isang tarpaulin. Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsi-sink in ng tuluyan sa utak ko na isa na akong ganap na civil engineer.

"Grabeng glow up naman yarn, cous. Anong klaseng hangin ba ang mayroon sa Japan? I'm so envious! Pakiramdam kong isang hamak na hampaslupa lang ako sa tuwing tumatabi sa'yo!"

"Hindi na eepekto sa'kin ang mga pambobola mo, Zosia," suway ko sa kanya.

"Bakit naman? I'm just stating a fact, cous! Sobrang fresh mo kaya. Lamang na lamang ka sa'kin ngayon kasi buntis ako. Right ate Dely?"

"Oo. Sobrang laki ng pinagbago mo kaya't natutuwa ako para sa'yo. Kamusta ang bakasyon mo sa Spain, Felice?" nakangiting bati sa akin ni ate Dely.

"Ayos na ayos po, ate. Sayang nga lang at hindi tayo kumpleto r'on sa kasal ni Rafiel."

"Don't worry, cous! Sa kasal ko, hindi pwedeng hindi kumpleto. Ekis na kaagad ang hindi aattend. Right, hubby?" Lumingkis si Zosia sa asawa niya na mukhang palaging no choice kung hindi ang sakyan ang trip ng pinsan ko.

Ngayon ko lang ulit nakaharap si Tyrell dahil noong nandito pa ako sa Pilipinas, nahihiya akong kausapin siya sa tuwing ka-video call niya ang pinsan ko. Mas sanay din akong tawagin siyang Sir Liuco kung hindi lang ako sinusuway ni Zosia dahil masyado raw iyong formal.

"Kumain na ba kayo?" mahinahong tanong niya sa akin.

"Medyo nagugutom na. Sabay sabay na tayong kumain," nakangiting sagot ko.

Hinanap naman ng mga mata ko si Silas na kanina pa palang wala sa tabi ko. Nakita ko siyang buhat buhat si Jasper at nakikipaglaro dito. It was too obvious that they were really close to each other.

"Sabik na sabik na talagang mag kaanak ang jowawers mo. Felice," natatawang komento ni Zosia sa tabi ko.

Nahihiyang lumapit naman ako kay Jasper. I'm so sure that he wouldn't recognized me at all dahil halos kakapanganak niya pa lang noong umalis ako. Hindi niya rin ako kinakausap sa tuwing nagvi-video call kami ni ate Dely. Hindi na pala talaga siya baby kasi big boy na.

Time really flies so fast.

Saglit siyang ibinaba ni Silas pero nang makita niya ako, kaagad din siyang tumakbo pabalik. Mukhang natakot ata sa akin.

"Shh, don't be afraid, baby. Your tita is very pretty and kind," sambit niya pero hindi pa rin lumilingon sa akin ang pamangkin ko. "Look, she brought you a lot of toys."

Nang sabihin niya iyon, doon lang nawala ang takot niya sa akin. Ibinigay ko sa kanya iyong hawak kong paper bag na may lamang maraming laruan. Sa Spain ko pa ito binili, bago ang flight namin. Doon na rin ako namili ng maraming mga pasalubong.

"I'm your tita, Felice. Nagustuhan mo ba lahat ng toys na binili ko?" mahinahong tanong ko sa kanya habang marahang hinahaplos ang buhok niya.

Nahihiyang tumingin naman siya sa akin, "Opo."

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Where stories live. Discover now