Chapter 19

149 5 0
                                    


Chapter 19


"Felice, wala bang susundo sa'yo?" tanong sa akin ni Suli, isa sa mga kagrupo ko sa Filipino. 

We had a shoot regarding a short documentary. She presented na rito kami sa kanila since malapit kami sa dagat. Marami ring mangingisda ang available rito kaya mabilis kaming natapos sa pag iinterview.

Nauna ng umalis ang ka-grupo kong si Shaun na inaaya pa akong sumabay sa kanya pero tumanggi ako. Nandito na rin ang kotse ni Comet na gusto akong ihatid pero humindi ako. I don't want to ask favor from anyone lalo pa't hindi ko sila gan'on nakakausap. Kanina pa namang ulan ng ulan kaya titila na rin siguro ito mamaya. At isa pa, kaya ko namang mag-commute. Isang sakay ng jeep at tricycle lang naman ako. 

"Or gusto mong sumabay na lang sa driver ni Cornelia pag dumating mamaya?" dugtong niya pa kaya nagkatinginan kaming dalawa.

Ngumiti siya sa akin pero nahahalata kong hindi iyon totoo. "Sure, why not?"

Nagkibit balikat ako sa sinabi niya.

“Nagmamagandang loob na nga yung tao, hindi pa rin pinapansin. Really, Felice? Until when will you turn me down? Di hamak na mas gwapo naman ako kay Silas.”

That’s one of the reasons why I always hate being in the same group with Comet. Palagi niyang mimemention ang pangalan ni Silas at ipinagkakalat din niya na may crush siya sa akin. 

“I also wonder why you’re not liking him back. You look cute together. If I were you, I'd give it a shot,” pagsuporta ni Cornelia sa kanya.

Siya naman ang nakaisip noon, bakit kaya hindi na lang siya ang gumawa kaysa nangingialam siya ng buhay ng ibang tao?

“Look at me, I’m having a good relationship with Silas. In fact, my driver had an emergency right now so I texted him. Sa kanya ako magpapasundo,” pagkwe-kwento niya pa.

“Pumayag ba siyang sunduin ka? Masyado pa namang maulan ngayon. Maputik din ang daan at mahirap mag biyahe,” paninigurado ni Suli.

“Ofcourse. He also drove me home the last time. I was just asking him a little favor right now so I’m sure that he would be here.”

Natawa naman si Comet sa sinabi niya. “Baka naman assuming ka lang, Cornetto. Hindi naman sa pinag ooverthink kita pero what if si Felice pala ang gustong sunduin at hindi ikaw?”

Sumama ang timpla ng mukha ni Cornelia matapos na marinig iyon at pagkatapos ay tumingin sa akin.

“As far as I know, hindi naman gusto ni Felicette si Silas kaya I’m so sure that she will reject him later just like what she did to you. Right?” 

Umakto akong walang narinig sa sinabi niya at pagkatapos ay lumabas para icheck kung masyado pa bang malakas ang ulan. Doon ako nagpalipas ng oras habang hinihintay ang pagkalma ng panahon. Makalipas ang halos bente minuto, mabilis kong na pansin ang pamilyar na motorsiklo ni Silas na papunta ngayon dito. Cornelia was right. He really agreed to fetch her. Parang noong isang araw lang ay ako ang sinundo niya tapos ngayon naman ibang babae na.

“Oh, nandito na pala si Silas, Cornelia. Nailigpit mo na ba ang tripod mo?” rinig kong tanong ni Suli habang nakadungaw siya sa bintana. 

Excitement was visible on her face as she ran outside and approached his direction. 

“You should have waited until the rain stopped. Maiintindihan ko naman."

Napabuntong hininga na lang ako sa paraan ng pagsasalita niya. Hindi naman siya ganito kanina. She usually sounded bossy but every time she talks to Silas, her tone of voice changes. Nagsisimula na naman akong mainis sa bagay na ‘yon.

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Where stories live. Discover now