Chapter 14

185 14 3
                                    

Chapter 14


Three days before the finals, si Lake naman ang nagungulit sa akin. He keeps asking me if I had already opened the file he sent. Galing daw iyon kay Silas. Kahit na nacu-curious ako kung ano iyon, nagdesisyon akong hindi na lang buksan. I don't want any distraction lalo pa't mas gusto kong magfocus na lang sa finals week.

"Laki ng eyebags natin ah? Sana all puyat na puyat sa pagrereview," puna ni Adriel sa katabi kong si Raf.

"Tanga! Sa kdrama ako napuyat. Stock knowledge is the key lang."

"Kakastock knowledge mo mamaya question 1 pa lang stuck ka na agad." 

Naghalakhakan ang mga lalaki sa likod. Samantalang ang iba naman ay nag aaral ng techniques kung paano makakapagkopyahan.

"Pag isang ubo, ibig sabihin n'on letter A ang sagot. Pag dalawa naman letter B."

"Pa'no kapag wala sa choices ang sagot pre?"

"Uubo ako ng sampong beses. Be attentive lang sa pagbibilang, pre."

"Go mga bakla! Ubo lang hanggang mapulmunya kayo."

Sobrang ingay ng classroom ngayong umaga. Natahimik lang iyon nang dumating na ang proctor namin para makapagsimula na ng exam. I had to admit that I'm a little bit nervous because I didn't study enough compared to the last semester. Maaga pa nga akong nakatulog kagabi dahil sa sobrang pagod ko sa paglalaba. Sa halip na ma-stress o i-pressure ang sarili ko, nagdesisyon akong makuntento na lang sa makukuha kong grades. As long as I could keep my scholarships until fourth year, then I'm okay whatever the results are.

"Sana all na lang kay papi. Bilis matapos n'o? Palibhasa inspired," komento ni Raf nang dumaan sa harap namin si Silas para magpasa ng exam paper niya.

Nasa kalahati pa lang ako ng pagsasagot at nahihirapan. As usual, hindi man lang siguro siya kinabahan.

Nagtama ang mga mata namin pero ako na mismo ang nag iwas ng tingin. I need to keep myself busy and I shouldn't let him disrupt my peace.

Sa sobrang busy ng lahat, hindi na namin namalayan na natapos na ang finals week. I already had my plans in mind after the end of semester. Noong isang linggo pang nakahanda ang mga gamit ko para umuwi. Miss na miss ko na rin si mama at sa wakas, makakatulog na rin ako nang mahimbing sa gabi ng hindi nag aalala sa kondisyon niya.

"Late celebration of my birthday again! Grabe, I felt so old."

Nakagawian na namin every summer vacation na i-celebrate ang birthday ni Zosia dahil usually, tumatapat sa finals week iyong birthday niya. Even if the celebration is delayed, she seemed so excited. Maski ako rin naman. Pinakaborito ko kasing parte ng bakasyon ay ang magpunta sa Tekija Falls, halos kalahating oras na byahe mula rito sa bahay. Noong mga nagdaang bakasyon, doon din kami nag-overnight at naligo. Last year lang ako hindi nakasama dahil kinakailangan kong mag-review para sa entrance exam ko sa probinsya kasama si Lola Lucille.

"Cous, hindi ba talaga makakapunta si Raf? Baka naman may inihahanda lang kayong surprise. Miss ko ang baklitang 'yon," umaasang tanong ni Zosia kahit na nagkausap na silang dalawa sa videocall kagabi.

Raf won't be able to attend her late birthday celebration since she's out of the country. Kasama niya iyong pamilya niya kaya't kahit na gustuhin niya mang makauwi rito, mahihirapan siyang gawin iyon.

"Makuntento ka na lang na kami ang kasama mo. Sawang sawa ka na ba sa mukha namin ng pinsan mo Zosia?" sumingit sa usapan namin si ate Dely na kanina pang nagluluto.

"No, ate. I just want something new. Wala na nga akong jowang kasama, tapos wala pa ang frenny ko. Tayong apat na naman nina tita Lucia ang magkakasama."

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Where stories live. Discover now