Chapter 5

228 8 7
                                    

Chapter 5

I have never imagined getting a boyfriend. Ni minsan, hindi ko naramdaman na malas ako dahil hindi ko naranasan na magkaroon ng highschool sweethearts and dream dates. Maybe, that's the perk of being independent. Sa sobrang pagmamahal ko sa sarili ko at kurso ko, wala na sa isip ko ang bagay na 'yon.

"Anong gusto mong kainin, anak?" tanong sa akin ni mama.

Umuwi kasi ako dahil masama ang pakiramdam niya. Good thing Ate Dely was always here to check on her. Zosia was a future nurse too kaya alam na alam na niya ang gagawin sa tuwing may nagkakasakit sa pamilya namin.

"Ako na, ma. I'll cook your favorite."

Yumakap ako mula sa likod niya bago bumalik sa pisngi. I suddenly miss this kind of bonding. Kung nandito lang si papa, paniguradong mas nagiging masaya kami.

"You've matured early, anak. Sana pala nag anak pa kami ng isa ni papa mo para mayroon pa akong ibe-baby," naluluhang sambit niya na siyang ikinangiti ko.

"Tama na ang iyak, ma. Rest ka na po muna."

This wasn't the first time she told me those words. In fact, grade 7 student pa lang ako, madalas na niya 'yong binabanggit. She keep wishing that I'm always dependent on her dahil nami-miss niya na raw akong alagaan. Nagtatampo rin siya kapag hindi ko tinatanggap ang binibigay nilang allowance. Sapat na kasi ang mga scholarships na meron ako para suportahan ang sarili ko. Wala rin naman akong ibang luho at lahat ng gastos ko ay napupunta lang sa pag aaral.

I stayed at home for a week. I used that time wisely para i-spoil siya. She was indeed happy to see me growing from someone who can't tie her shoelace into someone who can almost do everything on her own. Matapos ang isang linggong pamamalagi, bumalik na ako ng dorm para mag-enroll dahil simula na ng second semester. Mas mabibigat ang mga subjects pero medyo confident na naman ako dahil malaking bagay ang mga advance notes na ibinibigay sa akin ni Silas.

Ano gwa mo?

Nagtext ako kay Raf dahil baka nga magkaroon ng resectioning sa second year. Ayaw ko na rin namang mapahiwalay sa kanya dahil aaminin ko, nasasanay na rin ako sa presensya siya. Kapag kasi kinukulit ako ng grupo nina Becca, siya mismo ang nagtataboy sa kanila para sabihing hindi ako interesado sa kahit anong gimik.

Natae. Bakit?

Napailing na lang ako sa reply niya dahil halos araw araw na niya akong dinodogshow.

General Waited Average (GWA).

Paglilinaw ako. Kung magkasama siguro kami, baka mamatay na siya sa kakatawa.

1.73 bakla. Bilis ng first sem 'no? Parang hanging dumaan lang. Mahirap ba talaga ang engineering? Bat parang ang dali dali naman?

He was right. Ni hindi man lang ako pinagpawisan sa first sem. Maging mga blockmates kong crammerist at sa room pa nagawa ng mga outputs, pasado pa rin ang marka.

What's your GWA, Felice?

Maya maya pa ay nag-text sa akin si Silas. Hindi ko na bina-block ang bagong number niya dahil kailangan ko siyang contact-in tuwing groupings. He was sending me lots of nonsense messages most of the time pero nagre-reply lang ako kapag acad related ang mga tanong niya.

1.25

Mabilis naman siyang nakapagtipa ng reply.

Congrats. I'm so proud of you.

Napangiwi ako sa reply niya.

Will you not ask what's mine?

Hindi na ako nagreply sa tanong niya dahil alam ko na ang sagot. Kalat na kalat sa buong university na naka-flat uno siya. Erhrx was close to having the same grades kung hindi lang siya nagkaroon ng 1.25 sa UTS. Paano ba naman kasi, madalas niyang kinkontra ang professor namin daw mali mali ang itinuturo nito. Iyon siguro ang rason kung bakit hindi siya nabiyayaan ng uno.

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Where stories live. Discover now