Chapter 26

157 10 0
                                    


Chapter 26

"It's so hot here! Sayang ang skin care ko!" reklamo ni Afia kaya hindi kami matapos tapos sa ginagawa naming field work. 

Masyadong maarte ang ilan sa mga kagrupo ko at humihinto talaga sila kapag masyadong tirik ang araw. Hindi naman namin ito pwedeng ipagpaliban dahil ito ang naka-aasign na schedule sa amin sa Surveying Class. We are tasked to do a six-hour field work. At sa kamalas malasan, I was assigned to be a team leader. 

"Amputa ang aarte, hindi naman maganda!" komento ni Comet na siyang may hawak ng Invar Tape namin para sa Differential levelling activity.

"Tuloy na natin," utos ko habang may hawak na papel para mag-record ng mga nakukuha naming data. 

Inilista ko rin ang mga pangalan ng ilan sa mga kagrupo kong walang masyadong ambag. I've already learned from my mistakes before. As a leader, I shouldn't tolerate those free-loaders. They should all be ashamed whenever they let other people carry the burden they had left just because of being irresponsible. Pull your equal share of the weight. We all have school commitments and not all the time, they can enjoy a free ride.

"Ang init init talaga pota! Heat stroke ang abbutin nito!" walang tigil ang ilan sa pagrereklamo.

Sa apat tuloy na grupo, kami ang pinakahuling natapos.

Masyado nakakapagod ang mga subjects sa second semester. Puro iyon computation subjects at applications. Minsan nga ay nakakatulugan ko na ang pagvi-video call ko kay mama tuwing gabi sa sobrang pagod ko.

"Baby, how's your sched?" pang aasar sa akin ni Silas.

Mukhang narinig naman ni Lake na nasa likuran namin iyong sinabi niya kaya't panay ubo ito na halatang sinasadya niya naman.

“Ayos naman,” nahihiya kong sabi pero ang totoo, sa sobrang dami kong gagawin, hindi ko na alam kung anong uunahin ko.

"Are you sure?” I nodded at his question. 

"Where do you want us to go after class?"

"Library, dating gawi kaya huwag na muna tayong sabay umuwi."

"You no longer want a study date?" nag iba ang tono ng boses niya, halatang nagtatampo.

"May commitment ka pa after class diba? Nadagdagan ang tutoring class mo kaya doon ka mag-focus," paalala ko sa kanya. 

"It's just four times a week so we could probably review and date from Friday to Sunday."

Sinamaan ko ng tingin si Lake na nakaupo sa bench sa likuran namin dahil kanina pa ata siyang nakikinig kahit na hindi naman siya kasali sa usapan. Paniguradong pagchi-chismisan na naman nila ni Raf ang love life ko. Chismis din siguro ang rason kaya madalas na silang magkasundong dalawa.  

"Gusto ko munang mag-review mag isa. Ayokong makaabala sa schedule mo."

Nag iwas ako ng tingin dahil masyado siyang makulit. "You're already part of scheds, Felice. I will always make time if you need me."

"Ehem! Ang daming langgam, pre! Kinagat na ata ako sa singit," patay malisyang sambit ni Lake habang nagkakamot sa katabing si Eryhx na kanina pang busy sa pagte-text.

"Kinagat ka rin ba idol?" natatawang tanong niya sa akin na hindi ko na lang pinansin. 

Mas lalo siyang natawa nang mag-middle finger si Silas sa harapan niya bago ito umalis. Akala niya ata ay hindi ko iyon nakita.

Mabuti na lang at sinunod ni Silas ang sinabi ko at umuuwi siya nang maaga para tutoring class niya. Bihira kaming magka-grupo sa isang subject. Madalas, si Eryhx ang nakakasama ko sa library para tapusin ang apat naming pending lab reports. It seems like he was in a good mood too. Madalas ko siyang nakikitang nakangiti habang nagtitipa ng mensahe sa cellphone niya…which I found quite unusual. 

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon