Chapter 30

181 10 0
                                    



Chapter 30


"Are you sure you wouldn't tell him?"


Tulala ko sa kotse habang nagmamaneho si kuya Ajax. Bigla kong naalala iyong masayang mukha ni Silas na bumungad sa akin noong isang umaga. Hindi ko na namalayan ang sarili kong umiiyak dahil ngayon pa lang ay nangungulila na ako sa presensya niya. But then, after thinking of this decision for a hundred times already, it was the best thing that I could do. Natatakot akong kapag sinabi ko iyon sa kanya, pigilan niya ako.

I promised him that we'll go through it together, but I failed to fulfil it again.

"Opo kuya...Wala akong lakas ng loob para kausapin siya," sagot ko at mabilis na pinahid ang luha mula sa mga mata.

Tumingin ako sa labas ng kotse habang nadadaanan namin ang naglalakihang mga puno papunta ng airport.

I told myself that I wouldn't cry right now but still, I failed. Kaya nga hindi na pinasama pa ni ate Dely si Zosia sa airport dahil alam niyang hindi iyon titigil sa pag iyak. She was a very emotional person. Magdamag nga siyang umiiyak kagabi habang tinutulungan akong mag ayos ng mga bagahe ko. Kung ano ano rin ang paalalang sinabi niya sa akin dahil masyado akong mapapalayo sa kanila.

"Do you want to eat first? We're still early for your flight."

Tumango ako sa sinabi niya bago kami huminto sa isang malapit na fast-food chain at nag take out na lang ng orders dahil masyadong maraming tao.

Nang makabalik kami sa kotse, doon ko lang naalalang ibigay sa kanya ang atm card ko.

"Birthday ni mama ang pin number ko,"

Kunot noo niya iyong tinanggap. "Why are you giving it to me again?"

"Nandyan lahat ng ipon ko, kuya. Alam kong kulang pa 'yan para sa lahat ng tulong mo sa akin mula sa hospital bills hanggang sa pagpapalibing kay mama. I just want to pay you back."

Gaya ng inaasahan ko, hindi na naman niya iyon tinanggap. I just secretly left it inside his car dahil ayoko ring maging pabigat sa kanya. Gusto kong magsimula ulit at makaipon. I want to repay his kindness. Dahil kung hindi dahil sa kanya, mas lalo akong mahihirapang makausad.

"I will follow you this week," sambit niya na siyang may bitbit ng mga bagahe ko.

"Hindi na kailangan, kuya. Kayang kaya ko ang sarili ko doon."

"No more buts, Felice. I'm going to check if you're staying in a comfortable apartment. Just wait for me there, alright?"

Wala akong ibang choice kung hindi ang tumango. Kahit na huli na nang makilala namin ang isa't isa, palagi niya pa rin akong inaalagaan katulad ng pag aalaga ni mama sa akin. It was only my family and Eryhx who knew that I was leaving today. My other friends had no idea about it. Siguro ay kapag nakarating ako ng Japan, doon lang nila malalaman.

Sana lang ay maintindihan nila ang desisyon ko dahil hindi rin madali sa akin ang mga nangyayari. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko kay kuya Ajax. Through his support, I suddenly have a little strength to continue. Kahit na paulit ulit kong itinatatak sa isipan ko na kaya ko ang sarili ko, hindi ko pa rin maiwasang mag alala. I was suddenly embraced by fear because I don't exactly know the life waiting for me there.

Nakapag usap na kami ni Mrs. Sarmiento noong isang araw. She told me everything about my scholarship. She will funded everything and when I already got my licence, I will work on their company. Mabuti na lang at sa dinami rami ng mga estudyanteng naghahangad ng ganitong klaseng oportunidad, binigyan niya pa rin ako ng pagkakataon. Hindi ko alam kung anong klaseng lakas ng loob ang ginawa ni Eryhx para kausapin ang mommy niya tungkol sa sitwasyon ko. I was a lot thankful to him too.

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Onde histórias criam vida. Descubra agora