Chapter 18

174 7 0
                                    

Chapter 18

Noong mga sumunod na araw, buong akala ko ay kukulitin ako ni Silas at ipapaalala iyong ginawa ko sa kanya. I never thought that I would be the one to do the first move and kiss him. Maybe, that was just the effect of the wine I took. It seems like he already forgot what happened during that night too. Sa sobrang kalasingan niya siguro, nawala na iyon sa memorya niya.

Sana nga ay gan'on na lang ang nangyari.

He was busy reviewing for the Statics Jeopardy Quiz Bee together with Erhyx. Samantalang ako naman ay tinulungan si Raf para sa date nila ni Lake mamaya.

"Baka naman mukha akong tanga sa pulang wig na 'to, bakla. Be honest lang ha. Huwag mo akong echosin," sambit niya habang nandito kami ngayon sa washroom, sa harap ng isang malaking salamin.

"You look good on it, Raf. Mas maganda ka pa nga sa akin." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Nako, tantanan mo na ako, bakla. Nagkahiwalay lang tayo ngayong academic year, lumevel up ka na sa pambobola."

Napatingin ako sa kabuuan ng ayos niya at hindi naman ako nagsisinungaling. She looks good in the uniform she wore. Mabuti na lang talaga at naaprubahan na iyong petition na payagan ang pagko-cross dress. Bagay na bagay sa kanya iyong black checkered na palda at long sleeve na uniform ng Summerville. Habang hinihintay ko siyang mag ayos, nag-text sa akin si Lake at tinatanong kung nasaan na raw kami.

Mas lalong nag higpit iyong daddy niya at nagpadala pa ng mga tauhan niya rito para siguraduhing susunod si Lake sa lahat ng gusto nila. Habang nililibang ni Rasha iyong grupo ng mga lalaki, tinulungan ko siya papunta ng back gate. Naghihintay doon si Lake na gamit naman ang motor ni Silas.

"Bye, bakla! Bibilhan na lang kita ng pasalubong."

Naging weekly routine ko na rin na tulungan silang tumakas at magcut ng klase. Mabuti na lang at kahit nahuhuli si Lake sa ilan sa mga lessons ay nahahabol niya iyon. He was helping Raf too para sa sunod na academic year, magkakasama na ulit kami.

"Ang lakas talaga ng kapit mo 'no?" 

Hindi ko inaasahang lalapitan pa rin ako nina Afia during our lunch break. Ilang beses na silang iniiwasan ni Silas kaya iyon siguro ang rason kung bakit mas lalo silang nagalit sa akin.

"I overheard Eryhx and Sir Palagui's conversation yesterday. He mentioned your name to be his replacement for the quiz bee. Do you think it's too unfair, Felice?" Cornelia stated while her arms crossed.

Kumunot naman ang noo ko dahil wala akong kaalam alam sa mga nangyayari. At ano kamo? Ako? Replacement ni Eryhx? It was too impossible. I haven't done an advance review at kung ako siguro ang papalit, matatalo lang ang block namin.

"Still acting innocent but the truth is, you probably beg Eryhx to give you the spot. Alam naman nating parehong mas magaling si Cornelia kumpara sa'yo," dugtong pa ni Afia kaya't mas lalo akong nainis.

Mabuti na lang at nagagawa ko pang kontrolin ang sarili ko. They always see me as someone competitive. Kahit na ang totoo, hindi naman ako nakikipag pagalingan sa kanila dahil hindi naman sila worth it ng oras ko. 

To confirm if what they were saying was true, pinuntahan ko si Eryhx. He's been skipping afternoon classes—palibhasa'y puro mga minors iyon. Buong akala ko ay may iba pa siyang pinagkakaabalahan pero sinabi sa akin ni Rasha na sa infirmary siya tumatambay at doon madalas na natutulog. Naabutan ko pa siyang umiinom ng tubig. 

He looks pale too at mukhang ilang araw na ding walang maayos na tulog.

I was about to turn my back and just leave because I might disrupt his resting time if he didn't call me. 

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat