Chapter 6

223 9 0
                                    


Chapter 6

"Bakla, spill the tea naman. Nag away ba kayo ni Silas?" pagchismis agad ang bungad sa akin ni Raf hindi pa man ako nakakaupo.

Napasulyap ako kay Silas sa likod na bumalik na sa dati niyang pwesto. Nagtama ang paningin namin pero siya mismo ang kusang umiwas. Hindi ko alam kung anong problema niya at himalang tatlong araw na siyang hindi nangungulit o hindi kaya naman ay basta basta sumusulpot.

"Hindi ko alam," malamig kong sagot bago naglabas ng binder.

Maybe, he just realized that I'm not worthy of his effort. It was actually a good thing. My college life would finally be at peace.

Bukod sa hindi pamamansin, ramdam kong lumabas din ang totoo niyang kulay.

He was indeed competitive.

"Your topic is too common. It's not worth the effort," komento niya matapos humingi ng feedbacks ang professor namin mula sa ibang grupo para sa topic proposal ngayong araw.

Our group decided to centre our research in the evolving ecommerce. I just noticed that many business owners had switched from traditional into digital marketing. There might be lots of related research papers already but ours were different from them. Mabuti na nga rin na madali dahil kung pipili kami ng topics na komplikado, ako lang din ang mahihirapan.

Among my five members, sa tingin ko kasi ay si Sadie lang ang madalas kong maaasahan.

Hindi lang 'yon ang ginawa ni Silas sa akin. Nang mapunta ang papel ko sa kanya nang magcheck kami ng dalawang quizzes, he purposely mark some of my answers wrong. Nahihiya akong lumapit sa prof namin na medyo strikta at masungit. Good thing, Raf was there to back up. Matapang niyang isinumbong si Silas.

He was just given a warning but he didn't even apologize to me because of what he did.

"Tama lang talaga na magpakipot ka muna, bakla."

Mabuti na lang at may natitira pa akong swerte sa katawan. Mas gugustuhin ko pa kasing buhatin ang ilan sa mga grupo ko kaysa makasama siya. If we belonged to the same grouping, nasisigurado kong maiinis lang ako lalo.

Sa loob ng dalawang linggo, ramdam ko na kaagad ang bigat ng second semester. Mahilig magpa-collaborative work ang ilan sa mga profs ko ngayon kaya mas lalo akong nahihirapan. If all the given projects and final outputs were individual, sa tingin ko ay mas mabilis pa akong makakatapos.

"Bagsak tayo nito Felice. Bakit ba naman kasi parehong kaliwa ang paa mo?" kanina pang nagrereklamo si Comet dahil siya ang naka-partner ko sa cariñosa.

Folk dance pa nga lang, nahihirapan na akong itawid. Dumagdag pa ang modern dance at ballroom. Bakit ba naman kasi kailangan pa ng subject na PE sa kolehiyo? Required bang magsayaw ng tinikling habang nasa construction site?

Nakakainis.

"Sorry, isa pang praktis," nahihiya kong sambit. Nagkamot muna siya ng ulo niya bago ako pinagbigyan pero hirap na hirap pa rin akong makuha ang isang simpleng sayaw.

"Tama na, naiiyak na ako."

Natatawang lumapit si Raf dahil sa sinabi ni Comet na ngayo'y masakit na ang paa dahil kanina ko pang natatapakan.

"Tingin nga ng iyak," pang aasar niya pa.

"Wala akong panahon sa'yo baklang kanal."

"Hello? Ako baklang kanal? Hindi mo ba alam kung gaano ka-expensive ang buong pagkatao ko?"

Hindi ko na pinakinggan pa ang sunod nilang pagtatalo dahil umalis na ako para magpalit ng white T-shirt. Bukas na ang presentation pero hanggang ngayon, hirap na hirap akong masaulo iyon.

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Where stories live. Discover now