Chapter 4

237 7 2
                                    

Chapter 4

Sa sobrang bilis ng takbo ng oras, hindi ko na namalayan na isang buwan at kalahati na pala ako rito sa Summerville. Magmula nang mag stay ako sa dormitory, hindi pa ako nakakauwi pero binibisita naman ako nina mama at ate Dely. Hindi pa ulit nakakapunta rito si Zosia dahil mas mauuna ang prelim niya. Mabuti na rin iyon dahil magpang abot pa silang dalawa ni Erhyx.

"Bakla, bawal absent sa birthday ko, ha. Magtatampo talaga ako!" nakatatlong ulit na sa akin si Raf magmula kahapon dahil hindi niya pa raw ako naririnig na umoo.

Tinanong ko sa kanya kung sino ang mga invited pero sinabi niya sa aking ako lang daw at ilan sa mga kakilala niya sa 1104. Hindi naman ako naniniwala dahil mukhang may iba pa siyang iimbitahan.

"Wala ka ng pwedeng irason dahil after prelims pa 'yon. Basta pumunta ka ha!"

Kahit na humindi ako, paniguradong kakaladkarin niya pa ako palabas ng dorm ko para lang sumama. Wala tuloy akong choice kahit na first time ko lang maging invited sa birthday celebration ng hindi ko relative.

"At isa pa bakla, wala ka bang balak sagutin si Silas? Tiba tiba ka na dyan oh! Bukod sa gwapo, napakagoal oriented pa."

She was indeed right. Silas was a total package. Kahit kalikutin ko man ang isip ko, hindi ko mahanap ang rason kung bakit niya ako nagustuhan o kung may gusto nga ba talaga siya sa akin.

A lot of girls are drooling over him pero mas pinipili niya pa ring bumuntot sa akin kahit na paulit ulit kong sabihin na hindi ko siya sasagutin dahil wala akong balak na magka-boyfriend.

Panay text din siya sa akin kaya binlocked ko ang number niya. Itinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa pagrereview para sa preliminary exams namin. Worth it naman lahat ng pagod at hirap ko dahil naipasa ko lahat ng 'yon.

"Akin na kasi 'yan!"

Nagliligpit ako ng gamit ko nang makita kong nagtatalo na naman si Raf at Comet sa tabi ko.

"Magkano nga ulit 'tong calcu mo?" tanong ni Comet na halatang nang aasar na naman.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa dahil para silang mga batang nagtatalo.

"3k lang. Oh anet happy kana? Chupi! Ikaw talaga talaga ang malas sa buhay ko!"

Napalingon ako sa sobrang lakas tumawa ni Comet na halos mamatay na kakahawak sa tyan niya.

"Ampota! Calcu mo 3k, score mo 3/50. Match na match ah!"

Ako na mismo ang umagaw sa calculator ni Raf at inilagay 'yon sa bag niya. Noong isang araw pa kasi ako naririndi sa kanilang dalawa.

"Oh tapos? Nugagawen?"

"May future ka nga. Future Engr-ibird nga lang."

"Whatever! Oh ito para sa'yo, hanapin mo ang pakealam ko!" nag middle finger si Raf sa harap niya.

Nang matapos ang pagtatalo nila, pareho na kaming lumabas ng classroom para magpunta ng mall dahil magpapasama siya sa akin. Hindi ako makatanggi tutal birthday niya naman sa Sabado.

"Bawi ka na lang. May midterms pa naman," nang sabihin ko 'yon bigla siyang tumawa nang malakas.

"Ikaw ba talaga 'yan, bakla? Feeling ko tuloy, frenny mo na talaga ako!"

Isinukbit niya ang kamay niya sa akin habang naglalakad. Walking distance lang naman ang pupuntahan namin kaya't naglakad na lang kahit naka 1 inch na sapatos ako.

"Anyway, hindi naman ako malungkot kasi lowest ako sa prelims. Malayo naman 'yon sa bituka, bakla! At isa pa, kasalanan ko naman. Tamad na tamad ako magreview plus nagkatampuhan pa kami ng ka-study buddy ko. Naiistress ang bangs ko sa engineering. Parati ko na nga lang gina-gaslight ang sarili ko na masaya ako sa course na 'to pero ang totoo nyan bakla, sukang suka na ako."

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Where stories live. Discover now