Chapter 7

214 11 7
                                    

Chapter 7

"Anong gusto ng partner ko? Libre ko na," pangungulit sa akin ni Comet matapos ang presentation namin kanina.

The scores weren't revealed but he was overconfident that we got the highest. Wala naman na sa akin kung mataas ang marka o hindi. Ayos na sa akin na makatapos ng isang gawain lalo pa't mahirap para sa akin ang subject na PE.

"Si Raf na lang ayain mo," sagot ko bago dumerecho ng locker area para kumuha ng T-shirt. Kanina pa kasi akong nangangati sa suot kong saya na binili ko pa sa malapit na ukayan.

Isang beses lang naman gagamitin kaya hindi ko na kailangan bumili pa ng mamahalin.

Matapos kong makapagpalit, bumungad kaagad ang sigaw ni Raf na mukhang nakalaklak na naman ng sampong enervon.

"Bakla, nood tayo basketball dali!" Hinihila niya ang kamay ko kahit na hindi ako interesadong makipagsiksikan at maingayan sa gymnasium.

"Kikitain ko si Erhyx," gulat naman siya sa sinabi ko.

"Nako! Kaya pala highblood ang papi Silas, sa tropa ka pala niya interesado. Ikaw ha!" Sinundot sundot niya pa ang tagiliran ko. "Si Eryhx ba ang crush mo?"

Napailing na lang ako sa panunukso niya.

"Sige na bakla. Mag ingat ka ha?" Nagbeso siya sa akin katulad ng nakagawian niyang gawin.

"Mag ingat ka rin."

Habang naglalakad ako sa may hallway, maiingay na babae ang nakakasalubong ko. They were too excited for the Architecture and Engineering basketball match. Kaya rin siguro wala kaming klase ngayong hapon ay dahil karamihan sa mga kablock ko ay nasa gym para maglaro. Sa dinami dami ng banners, puro pangalan ni Silas ang nakikita ko.

Raf was indeed wrong when she told me that Silas was jealous of Eryhx. Maraming mga babae sa ibang block ang nagkakandarapa para makuha ang atensyon niya kaya't mas kapani paniwalang nakahanap na siya ng bagong makukulit.

Mabilis akong nakarating sa meet up namin ni Erhyx. The place was just a walking distance from the university. Pumwesto ako sa pinakadulong table kung saan wala masyadong tao. After five minutes, nagpanagpo ang mga mata namin. May hawak na siyang pagkain na mukhang kakatapos lang mag order.

Nagulat naman ako sa dala niya. It was my favorite caramel coffee and strawberry cheesecake. I suddenly wonder kung paano niya 'yon nalaman.

"Konti lang ang free time ko. Kailangan ko pa maglaba," I shyly replied just to indirectly tell him that we wouldn't need to talk for too long.

Kapag may nakakita pa sa amin na magkasama, baka kung ano pang isipin ng ibang tao. Mabuti na nga lang at busy halos lahat ng estudyante dahil sa nagaganap na basketball game ngayon. I knew how much Eryhx hated the spotlight—the same way I do.

He sipped a cup of brewed coffee in front of me. Iyon lang inorder niya.

"Your cousin even used your favorites," he exclaimed pertaining to what he ordered for me.

Buong akala ko pa naman ay kakalimutan na namin ang pangyayaring iyon pero hindi pa rin pala.

"Anong gusto mong pag usapan?" derecha kong tanong dahil nagsisimula na akong mailang sa tingin na binibigay niya sa akin.

"You should eat first," alok niya.

This is not him. Madalas pa siyang pulaan ni Raf dahil tahimik siya at walang kibo. Pero ngayon, naninibago na naman ako sa mga pinapakita niya. Ayoko mang mag assume pero mukhang alam ko na kung ano ang patutunguhan ng usapan naming dalawa.

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Where stories live. Discover now