Chapter 32

166 10 1
                                    


Chapter 32


"So, kamusta naman ang mga sex life niyo mga bakla?" Nasamid ako sa iniinom ko dahil sa tanong na 'yon ni Raf.

Like what I had planned, I'll spend a week here in Spain. Uuwi lang ako ng Pilipinas kapag lumabas na ang resulta ng board exams ko. If I ever fail, I'll spend another couple of months in Japan to review and retake.

"If Eryhx wasn't using any protection, I'm surely pregnant during my college days," It was Carys, who always seemed to be in a good mood.

"Saganang sagana ka pala sa dilig, bakla! Sa'yo na talaga ang korona!" natatawang sabi ni Raf.

"Sus, mga galawan mo talaga Rafiel. You just opened that topic so we can ask about your honeymoon. Ano, malaki ba?" si Kamila ang nagtanong.

"Of course, papakasalan ko ba kung hindi."

"Iba talaga ang nagagawa ng kulam. Tutorial naman dyan. Maybe, it would work for me too," pabirong sabi naman ni Becca.

"No. Bahala kayong mamatay sa inggit."

I couldn't relate to them since they were talking about matured topics. Nandito pa rin kami sa hotel at napagpasyahang magkakasamang kumain. I was just listening to them the whole time because I didn't have anything to say. Maya maya pa ay napansin na ni Unice ang pananahimik ko.

"What about you, Felice? Haven't you dated anyone when you were in Japan? Kahit fling lang?"

Napunta lahat ng atensyon nila sa akin. Napatigil tuloy ako sa pagkain ng pasta dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanila.

"Well, tinatanong pa ba ang obvious, bakla? Syempre hindi!"

"Oh, don't tell me you're still in love with Silas after all these years?" dugtong na tanong ni Becca.

"Well, who wouldn't? He already got everything. Board exam top notcher pa. Right, Felice?"

Gustuhin ko man silang sagutin o kausapin, hindi ko na 'yon nagawa nang mahagip ng atensyon ko si Silas na ngayon ay kausap sina Lake at Eryhx habang naglalakad papunta rito sa direksyon namin.

"Ang sakit ng tyan ko. Natatae na ako," mabilis akong umalis sa harapan nila.

"Bakla! Alam ko na 'yang mga galawan mo!" hiyaw pa ni Raf pero hindi ko siya pinansin.

I'm just too ashamed because of what happened the other night. Hindi ko kayang makita ulit ako ni Silas dahil baka maalala niya lang iyong hitsura ko noong nakita niya akong sumasayaw. I couldn't get near him too dahil pakiramdam kong mauubusan na ako ng hininga.

Sobrang lawak naman ng hotel kung saan kami nakacheck in pero pakiramdam ko pa ring sobrang liit noon dahil madalas ko siyang nakakasalubong. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya iiwasan. It seems like he's not interested in talking to me either. Dahil kung nami-miss niya ako, siya na mismo ang gagawa ng paraan para lapitan ako katulad ng kung gaano siya kakulit noon para makuha ang atensyon ko.

"You can't avoid him for a lifetime, Felice."

Napatigil ako sa pag iisip dahil sa sinabi ni kuya Ajax. Dito ako tumambay sa kwarto niya habang may pinagkakaabalahan siyang trabaho kaharap ang laptop niya. He was too observant to the point that he'll discover on his own how much I'm trying my best to avoid Silas.

"Nahihiya lang ako, kuya...Alam kong galit siya sa akin."

"How would you know if he's really mad if you keep wasting the chance to talk to him?"

Infinite Probabilities (Engineering Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon