Chapter 1.

1.2K 29 0
                                    

Lavander’s POV.

Nakasimangot ako habang nanood ng tutorial sa youtube. Kanina pa ako nandito ngunit hindi ko pa rin alam kung paano mag-bake ng cookies. I am literally here in the kitchen for one hour now! And still! I cannot even follow this f*ckin’ tutorial! Ang hirap! Why would they make this when it is literally hard?!

Padabog kong binaba ang tablet ko sa counter. Tumayo ako ng tuwid saka ginulo ang buhok. Kanina pa ako na-f-frustrate rito. I just want to make cookies to eat! Wala si Ate Lisha rito dahil may pinuntahan daw siya, kaya ‘eto, I’m the only one left here in this big freaking mansion! Argghh! I hate this!

Pwede naman akong lumabas at bumili ng cookies o hindi kaya magpa-deliver o utusan ‘yong pangit na kapatid ko, ngunit gusto kong gumawa ng sarili ko. Tinatamad din akong lumabas, mag-order, o mang-utos. I’d rather make it myself. I thought it will be easy, but I was wrong. Literally wrong. Sobrang hirap pala for a small cookie. Grabe!

Nakakunot-noo kong inilibot ang aking paningin sa paligid. Napapikit ako nang makita na parang dinaanan nang bagyo ang buong kitchen. Ang harina ay nasa sahig, sa ref, sa pader. Ang mga itlog ay kung saan na napunta. Binabato ko ang mga iyon dahil nga nairita na ako. May napunta pa nga sa kisame, eh. Ang ibang mga kagamitan ay nagkakalat na rin. Tiningnan ko ang sarili ko. Sobrang dumi ko na. Ang aking itim na damit ay may harina kahit naka-apron ako. May mga itlog rin sa tsinelas ko.

Huminga ako ng malalim dahil ayaw kong magalit ng husto dahil baka ano na naman ang mangyari. Gaya noong una ay hindi ko napigilang mahampas si Lucas sa pader kaya ‘ayon, nawalan ng malay. Dumugo pa nga ulo niya. Mabuti na lamang ay masamang damo iyon kaya hindi namatay. Tinawanan pa nga ako pagkagising niya na para bang walang nangyari. Nakabenda ang kaniyang ulo pero baliw pa rin. Mas lalo siguro siyang nababaliw dahil sa nangyari. Palagi niya akong inaasar kaya minsan sa kaniya ko talaga nabubuntong ang galit ko. Palagi ko siyang nasasaktan, pero ang baliw, parang wala lang. Tawa lang nang tawa. Hindi ko talaga alam kung kanino siya nagmana. Baka may kalahi kaming baliw at doon siya nagmana. Well, nagsasakitan naman talaga kami kapag wala kaming ibang magawa, pero siya ang baliw. Pang-mental talaga.

Kung magtatanong kayo kung nasaan ang kapatid ko. Aba’y ewan ko. Baka nasa mental na. Kung saan-saan kasi iyon pumupunta na akala mo talaga bago lang nakalabas ng kulungan. Live life raw to the foolish. Eh fool na nga siya, e-f-foolish pa niya? Baka mamaya nakikigulo na naman iyon sa may gulo. Gano’n naman siya palagi, eh. Palaging nasasali sa gulo. Basagulero ang hayop na iyon. He is a playful kid and I don’t like it!

Huminga muli ako ng malalim para pakalmahin ang aking sarili bago bumalik sa ginagawa. I focused myself while watching the tutorial. Hindi ko alam pero parang na-g-gets ko na siya kaya nagsimula ulit akong mag-bake. I did the mixing and whatsoever. Sinunod ko lahat ng turo ng babaeng nag-t-tutorial. I am already sweating but I didn’t bother. I wanted to know how to make this as long as possible because I want to make cookies for myself every single time when I will crave for it. Kahit naman ito lang ay marunong ako. I am not used in baking. Yes, I cooked. But, I only cooked fried food. Hindi naman kasi ako marunong sa may sabaw. Baka maging maalat pa o hindi kaya matabang. Ayoko no’n.

Napangiti ako nang magawa ko ang lahat ng pinapagawa. Nakangiti kong kinuha ang cookies sa oven. I smelled it. Tila kumalam ang aking tiyan dahil sa bango ng cookies.

Nang mailapag ko ang pagkain sa lamesa ay agad ko na itong nilantakan, hindi inatubiling maghugas ng kamay o hindi kaya maglinis man lang sa sarili. Gutom na gutom na ako. Actually, kanina pa kasi ako nagugutom pero hindi ko naman alam na matatagalan pala ako. Tsk! At least it turns out great, right? Masarap ang pagkakaluto ng cookies ko. Even though it’s not that yummy like what Ate Lisha made, but who cares. At least I successfully made cookies for myself.

Unknown Connection (Completed).Where stories live. Discover now