Chapter 11.

508 19 0
                                    

Lavander’s POV.

I smiled when I entered the bookstore. I love the smell of books. It comforts me. It makes me excited. I really love books, fictional books. Ayaw ko no’ng hindi fiction. It is so boring at hindi pumapasok agad sa aking utak. Hindi gaya ni Lucas na nagbabasa no’n. Kapag nasa library kami ng bahay ay nagbabasa ako ng fiction while he, algebra books and others. Kaya siguro sobrang talino niya despite being a basagulero.

Nandito ako sa mall kasama si Fiara, Evianna at Elisha. Nag-s-shopping kami dahil wala kaming training ngayon and it is Sunday. Ewan ko nga kung bakit kami walang training ngayon. Kaya napag-isipan nalang namin na maggala. Bakit wala si Lucas? Well, girls bonding kasi ito. Malamang hindi siya pwede. Kaya pupunta nalang raw siya sa mga barkada niya at maglalaro nalang daw sila ng basketball. Maniwala ako. Alam kong makikipagbasag-ulo na naman iyon.

Malaki ang ngiti ko habahg naglakad papunta sa mga libro. Ang laki ng bookstore na ito at halos luluwa na ang mata ko sa aking nakikita. Gosh. Heaven!

Naglakad ako papunta sa mga fiction books. Mas lumaki ang ngiti ko nang makitang maraming nakahalerang libro roon. May nababasa na ako at may hindi pa. Some of them are old and some of them are new. Probably kaka-publish pa lang.

Nagsimula na akong tumingin ng pwede kong bilhin at nilagay sa parang basket na hawak ko. Hindi na nilingon ang ginagawa ng tatlong kasama ko. I know that they are bored because they thought that books are boring. Well, not Elisha. Narinig ko siyang tumili at ang tunog ng kaniyang mabibilis na yapak. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay alam kong tumatakbo siya.

I love fantasy, vampire, and wolf genres. Kaya nang makakita ng ganoong genre at may interesting ang plot ay kinuha ko. Even though I love those kind of genres, I usually read romance. Romance gave me knowledge about love, how love really works, and what love really is. Kahit na single ka ay mararanasan mo pa rin through imagination. Lalo kapag R18—ehem!

I really love reading fictional books. Hindi lang sa may matutunan ako, it can make me escape the ruthless and painful reality. It is my comfort zone. Sa tingin ko nga ay walang makakapagtigil sa akin magbasa ng kwento. Well, that is my hobby. And I love my hobby so much.

While I was picking, bigla akong may napansin sa pinakatagong parte ng library kaya napalingon ako roon. Kumunot ang noo ko nang makitang wala naman kung ano roon. Umiling na lamang ako at akmang pipili na ulit ng libro nang may makita akong parang snowflakes na nahuhulog roon kaya napalingon ulit ako. Nagtaka naman ako sa aking nakita. Wait? Snowflakes? Snow?! Eh, wala namang snow rito sa pilipinas. At hindi naman gaano kalamig ang air conditioner para magka-snow.

 

 

Gusto ko mang baliwalain ang nakita ay hindi ko magawa. Parang may nagtutulak sa akin na pumunta sa gawing iyon. At iyon nga ang ginawa ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kinaroroonang iyon. Alam kong walang tao roon kaya nakakapagtaka lang bakit pakiramdam ko na may tao.

Nang makarating ako roon ay tama nga ako, walang tao. Ang tanging nakita ko lamang ay ang mga books na sobrang luma, ang pader at ang air conditioner. Malamig siya pero hindi talaga sapat na mag-snow.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Kumunot ang noo ko nang may makita akong librong kulay puti. Pinanliitan ko ang mata ko nang makitang umuusok ito na para bang kagagaling lang ito sa loob ng freezer. Nilapitan ko ito at nagulat ako nang makitang may maliliit na snowflakes na lumulutang galing roon. What the…

Hindi ko alam kung kukunin ko ba ito o iiwan. Pero parang may nagtutulak sa aking kunin iyon. Nagdadalawang isip man ay kinuha ko iyon. Nanlaki ang mata ko nang parang may biglang pumasok sa aking isipan. At naging puti ang lahat.

Unknown Connection (Completed).Where stories live. Discover now