Chapter 14.

557 16 0
                                    

Lavander’s POV.

“Lavander! Sandali!”

I stopped and glared at Ethan who’s now running towards me. Kakapasok ko pa lamang ng gate ng school ay nagsisigaw na siya. Wala talagang araw na hindi niya akong ginugulo. Parati na lamang niya akong inaasar. Dumadagdag pa siya kay Lucas, Fiara, at kay Tito. Arghh! Bakit ba kasi ako nagkaroon ng pamilyang pamang-asar!

“What?!” Singhal ko sa kaniya. Ki-umaga ang init na ng ulo ko at dahil iyon sa kaniya.

While he was walking towards me, every students who was in the hallway, stopped and looked at him. Nagsimula silang magbulongan o bulungan nga ba ang tawag doon. Eh, ang lakas ng mga boses nila. Even other humans can hear their voice if they’re in my position right now.

“Hala! Sino iyan? Transferee?”

“Oo yata.”

“Gosh! It's Ethan!”

“Oh my gosh! You mean Ethan Molve? The actor and the same time model? Goodness gracious!”

“O EM GHIEEE! Siya nga! It’s Ethan!”

“Grabe! Good choice talagang dito ako nag-college. Nagkakalat ang mga ulam!”

“Gosh! Ang gwapo niya sa personal! Mukha masarap!”

Napairap ako sa hangin dahil doon. Gwapo? Si Ethan gwapo? Mga bulag sila! Baka gusto nilang bumili ng salamin para makita nila kung ano ang istura ng lalaking naglalakad papunta sa akin!

“Oh, ki-aga-aga, Lavander, nakasimangot ka. Smile ka naman diyan, masyado kang seryoso, eh. By the way good morning, my beautiful cousin.” Natatawang bati ni Ethan nang makalapit sa akin bago ngumiti ng matamis sa akin. Narinig kong napairit ang mga estudyante sa paligid. Gusto ko silang sigawan pero hindi ko ginawa. Baka pagkamalan pa akong villain sa mga buhay nila. Pwe!

I just stared at him, not caring about what he said. “What do you want?” I asked him, bored.

Hindi pa rin natanggal ang ngiti sa kaniyang mga labi. Kinamot niya kaniyang batok na ikinataas ng kilay ko. “Eh, hindi ko kasi alam kung nasaan ang Dean’s Office rito, para sana kunin ang schedule ko. Wala kasi akong alam kung saan ang mga lugar na meron dito. Tapos—” I stopped him by raising my right hand.

Binalik ko ulit ang aking braso sa paghalukipkip. “So in short, gusto mo magpasama?”

Ngumiti siya na parang nahihiya sa akin at saka kamot-batok na tumango sa akin. “Please?”

Umirap ako sa hangin saka nagbuntong-hininga. Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad. “Let’s go.” Narinig ko ang pag-yes niya at ang takbo niya papalapit sa akin.

Nabigla ako nang akbayan niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin. He just grinned at me then looked in the front. Narinig kong nagbulungan na naman ang mga estudyante sa paligid; kesyo raw boyfriend ko ba raw siya, magka-ano-ano raw kami, o hindi kaya akala raw nila wala akong boyfriend. Sinamaan ko sila ng tingin na ikinaatras nila dahilan para umirap ako at mag-iwas ng tingin. Grabe talaga ang mga tao ngayon, kaunting galaw lang may issue na. Why can't they just shut their mouth up and keep their opinion inside their f*cking head?! Mahirap ba iyong gawin? Tsk!

Hindi ko na lamang sila pinaringgan dahil masisira lalo ang araw ko. I just pretended that I didn't hear their loud whispers. Gano'n din naman ang ginawa ni Ethan. Ngunit nakangisi ito na parang sayang-saya sa mga narinig. Umirap ulit ako sa hangin.

Unknown Connection (Completed).Where stories live. Discover now