Chapter 31.

584 16 0
                                    

Lavander's POV.

"Bakit nandiyan ka, Grave?" Seryosong tanong ni Ethan sa kaniya. Ngunit hindi niya sinagot nito. Nanatili lamang itong seryosong nakatingin sa amin na tila ba ay hindi niya kami kilala at wala siyang pake kung sino kami.

Nanatili lamang ang aking tingin sa kaniya habang ang bruha ay tumatawa na tila ba'y nasisiyahan sa mga reaksyon namin. Para siyang mangkukulam kung tumawa. And I know that it was her. Siya iyong nagbabala sa amin noong may sumugod sa paaralan.

"Oh my..." tumawa siyang muli na tila ba'y hindi pa rin maka-move on.

"What's so funny?" malditang tanong ni Fiara sa kaniya. Kahit ganoon, alam kong nasasaktan na siya habang nakatingin sa kaniyang nobyo na ngayon ay nasa kabilang panig. She didn't expect him to be the traitor. Well, alam naman namin na may traydor talaga, lalo na ako.

Dahan-dahan tumigil sa pagtawa ang babae at saka tumikhim bago kami nilingon uli habang pinaypayan ang sarili.

"Isn't hot in here?" I know that she was just joking around. Tila ba gusto niya kaming inisin. Well, tila gumagana na nga. I saw my members are getting pissed from what she acted.

"Bobo ka ba? Kita mo namang puno ng yelo ang lugar na ito tapos mainit? Are you trying to piss us off?" naiiritang sabi ni Lucas.

Tumawa itong muli. "Did it work?" nakangising tanong niya.

Nakita ko kung paano naiyukom ni Lucas ang kaniyang kamao dahil sa inis. Hindi ko siya masisisi. Tila ako rin ay naiinis sa mga tinuran niya. This situation isn't even funny. Ang seryoso ng sitwasyon, ngunit siya ay tumatawa. She really want us to be pissed off. It is really funny, big time!

"Give us my son," seryosong ani ko na ikinatigil niya.

Tumayo siya ng tuwid saka inayos ang sarili at ang kaniyag korona. Imbis na sagutin niya ako ay tinalikuran niya kami at naglakad papunta sa kaniyang truno na gawa sa yelo. Humarap siya sa amin saka umupo roon. She looked at us seriously like a queen in kingdom.

"All I thought was tomorrow will be the day of our war, but I didn't expect it to be today. Well, kinda." she smirked. "Buti na lamang ay pumunta kayo rito para mamatay." Hindi ako natinag sa kaniyang pinagsasabi at tumingin lamang sa kaniya ng seryoso.

Ngunit tila hindi yata ganoon ang mga kasama ko dahil bigla na lamang nagsalita si Evianna.

"You wish. Baka ikaw pa ang unang mamatay sa atin dito dahil sa tabas na dila mo!" I know that her and Lucas are short tempered person. Hindi na talaga sila mapipigilan sa katangian na iyan. I should not expect them to be patient.

"Really? Let's see about that," nakangising sagot nito. Parang may kakaiba sa kaniyang ngiti.

Mabilis na may bumulusok na matatalim na yelo papunta sa aming direksyon dahilan upang mapaatras ang mga kasama ko. Nanatili akong seryosong nakatingin sa mga yelo at sa isang iglap ay may pumalibot sa amin na pananggal dahilan para hindi kami matamaan. Tama nga ang hinala ko. She attacked us. Evianna was the one who made the shield. Mabilis naman niya iyong winala nang mabasag lahat ng mga yelong iyon.

"Tangina mo!" sigaw ni Lucas sa kaniya, ngunit tumawa lamang siya.

"I know."

"Iyon lang ang kaya mo? You are weak." Gusto ko yatang takpan ang bibig ni Evianna dahil sa sinabi niya. Gusto niya yatang maglaban ngayon na. Hindi pwede, we need to save my son first.

Imbis na mainis ang bruha ay ngumisi lamang ito ng nakakaloko. "You think?" walang sumagot. Tumawa muli siya at saka nilingon si Grave na nanatiling nakatayo. "I am weak, Darling?" malanding tanong niya rito na muntik ko nang ikinasuka.

Unknown Connection (Completed).Where stories live. Discover now