Chapter 2.

913 24 0
                                    

Lavander’s POV.

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa aking mukha. Tinakpan ko ang aking mukha ng aking unan at pilit na matulog ulit. When I almost sleep again when my alarm rang. Napakamot ako sa aking ulo at pinatay ang alarm saka itinapon ang unan na hawak ko sa kung saan. I let out a heavy sighed before glaring at the ceiling like it did something to me. Nanatili akong nakatulala sa kisame dahil blanko ang aking utak ngayon. Walang pumapasok na kung ano.

Narinig kong may kumatok ngunit hindi ko iyon pinansin. Narinig kong bumukas iyon at may yabag akong narinig papunta sa kinaroroonan ko ngunit hindi ko pa rin iyon pinansin, nanatili akong nakatitig sa kisame.

“Ate.” hindi ko siya pinansin. “Ate.” Still, I didn't bother to look at him. Nandito lang naman siya para guluhin ako. “Hoiii!” sigaw niya habang hinarap ako. Nakapatong siya sa bed ko saka nasa harapan ko ang mukha niya. Imbis na ang kisame ang makikita ko, eh, ang mukha niya ngayon ang aking nakikita. Isa lang masasabi ko… he looks ugly.

“Ano ba?!” Tinulak ko ang kaniyang mukha dahilan para mapalayo siya sa akin at mapaupo sa aking tabi. Pumikit ako. Arrghh! Gusto ko pang matulog.

“Ate, nakatulala ka na naman, eh. Bumangon ka na riyan.” alam kong nakasimangot siya kahit hindi ko nakikita ang mukha niya. I know this side of him. Minsan basagulero, minsan naman clingy, tapos nandoon pa ‘yong makulit na side niya. Hay nako! Saan ba ‘to nagmana? Hindi naman siguro ganito ang mga magulang namin, ano? Baka mababaliw ako kapag gano’n rin sila. Napairap ako sa aking iniisip. As if.

Bored ko siyang nilingon. “What do you want?”

“Anong what do you want? Sister, it is already Monday! May pasok pa tayo!” sigaw niya sa akin ngunit binalik ko lang ang aking tingin sa kisame. Naramdaman kong hinihila niya ang kamay ko. “Tumayo ka na! Baka ma-late tayo mamaya?”

Napairap ako sa sinabi niya. “Really?” tumingin ako sa kaniya saka tinaasan siya ng kilay. Tumango siya sa ’kin. “As if you care.”

“Lavender Faye Vamir, tumayo ka na!” sinamaan ko siya ng tingin nang banggitin niya ang aking buong pangalan. Imbis na matakot siya ay ngumisi lamang siya ng nakakaloko na akala mo ay nasisiyahan siya na makita akong naiirita sa kaniya. Tsk. Baka mapatay ko siya kapag sinasagad na niya talaga ako. Kung hindi lang talaga kita kapatid, nakoooo!

“Akala mo ba mauuto mo ako? You are just going there early because you want to have a fight with your school mates. Lucas. Hndi mo ako maloloko. Wala kang pake kung ma-late. Hindi ka pa nga pumapasok para lang makikipagbasag-ulo sa campus. Tsk! Hindi na ako magtataka na ikaw ang isa sa kinakatakutan sa campus. Paanong hindi matatakot sa ’yo, eh, nakakatakot iyang mukha mo!” mukha siyang unggoy. Po-protesta pa sana siya nang maunahab ko siyang magsalita. “Get out.” kumunot ang noo ko nang makitang nakatayo pa rin siya sa kaniyang kinatatayuan habang nakasimangot habang nakatingin sa akin. “Why are you still there? Get out! Maghahanda na ako!” sigaw ko sa kaniya. Nakita kong lumiwanag ang mukha niya saka mabilis na lumabas sa kwarto ko. Napairap ako. Isip-bata!

Tumayo na ako sa pagkakahiga saka naglakad papunta glass window para isirado iyon. Pagkatapos ay naglakad ako papasok ng bathroom saka ginawa ang daily routine ko. Nang matapos ay sinuot ko na ang damit ko. Our school has no uniform at okay iyon sa akin. Baka matulad ang uniform namin sa ibang school kapag dineclare ng school namin na magkaka-uniform kami, sobrang ikli!

I am wearing a orange long sleeve croptop na pinarisan ng baggy pants. I wore white rubber shoes. I made my hair in a ponytail style. Nag-make-up rin ako ng kaunti bago kinuha ang aking bag at lumabas ng kwarto. Bumaba ako at pumasok sa dining area. Naabutan ko roon si Lucas na kumakain ng pizza na inorder niya kagabi na ako ang nagbayad. Yes! Ako!

Unknown Connection (Completed).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon