Chapter 13.

517 14 0
                                    

Lucas’ POV.

Tatayo na sana ako para sundan ang aking kapatid nang pigilan ako ni Tito sa pamamagitan ng paghawak sa aking pulsuhan. I looked at him while my forehead creased.

“‘Wag mo munang sundan, Lucas. Baka magpapahangin lang iyon. I think she is not ready to hear about your parents yet. Let just give her some time,” sabi niya sa akin.

Bumagsak ang aking balikat at nagbuntong-hininga bago pabagsak na umupo pabalik sa aking kinauupuan. “Hindi ko siya masisisi, Tito. Pati ako’y galit din sa aming mga magulang. Sinong hindi, ‘di ba? They left us without any words. Kahit letter wala man lang,” aniko habang nakatingin sa kaniya ng seryoso.

Nakita kong nagbuntong-hininga siya saka tiningnan ang asawa. Hinaplos siya nito sa kaniyang braso tila sinasabihan na ‘wag mag-alala.

Nagbuntong-hininga siya ulit at tumingin sa akin. “I know. I really know, Lucas. But I have no choice. Hindi ko sasabihin ang rason ng mga magulang niyo kung bakit sila umalis. I know that you have different conclusion with your older sister. But I can't blame you. Hindi niyo alam ang dahilan. I’m sorry,” panghingi niya ng tawag.

Yeah. Hindi namin alam ang dahilan ng mga magulang namin. Kahit anong isipin namin ay wala kaming alam. Hindi niya gustong ipaalam sa amin sa hindi malamang dahilan. Wala siyang sinabi kung bakit ayaw niyang sabihin. Let's just say that he is forbidden to say that. Halata naman and I understand.

“It’s okay, Tito. Just tell me all about them.”

Like we have a choice, right? Kahit anong pilit namin sa kaniya na sabihin ay hindi namin siya mapipilit. Palagi niyang sasabihin na hindi niya sasabihin o hindi kaya’y iibahin niya ang topic. Kaya ito, hindi na ako mamimilit pa. It's still useless. Nagsasayang lamang ako ng lakas. Maghihintay na lamang ako na sabihin nila ang totoo. At maghihintay rin ako sa pagbalik ng aming mga magulang. I know that they will come back. Kahit walang kasiguraduhan but I stayed positive. Kahit sabihin nilang hindi sila magpapakita.

Alam kong kabaliktaran ang iniisip ni Ate sa iniisip ko. She is thinking negative because of her anger and hatred. She thinks that they will not come back. She thinks that they are some useless vampires. Palagi niyang iniiwasan ang topic tungkol sa mga magulang namin. Even though she acted like she is not interested with them, but I can see in her eyes that she wants to know them. Pinipigalan niya lamang ang sarili dahil sa galit at puot. She is building a barrier between her and our parents. Na sakaling pagbalik nila ay hindi niya hahayang magiba iyon sa mga rason nila. Alam ko ‘yon. Alam na alam ko. She isn’t my older sister if I didn't know her.

Nagbuga ng malalim na hininga si Tito habang hindi iniiwas ang tingin sa akin. “You sure you want to know?” tumango ako at nag-yes. Ngumiti siya sa akin ng pilit at akmang magsasalita nang biglang dumating ang aming order kaya natahimik siya.

Tatlong waiter at waitress ang may dala ng pagkain namin. Sa dami ba naman niyon, siguradong maraming pagkain ang na-order ng iba. Lalo na itong katabi kong si Evianna na halos maglaway na nang makita ang pagkain.

“Hoy. Close your mouth. Tumutulo laway mo,” seryoso kong sabi sa kaniya kaya agad niyang tinikom ang kaniyang bibig saka hinawakan iyon. Gusto kong matawa dahil sa ginawa niya. Uto-uto.

Sinamaan niya ako ng tingin nang malamang hindi naman totoo ang sinabi ko. “Bw*sit ka. Hindi naman tumutulo laway ko, eh!” inis na sabi niya saka hinampas ako sa braso ngunit nginisihan ko lamang siya na ikinainis niya lalo. “You—”

“‘Wag mag-away, nasa harap tayo ng hapag. Respect the food, please.” Napahinto kami sa pagbabangayan dahil sa sinabi ni Tita Shantelle. Kaya sinamaan niya ako ng tingin, binilatan ko lamang siya na ikinasimangot niya lalo.

Unknown Connection (Completed).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon