Chapter 18.

535 13 0
                                    

Lavander’s POV.

“Bakit hindi mo binantayan ng maayos?!”

Nandito kami sa loob ng library, nagm-meeting. After what Evianna’s said, I shouted in shock. After that, I remained calm when Lucas said that a lot of police were outside the mansion. Hindi dapat kami pwedeng makita ng mga iyon. We needed to escape from the police. Baka kasi kami pa ang pagkamalan sa nangyayari. At mabuti na lamang talaga’y walang nagtanggal ng maskara sa amin, dahil alam kong habang tumatakbo iyong mga tao palabas ay napapatingin ang mga iyon sa amin. Gaya na lamang kanina.

Umalis kami sa mansion gamit ang aming super speed, sa backyard dumaan. Tinalon namin ang napakataas na bakod doon. Kayang-kaya naman namin. Well, sila lang pala ang tumalon. While Yeron and I, are flying. Hindi ko alam na may abilidad pala siyang ganoon. I still didn’t know what his kinds are. Alam kong half blooded din ito, just like us. Dahil kami naman lahat ay half blooded. Ang alam ko lang sa kaniya ay ang kaniyang pangalan dahil iyon lamang ang nakalagay sa lista ng magiging ka-groupo ko. Siya lamang ang walang nakalagay na abilidad o anong uri siya. It's just his name. Nakakapagtaka. Tinanong ko pa nga iyon kay Tito, but he said he doesn’t know about him. And it's kinda not normal, because Tito tend to know every single thing about us. Except him.

Nang makauwi kami sa bahay ay rito kami dumiretso. Even though they want to sit but I immediately announced that we will going to have a meeting, as in right now. Kasama namin sila Tito na nagtatakang nakatingin sa amin. Paano ba naman kasi, nakayuko ang lahat habang ako ay seryosong naglalakad sa hagdanan, not minding them. Nagtanong pa si Tito kung anong nangyayari, but no one answer him.

Nang makaupo na ang lahat sa kani-kanilang upuan ay mabilis akong nagsisigaw at nilabas ang galit na kanina ko pa pinigilan dahilan para magulat sila at mapaigtad. Tito, Lucas, and Tito Shantelle were trying to stop me, but I didn't even budge. Sa sobrang galit ko ay nagulo ko ang lahat ng mga libro sa paligid. I even kicked the shelves and it literally ruined. Kaya hindi na nila ako pinigilan dahil wala naman silang magagawa.


They know when I am angry. They literally know! Alam na alam nila kung paano ako magalit. Alam nilang hinding-hindi nila ako mapipigilan. Wala silang laban sa akin kapag ako na ang galit dahil makakapatay talaga ako ng kung sino kapag mas lalo nila akong ginalit. Kilalang-kilala ako ng pamilya ko at kung paano ako magalit. Minsan lamang akong magalit pero delikado kapag andiyan na. Well, hindi naman alam ng lahat ng ka-groupo ko kung paano ako magalit, except kay Lucas.

“L-Lavander k-kasi—” I cut Evianna's word.

“Kasi ano?! Didn't I told you to protect him? To keep an eye on him?! Bakit nawala?! You have the power to protect him, Evianna! Paano siya nawala?!” I shouted again making her bowed her head. “He is important to us, Evianna! He is our mission! Pinagkatiwala ko siya sa ‘yo, because I know you can protect him! What happened?!” Nanginginig ako. Gusto ko siyang saktan ngunit pinipigalan kong gawin iyon sa kaniya. I know what I can do if I will hit her. Hindi na ako hihinto pagkatapos. Pumikit akong muli dahil nag-uumapaw ang galit ko nang marinig ko ang hikbi niya. Sumigaw muli ako at pinagtatapon ang lahat ng libro sa ire. Lalo kasi akong naiinis sa bawat hikbi niya. “Why are you crying? Pinapalabas mo bang ako ang masama rito at ako ang may kasalanan kung bakit siya nawawala? Wow ah! Akala ko ba independent ka? Akala ko ba malakas ka? Akala ko ba you can do it on your own because are a powerful woman?! Don’t tell me sinumpong ka na naman ng pagka-man hater mo kaya hinayaan mo siya? Grabe ka talaga, Evianna!” malakas kong sigaw na ikinaigtad ng lahat.

Nanatiling nakatingin sa akin ang lahat. Walang gustong umimik. Pati si Tito, Tita, at si Ate Lisha ay tahimik na pinapanood ako.

“H-Hindi ko sinabing ikaw ang may kasalan, Lavander.” tumaas ang kilay ko at matalim na binalingan ng tingin si Evianna na ngayon ay malungkot na nakatingin sa akin. “Yes, I am independent and strong, but that doesn’t mean that I won't cry. I still have feelings, Lavander. Nasasaktan din naman ako kahit ganito ako. I’m not like you who’s strong as steel. Na kapag may masakit na nangyari ay hindi iniiyakan. I am not like you. N-Now, p-please listen to me first,” pumiyok siya habang sunod-sunod ang paghulog ng kaniyang luha.

Unknown Connection (Completed).Where stories live. Discover now