Chapter 27.

577 16 0
                                    

Lavander’s POV.

Nagbuntong-hininga ako at napag-isipang umupo na lamang mula sa pagkakahiga.

Iniisip ko pa rin ang nangyari kahapon. Hindi ko mawari kung bakit sinugod ng mga bampira ang mga tao. They are like us and I know they are clearly aware about the rules. I know some of them are criminals in the vampire world, based on what Tito Knox told us. But I know it is not the reason why they are attacking the humans all of the sudden. I am sure of it. Hindi ko lang talaga malaman ang dahilan. They didn't even recognize our parents yesterday.

Oo, tumulong ang iilang mga magulang namin sa pagligtas ng mga tao. I know that they know who they are. All of ours parents are the rulers on a kingdoms and villages. Impossibleng hindi nila malalaman iyon. Kaya nagtataka ako kung bakit.

Dumagdag pa iyong balita. Maraming napatay ang mga awtoridad na mga bampira na umatake rin pala sa isang sikat na mall. At sigurado na talaga ako na naniniwala na ang mga taong hindi man lang naniniwala sa amin noon. Sinong hindi, ‘di ba? Binalita na. The authority also has proof that we exist. At isa pa, binalita rin kagabi iyong pagsugod ng mga bampira sa bayan malapit rito.

I am just really thankful that Ethan broke all the devices that the humans used to take a video of us while fighting. Dahil kung hindi man, siguro ako na tutugisin na kami ng mga awtoridad. Hindi pa naman kami naka-mask o kahit anong nakatabing sa mukha!

Mabuti na rin na nakaalis na iyong mga pulis sa paligid upang dalhin ang mga taong nailigtas nila kahit may natira pang mga tao roon, kung hindi ay sasabihin din ng mga iyon na andoon kami.

But even though wala sila, the people who saw us could explain our appearances to the investigator. Mabuti na lamang ay nandoon si Ina. Mom has illusion ability. She can make them see what we cannot see. Pwede niyang ibahin ang mga itsura namin sa kanilang paningin and it is very useful. It is for our safety. Ayokong madamay ang anak ko kapag nagkataon.

Nagbuntong hininga ako at saka napag-isipang bumaba mula sa kama. Tumingin ako sa study table ko nang makita ang aking phone roon. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking isipan at kinuha ko iyon. At natagpuan ko ang aking sariling nags-scroll sa facebook.

Napailing ako nang halos lahat makita kong post ay tungkol sa issue. Ang iba ay natatakot, ang iba naman ay excited, at mas lalong may mga galit na gustong patayin ang uri namin.

Hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit ang mga tao samin, eh, wala naman kaming ginawang masama sa kanila. O sadyang akala nila sa amin ay mga demonyo. Gusto kong matawa sa mga possibleng dahilan nila dahil nakakatawa naman talaga. Kami pa ang sinasabihan nilang demonyo, eh, ang mga ugali nila ay mas malala pa sa demonyo. I think they are just afraid of us that we might take this world from them or they just can’t accept that we have abilities than them. Why can’t they just accept us, right? They are just so… argh!

Unknown Connection (Completed).Where stories live. Discover now