Chapter 25.

582 15 0
                                    

Lavander’s POV.

“Ate! Tingnan ninyo ang balita!” Kumunot ang aking noo nang marinig ang ni Lucas sa living room.

I was in the dirty kitchen, baking my favorite cookies. Elisha, Fiara, Evianna are helping mr. Marami-rami kasi ang ginawa namin dahil sobrang dami rin ang kakain.

Nang makauwi kami kagabi ay halos hindi na ako nagsalita, pati na rin ang mga kasama ko. In short, we are silent the whole ride. They kept on glancing at Yeron who were beside me, crossed legs while sitting. Nakaakbay ang kaniyang braso sa aking upuan dahilan upang hindi ako makasandal. Parang may kung ano sa kanilang mga mata habang patingin-tingin kay Yeron. Ni hindi nga nakapagsalita si Lucas na mismong nag-drive sa van. Even though he is driving, he keeps on glancing at us like he is expecting something.

Iyon naman katabi ko ay parang walang pake. He just keep on staring at me like his life was depending on my face. Ako nama’y nanatiling nakatingin sa harap at pilit na hindi pinapansin ang kaniyang mabigat na presensya. He was acting like he didn’t left me. He was acting like nothing happened. He was acting like nothing’s wrong! Parang hindi niya ako iniwang nasasaktan. Na parang wala lang sa akin ang lahat!

Gusto ko siyang sumbatan. Gusto ko siyang sigawan dahil sa ginawa niya sa akin. But I will not waste any of my time to a nonsense fight. Wala rin namang patutunguhan iyon. Bahala na siya sa buhay niya. Eh, ano naman kung bumalik siya, ‘di ba? He can come back, but he cannot get me back. Ano siya? Sinuswerte? He can roam around the house, but I hope he wouldn’t expect me to talk to him. Hah! Mukha niya!

Alam kong nakita ng mga kaibigan ko ang kagat sa aking leegan, because I was wearing a revealing clothes. Kahit na may coat na nakapatong sa balikat ko, it’s still visible in their eyes. Nakita ko kung paano naglaro ang kanilang mata at kung paano sila napangisi ng palihim. Nakita ko pang kinurot ni Fiara si Grave na pinipigilan ang tawa. Inirapan ko na lamang sila no’n.

Binitiwan ko ang hawak ko saka hinugasan ang kamay at pinunasan. The three did the same before we got out the kitchen together. Nakita kong nakaupo ang lahat sa sofa, mayroon din sa sahig dahil sobrang rami nila. Their eyes are focusing on the TV. They looked so serious making me curious. Para bang may pinapanood silang importante.

“What’s wrong?” Fiara asked. Napansin din yata ng tatlo ang pagiging seryoso ng lahat.

Seryosong tumingin sa amin si Lucas. “Come and watch this,” sagot niya.

Nagkatingin muna kami bago naglakad palapit saka tumingin sa TV without sitting. Wala rin naman kaming mauupuan dahil occupied na lahat.

Kumunot ang noo ko nang makitang news iyong pinapanood nila. What’s with the news para magkaganito sila?

Unknown Connection (Completed).Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon