CHAPTER ONE

2.4K 55 0
                                    


"WE WOULD have wanted to retain your services, Ms. Ocampo," ani Mrs. Paulina Gonzales, ang bagong namamahala sa kompanyang pinagtatrabahuhan ni Madeline. O mas akmang sabihing malapit nang maging dating pinagtatrabahuhan. "Mahusay ang record mo sa kompanya at huwag nang sabihin pang well-recommended ka ni Mr. Milan."

Alam niyang nais lang nitong tupdin ang mahigpit na bilin ni Mr. Milan na hindi siyaisasama sa mga tatanggalin sa trabaho. Hindi ang trabaho niya bilang executive secretary ang panghihinayangan ng bagong may-ari. May sarili itong mga empleyado.

But her pride, and the fact that her life was not getting anywhere, made her decide to resign. "Thank you, ma'am," she said with a small smile. "But I am going home."

"Home?" Bahagyang tumaas ang kilay ng manager, questioning her.

"Up south, ma'am. It's six... seven-hour drive from Manila."

"Oh." Isinandal ng manager ang likod sa sandalan ng swivel chair. Ang silyang dating okupado ni Mr. Milan na nang magpasyang mag-migrate sa America ay ipinagbili ang kompanya. "Take a one week leave, hija. Maghihintay sa iyo ang puwesto mo sa pagbabalik mo."

"Marami pong salamat uli pero parang ang take-over ng A.L. Sarmiento sa Mandredge ay nagbigay ng pagkakataon sa akin para mapag-isip-isip na matagal na rin naman akong hindi nakakauwi sa amin minsan man sa nakalipas na limang taon." She took a deep breath, and again, smiled. "I am taking this opportunity to go back home."

Bago pa makapagsalitang muli angnakatatandang babae'y tumayo na si Madeline. Awtomatikong tumayo rin ang manager at kinamayan siya.

"You have a week to think it over, Ms. Ocampo," she said cursorily. "Later than that, someone from the main office will take your place."

Tumango siya at nagpaalam na at lumabas ng opisina ng manager. Nang mailapat niya pasara ang pinto ay saka niya naramdaman ang panghihinayang at takot na iglap na umusbong sa dibdib niya na mawawalan siya ng trabaho. She shouldn't have allowed her foolish pride to rule her head.

She had a four-year-old daughter to raise, for Pete's sake! What had gotten into her? She knew that an offer of a job from a complete stranger had fueled her decision. Dahil ang trabahong iniaalok ay sa bayang iniwan niya sa nakalipas na limang taon; that deep inside her heart, she had wanted to come home. Kahit na walang naghihintay sa kanya roon. Kahit na wala siyang uuwian.

Paano kung wala naman palang ganoong trabaho? Ni hindi nga niya nakilala ang buong pangalan ng estranghero maliban sa pagsasabi sa kanya ng pangalan nito.

She hated the words that came into her mind—bahala na.

Nang mag-angat siya ng mukha'y nakita niyang naghihintay sa labas ng pasilyo si Wesley, ang on-and-off boyfriend niya for more than a year now.

At sa kasalukuyan ay cool off sila. Kay Wesley mismo nanggaling iyon, tulad din ng mga nakaraang iba pang cool-off nila.

"What is it this time, Wes?" ang tanong niya rito minsang nasa canteen sila at sabihin nitong mag-usap sila.

"Sa nakalipas na isang taon ay wala akong nakikitang pagsulong sa relasyon natin, Madeline," wika nito. "Baka kailangan naman natin ang makihalubilo sa iba para malaman natin kung ano talaga ang halaga natin sa isa't isa."

"Really?" She had almost rolled her eyes. Wala nang bago sa sinabi nitong iyon. At sa totoo lang ay nababagot na siya. Wesley was egoistic and vain.

"Really, Madeline," he said, a little disappointed. Sa nakalipas na isang taong mahigit nilang magkasintahan ay iyon ang pangatlong beses na humiling ito ng cool-off. Inaasahan marahil nitong muli siyang mag-aapela tulad ng dati. Iyong mangiyak-ngiyak na makikiusap dito na hindi nila kailangan ng cool-off na naman;

Sweetheart 17: Someone To Watch Over MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora