CHAPTER NINE

2K 52 8
                                    


SA ITAAS, sa barandilya, sa gitna ng dilim ay may dalawang pares na mga mata ang nasisiyahang nakamasid sa kanilang dalawa.

"Ano sa palagay mo ang mangyayari ngayon?" May pananabik at pag-asam sa tinig nito.

Kinabig ng hardinero ang babae sa dibdib nang mahigpit. "Hindi ko kayang sagutin, mahal ko. Sana'y simula ang gabing ito sa katuparan ng ating mga pangarap.

"WALANG pagsidlan ang kaligayahan sa dibdib ni Madeline nang sumunod na mga araw.

At sa kauna-unahang pagkakataon, magmula nang makilala bilang bad boy sa bayang iyon si Keith ay napansin ng mga professor nito na nagsisikap itong maituwid ang pag-aaral nang semester na iyon.

Samantalang si Madeline ay hindi miminsang naging tampulan ng panlalait at panghahamak ni Lotti at ng mga barkada nito.

"Keith took you on the rebound, Madeline," she said bitchily. "Hindi ko inakalang kay dali mong ibinigay ang sarili mo. Ako pa rin ang mahal ni Keith."

Guiltily, sinulyapan niya ang Lola Benita nila na nakamasid sa kanya, nanunuri ang mga mata. "H-hiwalay na kayo ni Keith nang... nang maging magkasintahan kami, Lotti."

"We were only having a lovers' tiff, Madeline! Sinunggaban mo agad si Keith. Sinamantala mo ang sama ng loob niya sa akin. At anim na buwan kaming magkasintahan ni Keith kompara sa inyo na wala pang isang buwan. Walang pundasyon..."

"Y-you have Dante. Ipinagpalit mo si Keith sa kanya."

Nanlisik ang mga mata nito sa animosity sa kanya. "Dante's a has-been. At tinitiyak ko saiyong isa sa mga araw na ito'y babalik sa akin si Keith." Tumayo mula sa hapag-kainan si Lotti. Isang nang-uuyam na tawa ang iniwan sa kanya bago ito tumalikod.

Nawalang bigla ang gana niya. Nakatitig siya sa pinggan niya gayong hindi naman niya nakikita ang laman niyon. Bigla'y nakadama siya ng insekyuridad.

Maligaya sila nitong nakaraang mga araw. At bagaman walang nakakaalam kung saan sila nagtatagpo ay hindi naman inililihim ni Keith ang relasyon nila. Kahit sa kolehiyo ay hantaran ang paglalambing nito sa kanya, bagay na hindi kailanman nakita ni Madeline sa mga naging girlfriends nito, kabilang na roon si Lotti. Vocal din ito sa pagsasabing mahal siya.

Kahit sa dashboard ng Camaro nito ay nakadikit ang pangalan niya na may karugtong na: -the girl of my dreams. "Keith, you're so corny!" nakatawang sabi niya nang makita niya iyon noong nakaraang linggo.

He winked at her. "If loving you is corny, di sige, corny na."

O di naman ay naglalakad sa school premises na magkahawak-kamay. Karaniwan na'y si Keith ang laging nagpapakita ng ganoong pagsuyo.

"Keith, people are watching," she had told himwhile they were walking along the covered pathway to the school building. Gusto niyang pakawalan ang kamay sa pagkakahawak nito subalit lalo lamang humihigpit ang pagkakahawak ni Keith doon.

"Should I care?" he teased, smiling into her eyes. "I want the world to know that you're my girl, sweetheart. I want them to know that the bad boy has changed. Mula sa dating gawi hanggang sa pagpili ng mamahalin."

Ang shyness niya ay natatakpan ng matinding kasiyahan sa mga pagkakataong tulad niyon. Sa gabi nama'y lagi itong naghihintay sa kanya hanggang sa pag-uwi niya at inihahatid siya.

She had really been happy. Kaligayahang nababantuan lamang sa tuwing nagpapasaring si Lotti tulad ngayon.

NANG hapong iyon ay nasa dagat sila ni Keith at naglalakad-lakad sa baybayin. Nakaakbay ito sa kanya at paminsan-minsan siyang ninanakawan ng halik.

Sweetheart 17: Someone To Watch Over MeWhere stories live. Discover now