CHAPTER SEVEN

2.1K 49 2
                                    


SUNUD-SUNOD ang pagtambol ng dibdib ni Madeline nang takbuhin ang bintana sa harapan ng bahay at hinawi ang kurtina. Natanaw pa niya ang pagtalon ni Keith mula sa convertible nito at pagkatapos ay umikot sa passenger seat at inabot ang isang pamilyar na duffel bag sa passenger seat.

Hinintay niya ang pagpasok nito sa gate at saka siya lumabas sa may pinto at may pananabik na sinalubong ito.

"Hi," bati nito.

"H-hi." Isang alanganing ngiti ang pinakawalan niya. Nakita niyang may gasa ang ilong nito.

Tuluy-tuloy ito sa loob ng bahay. Sumunod siya at muling binalikan ang puwesto sa may tapat ng bintana.

"I brought your duffel bag." Inilapag nito iyon sa sahig. "Galing ako sa inyo at wala ka roon."

"Hindi pa ako natatagalang dumating," she said. "It's been months since I last came here. I missed the place." Tumingala siya at inikot ng paningin ang kabuoan ng bahay.

Tumango ito. "Me, too." Lumakad ito patungo sa tabi niya at sumandal sa pasimano.

"Bakit ka nagpunta sa bahay? Wala roon si Lotti. Makapananghali ay umalis na siya. Akala ko nga'y magkasama kayo." She struggled for casualness. Na hindi niya kailanman nararamdaman sa tuwing si Keith at si Lotti ang napag-uusapan.

"Ikaw ang sadya ko, Maddy. Hindi si Lotti. Gusto kitang kumustahin. At para isauli na rin ang bag mo. Nakita ko iyon sa lupa pero hindi ko na naihabol sa iyo."

Hindi na niya naisip iyon nang tumakbo siya bagaman nitong nakaraang araw ay sumagi sa isip niya kung ano na ang nangyari sa mga gamitniya. Natitiyak niyang nasa loob na rin ng bag niya ang dalawang librong bitbit niya nang gabing iyon.

"S-salamat, Keith. Kung... kung hindi mo kami nakita ay baka napahamak na ako..." Her voice broke.

Nag-init ang sulok ng mga mata niya nang muling pumasok sa isip ang nangyari. She hated herself for it. Hindi siya crying baby. Kung may mga suliranin mang dumarating sa murang edad niya'y tinatawanan lang niya. Pero ang muntik nang mangyari sa kanya'y hindi niya makuhang bale-walain lalo at sa mga mata ng iilang estudyante ay siya ang may kasalanan.

They started to brand her as a tease. May mga estudyanteng lalaking inuuyam siya dahil doon. At mas masakit isiping ang nagpasimula ng ganoong usapan ay ang pinsang si Lotti. Ang mga taong higit siyang kilala ang hindi naniniwala sa mga bulung-bulungang ikinakalat ni Lotti.

"They are the ones that mattered, Madeline..." Iyon ang sabi ni Molly sa kanya. Sapat upang muling bumalik ang tiwala niya sa sarili.

Umiwas siya ng tingin at nilingon ang mga halaman sa labas ng bintana. Nagpangyari iyon upang hindi sinasadyang maihantad niya sa paningin ni Keith ang kabilang pisngi niya.

Nangingitim na ang bahaging sinampal ni Dante.Sa pagkagitla niya'y inabot ni Keith ang mukha niya at iniharap dito. Kapagkuwa'y sunud-sunod na litanya ng pagmumura ang lumabas sa bibig nito. For a moment, Madeline marveled at the creativity of the invectives. The bad boy was very good at it.

May ilang sandaling pinalipas ni Keith ang galit bago nito hinawakan ang mukha niya at sinipat ang nangingitim niyang pisngi.

"Ginawa ni Dante sa iyo ito?"

Napatango siya. "N-nang magpumiglas ako at tumangging sumakay sa owner niya. Ipinagpapasalamat kong iyan lang ang nangyari sa akin, Keith."

Again, Keith muttered a series of invectives. Nakita niyang nag-igting ang mga bagang nito at ilang beses humugot ng hininga. Itinukod ni Keith ang isang braso sa hamba ng bintana at ang isa'y sa pasimano. Nakulong siya sa loob ng mga bisig nito.

Sweetheart 17: Someone To Watch Over MeWhere stories live. Discover now