CHAPTER TWELVE

2K 55 0
                                    

"DOON sa huling tanong mo, naipanganak ni Lotti ang sanggol. At wala pang tatlong buwan pagkatapos itong manganak ay umalis si Lotti sa mansiyon at bumalik sa lola niya."

"I don't understand."

"Hindi gumawa ng pagsisikap si Keith na suyuin ito at pabalikin sa mansiyon. O kahit pakasalan ito dahil man lang sa bata. Totoong nagulat ang lahat dahil sa panahong nagdadalang-tao si Lotti ay masyadong attentive at maalalahanin si Keith dito. May mga nagpayo, at kabilang na si Lola Benita roon, na kung ano man daw ang problema'y malulutas din iyon... Na mas mapapaganda ang pagsasama nila kung may basbas ng kasal.

"But Keith was so adamant. Nagkanya-kanyang buhay ang dalawa. Si Lotti ay muling nakipagrelasyon sa iba. Si Keith ay walang pakialam. Ang bata ay nasa poder ni Keith. And once in every blue moon ay kinukuha ni Lotti pero laging may kasamang yaya at driver." Sinulyapan nito si Sherie. "Sherie has a brother."

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Ang iisipin. Bakit hindi pinakasalan ni Keith si Lotti?

Nang mag-angat siya ng mukha kay Molly ay isang matabang na ngiti ang pinakawalan nito.

"Keith had gotten you both pregnant. I don't know what to say."

She colored, then avoided her friend's eyes. "H-hiwalay na sila nang... nang... may mangyari sa amin—"

"Did it matter?"

Umiling siya. "No. I believe it did not."

"So. Ano ang plano mo ngayon?"

Nagkibit siya ng mga balikat. "Maghanap ng matitirhan sa Esperanza. At doon din maghahanap ng trabaho. In that order."

Napakunot-noo ito. "Esperanza? Bakit sa Esperanza?"

"I was offered a job there, Molly. Sa isang local radio station."

"Alam kong may aandap-andap na radio station sa Esperanza. Ang may-ari yata'y nasa ibang bansa. Pero bakit doon, Maddy? Iilan lang ang empleyado roon. Baka hindi kayang magpasuweldo ng istasyon ng isa pa." Then she raised her hands in the air and managed to look contrite.

"Sorry. Ngayon ko naiintindihan kung bakit hindi mo sinabi ang tungkol kay Sherie at sa kinaroroonan mo. Maaari kong mabantuan ang mga desisyon mo."

She smiled at her friend. "We've both done that to each other in the past, Molly. Pero hindi sa pagkakataong iyon. Anyway..." Nilingon niya ang labas ng bintana at pagkatapos ay ang relo sa braso. "Mag-aalas-kuwatro na pala." She gathered her bag around her. "Kailangang tumuloy na kami bago pa kami abutan ng dilim. Maghahanap pa kami ng matutuluyan sa kabilang bayan. Temporarily, I'll get a cottage."

"Bakit sa Esperanza ka maghahanap ng matitirhan? Bakit hindi rito sa San Ignacio? At pansamantala, dumito ka muna sa amin, Maddy."

"Molly..."

"Okay," Molly said in a resigned face. "Esperanza's less than an hour drive. Magkikita tayo, iyon ang importante. Give me your mobile number and I'll give you mine."

NANG magpaalam na silang mag-ina'y pinigilan din sila ng nanay ni Molly na nag-aanyayang doon na maghapunan. Magalang niyang tinanggihan iyon at nangakong babalik sa ibang araw. Gayunpama'y nagpilit ang nanay ni Molly na magbaon sila ng pagkain sa Tupperware para hindi na sila bumili ng para sa hapunan. Pati na rin ang bikong bagong luto ay ipinadala na ng matandang babae.

Huminto muna siya sa isang maliit na gas station at nagpa-full tank. Hindi niya tiyak kung may gas station sa susunod na bayan. Marahil ay mayroon din naman pero mabuti na iyong sigurado. Kahit noong kabataan niya'y bibihira siyang magtungo roon. Kung piyesta lamang siya nakakapunta sa Esperanza at naaanyayahan ng ilan sa mga classmates na tagaroon.

Sweetheart 17: Someone To Watch Over MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon