CHAPTER NINETEEN

2.7K 61 10
                                    


"LOVELY," Keith whispered as he stared into her eyes. Ang mga siko nito ay nakatukod sa gilid ng sofa na natitiyak ni Madeline na ang paglundo ay hindi na maibabalik sa dati.

Kapagkuwa'y binaliktad ni Keith ang posisyon nilang dalawa sa pamamagitan ng paghiga sa kabilang bahagi ng sofa at hinila siya sa ibabaw nito. Her place on top of him was so familiar. She enjoyed the sensation of being cuddled against his long, lean body.

"I love you, Keith. There's no other but you," she whispered back. Mists were forming in her eyes.

"I know. Alam kong walang ibang lalaki sa buhay mo, Maddy. And that made me love you more. More than you will ever know."

She tensed. "Keith..."

"Sherie's my daughter."

Biglang gumuhit ang takot at guilt sa mukha niya. But Keith smiled gently, albeit a little sadly. He caught her hand and nipped lightly at her fingers.

"Ikinalulungkot kong wala ako sa panahong ipinagdadalang-tao mo ang ating anak," he said with a catch in his voice. "Ikinalulungkot kong wala ako nang isilang mo siya at sa bawat araw na lumipas na mag-isa mo siyang itinaguyod."

"P-paano mo nalaman? Molly told you?"

Umiling ito. "Hindi kailanman ibibigay ni Molly ang sekreto mo."

"Then—"

"My father."

Lumalim ang gatla sa noo niya. She sat up. Subalit hindi siya makaalis sa pagitan ng mga binti nito para umayos ng upo. "H-how? Why?"

"Noong dumaan kami sa bahay at makita ni Papa si Sherie. He was watching Sherie all the time. Itinanong niya sa akin kung ilang taon naang bata. Pagkaalis namin upang ihatid si Sherie rito ay inutusan niya si Nanang Librada na kuhanin ang luma at pinakamalaking album sa library. You know Nanang Librada, siya ang yaya ko mula pa noong bata ako?"

Madeline nodded absently.

"Pagbabalik ko'y nasa den si Papa at sadyang hinihintay ako. Mula sa album ay ipinakita ni Papa sa akin ang mga larawan ni Mama noong bata pa ito. Lalo na noong kasing-edad siya ni Sherie. Our daughter is the spitting image of my mother when she was a little girl, Maddy. At walang panahong hindi binubuklat ni Papa ang album na iyon sa pangungulila niya sa mama..."

Maddy was speechless.

"My god, Maddy, I was both shocked and angry with you. I wanted to come back here and confront you. It was my father who stopped me. Wala na raw magagawa kung babalik-balikan pa ang nakaraan at magsisihan. Kung ano man ang dahilan ng pag-alis mo'y may bahagi ako sa kasalanan.

"Na ang pangalawang pagkakataong ibinigay pareho sa atin ay dapat kong samantalahin dahil hindi na ito mangyayaring muli. Na dapat kong isipin ang dinanas mong hirap sa pagpapalaki sa anak natin ng nag-iisa. And that stopped me. In more ways than one, tama si Papa. I blamed no one but myself, sweetheart."

Hindi niya namalayan ang pag-agos ng mga luha niya. Pinahid iyon ni Keith ng mga palad nito at itinaas ang katawan at hinagkan siya. "Bakit sa palagay mo ganoon na lang ang pagkagiliw ni Papa kay Sherie na gusto niyang hilingin sa iyong doon matulog ang bata?"

Hindi niya makuhang magsalita. Nagsisikip ang dibdib niya dahil gusto niyang humagulhol at pakawalan ang lahat ng agam-agam na inipon niya roon mula nang magbalik siya sa bayang ito.

"Tiniyak ko sa sarili kong hindi ako titigil hangga't hindi kita napapapayag na magpakasal, Maddy. That I'll indulge you for a while, at the same time, I'll also start to woo you."

Sweetheart 17: Someone To Watch Over MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon