CHAPTER FOUR

2.2K 56 0
                                    


MADELINE blinked back her tears. Itinuon niya ang paningin sa kalsada at kunwa'y nag-aabang ng masasakyang tricycle. Halos hindi siya humihinga dahil alam niyang lumalapit ito. Mayamaya pa'y nasa tabi na niya si Keith. May maikling sandali itong nakatayo roon bago nagsalita.

"Salamat sa pag-aalala mo, Maddy," he said gently. "Not that I don't appreciate it. I do. But not just Bettina, you will also be implicatingyour cousin as well if you told them about the pouch." Huminga ito nang malalim at tumingin sa paligid nila bago ibinalik ang mga mata sa kanya.

"At kung totoo man ang narinig mo, hindi lang iyong attempted carnapping ang iaakusa ngayon ni Tandang Rufino sa akin. Hindi ko nakuha ang pouch at nakita kong dinampot niya iyon kanina habang nagpapatawag siya ng pulis."

"Alam mo ba ang tungkol sa laman ng pouch, Keith?"

He looked at her in the eye. "Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa iyong wala akong alam kung ano ang laman ng pouch nang sabihin nila sa aking buksan ko ang kotse?"

"Naniniwala ako sa iyo," mabilis at tiyak niyang sabi. "You are my friend, Keith. Alam kong hindi mo magagawa iyon. Pero kung nakita at nasilip na ni Kapitan Rufino ang pouch ay iisipin niyang sa iyo iyon kaya binubuksan mo ang kotse niya. At sa sandaling makarating sa admin ng SIC iyon, mae-expelled ka!"

His smile was without humor. "Hindi pa ako nakakapasok sa loob ng sasakyan niya nang mahuli niya ako kaya natitiyak kong alam ni Kapitan kung kanino ang pouch at kung bakit ko binubuksan ang kotse niya. Worse comes to worst, they won't find a trace of drug in mybody."

Pero gusto niyang sa akin iyon ibintang kaysa kay Bettina kung magkakabistuhan. The carnapping accusation was only a ploy, Maddy. Dahil sa reputasyon ko, hindi malayong isipin ni Tandang Rufino na ako ang nanrahuyo sa anak niya. He could accuse me of pushing." His face darkened. Then, "Huwag kang mag-alala, hindi niya ako maipakukulong. Kinakabahan din siyang madadawit ang anak niya."

"Sasabihin mo ba kay Hepe at sa papa mo ang katotohanan?"

Umiling ito. "No. Natitiyak kong naitago na ni Tandang Rufino ang pouch."

"At ni ayaw mo man lang ipagtanggol ang sarili mo." She let out a weary sigh and stomped her foot childishly. "Bakit mo ginagawa ito, Keith?"

"What do you think I am doing, sweetheart?" His tone suddenly gentled.

Malimit nang gamitin ni Keith ang endearment na iyon sa kanya sa kabila ng alam niyang walang malalim na kahulugan iyon dito. Pero hindi pa rin niya maiwasang masiyahan sa tuwing naririnig niya iyon sa mga labi nito para sa kanya.

"Bakit may pakiramdam akong sinasadya mo ang lahat ng mga kalokohang ito? Bakit tuwang-tuwa kang ipakita sa lahat ang pagiging delingkuwente mo?"

"And you believe I am not?" he asked, more amused than anything else.

"Yes!"

Sandaling tinitigan siya nito; his face void of any emotion. Pagkatapos ay nag-angat ng mukha at kinawayan ang isang tricycle. Nang huminto iyon sa tapat nila'y hinawakan siya nito sa braso at ipinasok sa loob.

"Go home, little one," wika nito. "And stay away from trouble."

"HULI ko iyan!"

Biglang nasira ang stroke ng huling letrang naisulat ni Madeline sa diary niya at umekis iyon sa papel. Mabilis na itiniklop niya ang diary at napabangon mula sa pagkakadapa sa kama.

She glared at her friend. "Ano ka ba naman, Molly! Muntik na akong himatayin sa gulat sa iyo, ah! Bakit ka ba nanunubok?"

Molly rolled her eyes ceilingward. "Ang OA naman nito. Hindi naman ako nanubok, ah," she said defensively. "Sobra lang ang concentration mo riyan sa diary mo kaya hindi mo ako narinig. By the way, totoo nga bang nahuli sa akto si Keith na kakarnapin daw ang bulok na kotse ni Kapitan Rufino kanina? Ang tiyaga naman ni Keith, puwede nang pakapitan ng talaba angkotse ng matandang iyon, ah."

Sweetheart 17: Someone To Watch Over MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon